SAG ACADEMY 1

1.5K 33 3
                                    


Isang buwan na ang  nakaka lipas mag mula ng malaman kong si Trent ang Fiance ko.. Isang buwan na ang nakaka lipas at hanggang ngayon parang pasan ko ang mundo at isang buwan na ang nakaka lipas pero hindi parin ako kinakausap ni Tristan. Ang sakit lang.

"Okay ka lang ba ate ? " ngumiti ako ng pilit kahit sa totoo lang ang sakit sakit na.

"Oo naman " naka tingin lang siya saaken.Sa loob ng isang buwan, si Nadine lang ang taong pinag sasabihan ko ng problema at nakaka intindi saaken kaya sobra akong nag papasalamat kasi kahit kelan,hindi siya nawala sa tabi ko.

"Kamusta na siya? " feeling ko maiiyak ako.Hindi na kasi ako kinakausap ni Tristan or tinitignan man lang.Para bang hindi ako nag eexist sa buhay niya at idagdag mo pa itong si Lea.Sila nanaman kaya naiinis ako.

"Hayy ,ano pa nga ba?Parehas naman kayong nasasaktan pero ito ha ate,naiinis ako jan kay Lea.Naku kung hindi lang ako takot kay Kuya Tristan matagal ko ng nilason iyang chakang babaeng iyan.Palagi nalang siyang nasa bahay" napa ngiti ako ng mapait.Ang sakit talaga eh.Hindi ko akalain na mamahalin ko siya sa maikling panahon.

"Sige ate..una na ako ha?Pag kelangan mo ako,itext mo lang ako..Pupuntahan ko pa kasi si Fritz mah labs sa library " naka ngiti niyang sabi at halatang kinikilig pa.Buti pa ang batang ito at walang problema,masaya pa ang love life..Hindi ko akalain na sa loob ng isang buwan magiging sila ni Fritz..Naaalala niyo pa ba si Fritz?Siya iyong nerd na binugbog ni Tristan at siya rin ang kaaway ni Nadine pero kita niyo naman,sila na ngayon at mahal na mahal nila ang isa't isa.

Tumayo na ako at nag lakad papunta sa room.Mag ta-time na rin kasi,e.Nag lakad lang ako ng nag lakad hanggang sa di ko namalayan na nasa room na pala ako.Naka yuko ako habang papunta sa upuan ko.. Isang buwan na ang nakakalipas at maraming nag bago.Ang mga estudyante?Hindi na sila gumagawa ng kababalaghan pero hindi parin nawawala ang kanilang pag lalandian.Iniba na ni Trent ang rules dito sa SAG ACADEMY at sa awa ng diyos,sumunod ang mga estudyante..Marami paring gangster at bitch pero hanggang ganon nalang sila.Oo hindi nawawala ang away pero sa labas sila ng campus nakikipag suntukad kasi kung hindi,tiyak na makikick-out sila..Hindi ko namalayan na naka pasok na pala si Sir Salva.Love palang ang subject naman ngayon.Haysss..

"Good Morning " binati namin siya pabalik.Napa tingin ako sa upuan ni Tristan pero tahimik lang siyang nakikinig.Hayyy, kelan niya ba ako kakausapin ?

"Okay ka lang ? " napa tingin ako kay Trent na nandito na pala sa tabi ko .Sa loob ng isang buwan , siya ang taong pinag bubuntungan ko ng galit pero siya rin naman ang tumutulong saaken.Ewan ko ba , naguiguilty ako sa tuwing sinasaktan ko siya. Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Okay class ,our topic for today is about your past love life" lahat napa singhap at natahimik.Sino ba naman ang hindi diba ? Babalikan namin ang past naming nag bigay saamin ng sakit.Biglang pumasok sa isip ko si Tristan.

