Chapter 4

43 5 0
                                    


Kinabukasan, naabutan ko si Sheera at Hazel sa baba, nagluluto ng almusal. Tumingin ako sa paligid. Napabuntong-hininga ako. Buti naman wala na sya dito. Pagkaakyat ko kasi kagabi, hindi na ako bumaba. Ayokong bumaba lalo na't alam ko na nasa baba si Lecxis at Aira. Baka kung ano lang mangyari kung sakali.

Pumunta ako sa kusina kung nasaan silang dalawa. Nakita kong nagluluto ng bacon and egg si Sheera samantalang si Hazel ay nasa lamesa, nakaupo. Himala at bumaba ang babaeng ito.

"Oh, Hazel? Bakit hindi ka tumulong?" Tanong ko na ikinabigla nya. Hindi nya siguro napansin na nandito ako.

"Ay! Ano ba yan Gen! Akala ko naman kung sino!" Sabay hawak nya sa dibdib nya. Natawa nalang ako.

Lumapit ako kay Sheera na nagluluto.

"Sheera, tulog pa sila Princess?"

"Oo. Napuyat ata kagabi. Anong oras na din kasi kami natapos magkwentuhan."

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko habang kumukuha ng mga plato.

"Ayaw pa kasi umuwi ni Lecxis kagabi. Gusto nga, dito pa sya matulog. Eh, wala syang tutulugan." Napairap nalang ako sa kawalan.

Umalis na ako sa tabi ni Sheera at pumunta sa lamesa. Nilapag ko isa-isa ang mga pinggan at tiningnan si Hazel na nakayuko. Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kahapon.

"Hazel, okay ka na ba?" Napatingin naman agad sya sakin at ngumiti. Pero halata namang peke.

"Oo naman, Gen." Sabay yuko ulit.

"Okay lang yan Hazel. Maaayos nyo din yan. Papuntahin mo nga yang Jeremy na yan dito para masapak ko."

Bigla namang natawa si Sheera. Narinig nya siguro.

"Ano ka ba Gen, okay lang talaga ako." Sabay ngiti nya sakin. This time, ang lungkot ng ngiti nya.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan sya.

Kumuha ako ng mga baso at kutsara't tinidor. Saktong pagkatapos ko, bumaba si Princess kasama si Ryza.

"Oh! Buti naman at gising na kayo!" Sabi ni Sheera habang nilalagay ang mga niluto nya sa isang plato.

Tinulungan ko naman sya dun.

Lumapit ang dalawa at humikab. Sabay pa talaga. Haha. Umupo sila sa tapat ni Hazel. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Gisingin nyo na si Aira. Buti nalang at bukas pa ang pasok natin." Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa plato kong walang laman.

"Uhm.. Kanina pa gising si Aira. Kaharap ang phone nya." Sabi ni Ryza. Naramdaman ko naman na napatingin sila sakin.

"Ahh. Edi pababain nyo na." Sabi ni Sheera. Si Hazel, wala pa ding imik.

Dali-daling tumayo si Ryza at umakyat. Buti naman at sya ang tumawag. Wala ata ni isa samin balak umakyat.

Maya-maya, narinig na naming ang yapak nilang dalawa. Sabay sila lumapit samin at umupo. Bumalik si Ryza sa upuan nya samantalang si Aira ay umupo sa tapat ni Sheera.

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, panay ang sulyap ni Aira sa phone nya na parang may hinihintay. Lahat kami napapansin yun pero ako lang ata ang nakatutok talaga sa kanya.

Maya-maya, nagsalita sya na nagpatahimik samin.

"Guys, pupunta daw si Lecxis dito, kasama si Jeremy. Pwede daw ba?" Sabay tingin nya sa aming lima.

Hindi muna kami umimik. Tumingin ako may Hazel.

"Haze?"

"Okay. Okay lang." At kumain na ulit.

Another ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon