chapter 2

10 1 23
                                    

Matapos ang ilang oras namin sa dagat ay hinatid ako pauwi ni Calix gamit ang motor niya.

Siguro gugustuhin ng iba na mag-celebrate ng bongga lalo pa't si Calix ang kauna-unahang nagkaroon ng 98 na average sa buong history ng school, at isa talagang karangalan 'yun, pero iba si Calix. Ilang ulit kong tinanong sa kanya kung gusto niyang sumama kila Tita o mag-dinner kasama sila pero ang tanging sagot niya sa'kin ay 'diba nga pipiliin ko na kung saan ako masaya?'

Pagdating sa bahay ay bumungad sa akin si Aila na may katawagan na naman, kabet ng putangina kong nanay. Nasa tindahan siya at rinig na rinig ko ang halakhak niya nasa labas pa lang kami. Nakagawian na ni Calix na pumasok muna sa bahay para magmano sa magulang ko bago umalis. Kaya naman as usual, nauna na naman siya sa loob.

"Ma!" sigaw ko sa nanay ko, kinakatok pa ang pinto ng tindahan naming papalugi na.

"Ano na naman?!" sigaw rin niya sakin.

"Lumabas ka r'yan! Andito na si Caliksto!" sigaw ko pa rin.

Mula pagkabata ay ganito na ako sa bahay. Pasigaw, galit at vocal talaga sa kanila. Alam ko namang mali pero meron din naman akong dahilan.

Dali-daling lumabas si Mama at pumasok sa bahay. Ako naman ay uminom ng tubig sa kusina, habang lahat sila ay nasa sala.

"Ma, alis na rin ako ha. Baka hinahanap na ako sa bahay" rinig kong paalam ni Calix.

"Oo! Congrats, Calex" halos mabuga ko ang tubig sa bibig ko ng marinig ang tawag ni Mama kay Calix. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na I yun at hindi E pero matigas ang ulo niya.

"Wala kayong inom?" tanong naman ni Papa, papasok na ako sa sala ng marinig ko iyon.

"Ay wala po!" sigaw ni Calix sa malumanay na tono. Kailangan niyang isigaw 'yun dahil bingi si Papa. Ay hindi naman bingi, may problema lang yung isa niyang tenga.

"Owws" sabi ni Papa. Napangiti ako sa reaction niya, hindi talaga naniniwala.

"Matino 'yan! Wag mo 'yang igaya sa'kin!" sigaw ko rin.

Pero pinanlakihan lang kami ni Papa nang mata habang sarado ang bibig bakas pa rin sa muka na hindi siya naniniwala.

"Oo nga! Hindi 'yan nainom!"

"Oh ay bakit yung kapatid niyan at---" agad kong tinakpan ang bunganga ng tatay ko bago pa man siya may masabing ikamamatay namin pareho ni Alix.

"Lumayas ka na nga, Garapata! Baka hinahanap ka na nila Tita!" sabi ko saka tinulak na si Calix palabas.

"Ah...sige po Ma! Pareng Jeff, alis na ako!" paalam niya sa magulang ko.

Hinatid ko siya hanggang sa labas at doon namin nakita ang kapatid ko, sakto pa at nakaakbay sa'kin si Calix dahil inaasar ako.

"Ano na 'yan?! Putangina, gabi, umaga, tanghali, kulang na lang pati madaling araw mag-ga-ganyan kayo sa harap ko! Ilugar man daw" bwisit na sabi niya, at sa bwisit ko rin ay binatukan ko siya pagdaan namin sa upuan sa tapat ng tindahan kung saan siya nakaupo.

"Aray ko, putangina ka! PAPAAAAAAAA!" sigaw niya. Wagas makamura sumbungero naman.

Bahagya kong tinulak si Calix palapit sa motor niya. Hindi ko alam kung paanong natiis n'ya ang kaingayan ng pamilya ko eh ayaw naman niya sa maingay.

"Alis na ako" paalam niya nang nakangiti habang hawak ang helmet. "Di mo ako pipigilan?" habol niya.

"Aba putangina mo, ba't naman kita pipigilan? Sino ka bang hayup ka?!"

"Sure kang 'di mo ako mamimiss?" nakangiti siya, nagbibiro but I saw softness in his eyes pero nagkunware akong 'di 'yun nakita. Matagal pa naman bago siya umalis eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Curse of SkyWhere stories live. Discover now