"Ilagay niyo ang name niyo dito sa fish bowl na ito at bubunutin ko kung sino ang unang mag sasalita para fair . "

Nag start na kaming mag sulat at inilagay sa fish bowl isa-isa ang papel na nag lalaman ng pangalan namin. Lahat kami ay tahimik na nag hihintay sa mabubunot ni Sir.

"Reina " sabi ni Sir kaya halos lahat kami napa tingin kay Reina a.k.a Nerd ng klase at kita namin ang  gulat niyang ekspresyon . Halatang kinakabahan siya pero tumayo parin siya at naka yukong pumunta sa harap . Ngumiti muna siya bago mag salita .

" Nerd ako..Halata naman diba ? Pero tulad nga ng sinabi nila , lahat may dahilan kung bakit ka nag bago.." panimula niya. Naka tingin lang kaming lahat sakanya at magalang na nakikinig.

"Hindi naman kasi ako nerd dati, eh pero dahil sa past ko , nag bago ang buhay ko at buong pag ka tao ko " bigla ulit siyang yumuko at pinunasan ang luha bago ipag patuloy ang kwento niya.

"First Year ako n'on at hindi ko pa alam ang school na ito . Isa akong clown sa klase dahil halos lahat , napapatawa ko at ako rin ang takbuhan nila pag may problema sila at ako rin ang taga bigay ng advice nila..Masaya ako dahil napapasaya ko sila sa simpleng paraan at masaya rin ako n'on dahil kay Sky .. Si Sky ang pinaka mabait na taong nakilala ko sa buong buhay ko..Oo masungit siya pero kahit papano , napapatawa at napapa ngiti ko siya. Naging mag kaibigan kami hanggang sa isang araw ay nag kaaminan kami .. Gusto namin ang isa't isa kaya naging M.U(mutual understanding) kami . Hindi niya ako niligawan kasi sabi niya hihintayin niya ako hanggang college..Sweet kami sa isa't isa at para talaga kaming mag ka relasyon idagdag mo pa na lagi kaming sabay umuwi..Masaya kaming dalawa hanggang sa isang araw , nag taka ako sa mga kinikilos niya.. Tahimik siya at ang lamig ng pakikitungo niya saaken . Ilang beses ko siyang tinanong pero ang layo ng sagot niya . Pumunta ako sa park n'on at nagulat ako kasi nakita ko siya..may kaakbayan at masaya pa silang nag lalambingan..Masakit syempre pero alam niyo iyong pinaka masakit sa lahat ? Iyong itinuturing kong bestfriend sa room ay ang tratraydor saaken.Oo , siya iyong kaakbayan ni Sky.. Gusto ko silang sampalin pero ano nga bang karapatan ko ? Hindi naman kami pero nasaktan ako ehh. Umalis ako sa park ng bigo.. Iyak ako ng iyak at hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa narinig ko ang usapan ng mga babae na may isang misteryosong school dito sa lugar natin kung saan nag aaral ang mga bigong katulad ko kaya hindi ako nag dalawang isip na pumasok dito.. Nag bago ako..Imbis na maging slut or bitch ako ay pinili kong maging nerd dahil wala rin naman silang pake saaken at heto nga ako ngayon , naka tayo sa harap niyo habang naka suot ng pang manang na damit at malaking salamin sa mata at buhaghag ang buhok.. Salamat sa Slut and Gangster Academy kasi kahit na ganito ako , nirespeto nila ako hindi katulad sa school ko dati na panay ang lait saaken at nag papasalamat din ako sa SAG ACADEMY kasi marami akong natutunan at marunong na akong lumaban " kahit umiiyak siya ay kita ang saya sa mukha niya matapos banggitin ang Academy na ito. Pag katapos niyang mag kwento ay panay ang kausap sakanya ng classmates namin.Kakaiba talaga . Lihim akong napa ngiti pero agaw nawala n mag salita si Sir.

"Next, Krisha "

-----

Vote

Comment!!

Follow!

Slut and Gangster Academy(PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon