I am now watching my sleeping beauty deeply sleeping on his bed.
Whatching him in this state is my hobby, haha gabi-gabi mo ba namang ginagawa ito eh hindi mo magiging hobby? Hihi
When his asleep, don ko lang siya natititigan ng ganito.. I can now see how handsome he is. Matangos na ilong, mahabang eyelashes, red lips, white fair skin. Isama mo na rin ang katangkaran niya. For me, he's the most beautiful guy na nakilala ko.
Naalala ko tuloy noong college kami, non ko siya unang nakita at nakilala. Isa siyang malaking agaw atensyon sa loob ng malaking crowd dahil na rin siguro sa kanyang tangkad. Wearing his uniform makes him more handsome. Simula non crush ko na siya. My friends made plans on how we could see him everyday, kaya ayun kahit medyo malayo sa building namin ang building ng department niya dumadaan parin kami. Kahit anong sabihin ng iba about him, wala lang sakin.. Ganon na nga siguro ang pagkagusto ko sakanya.
Biglang sumabog sa loob ng classroom ang pagkagusto ko sakanya, dahil halos lahat alam na ito. Ang iba sabi may girlfriend raw siya, eh anong paki ko? Gusto ko lang naman siya. Im that type of person na pag crush, crush lang.. pag gusto, gusto lang.. ako rin yong tipo ng babae na hindi agad-agad natTurn-off. Kaya pwede silang manira sa harap ko, 'cause as if i'll care. Until nalaman yon nong isa ko pang classmate, don ko nalaman na kaibigan niya rin pala si Cha. Sinama niya ako sa department nina Cha at pinakilala sa mga kaibigan niya, ayoko naman talagang sumama pero pinilit kase ako ni jass or should I say kinaladkad? Haha
Non nagkakilala, nagkausap at nagkatawanan na kasama ang kanyang barkada. Don ko nakita ng malapitan kung gaano kaganda ng kanyang mga ngiti, don ko napakinggan kung gaano kaganda ng kanyang pagtawa. Madalas, sakanila na ako sumasama. Tumatampo na rin nga ang iba, ngunit anong magagawa ko? Gustong-gusto ko na siya?
Halos araw-araw na rin kaming magkasama, Mapa sa school o sa gala at laking tuwa ko non. Naging close kami, at yon ang kinakatakutan kong dumating.
Ang mahalin ang tulad niya, dahil mahirap. Ang mahalin ang tulad niyang alam mong hindi niya ito masusuklian. Oo, nagkaroon siya ng girlfriend ngunit galing na rin ito sakanya, kailan man di niya ito minahal. Ginawa niya lang itong isang palabas, palabas upang itago ang tunay na siya. Ang tunay niyang pagkatao, ang pagiging bakla niya. His group of friends are girls, his sibling are all girls and he only have his mother. Hindi maipagkakailala na maaring madamay siya sa pagkababae ng nasa paligid niya. Pero kahit ganon? Gusto ko siya, pwede na rin nating sabihing Mahal ko na siya.
Nakakatanga nga talaga ang pagibig, dahil kahit ganoon ay minahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
Kung di dahil sa isang pagkakamali, wala siguro ako ngayon nakaupo sa tabi niya, wala ako dito sa loob ng kwarto niya at wala ako rito na nakatitig sa maganda niyang mukha. Dahil sa isang pagkakamali, nag bago ang lahat. Nagbago ang pakikitungo niya, at ang ugali niya. Nagbago ang lahat ng iyon dahil saakin. Ako ang dahil bat siya nagkaganyan.
Pinagsisihan ko ang gabing iyon, ang gabing nagpakalasing ako o Sabihin na nating kami, ang gabing bumago sa lahat.
I confessed. Sinabi ko sakanya lahat lahat. Sinabi ko sakanya niya na mahal ko siya at wala akong paki sa kung ano ang pagkatao niya. Akala ko matatanggap niya, akala ko ok lang iyon sakanya. Hindi ko na rin kase kayang itago ang nararamdaman ko para sakanya, dahil mahal na mahal ko na siya. Akala ko maiintindihan niya, na pagkatapos non ay ayos lang rin ang lahat. Yong parang wala lang nangyari, ngunit mali ako. Maling mali. Everything went wrong, he got mad. Nahihibang na nga raw ako. That's why I got myself drunk. Very drunk, hoping it will ease the pain.
