Chapter 2

2 0 0
                                    

Madaling araw na noong ako ay dinalaw ng antok. Bagamat late na ko nakatulog ay bumangon parin ako ng maaga upang ipaghanda siya ng kanyang umagahan. Nakaugalian ko na ito sa loob ng 5 buwan na pagtira ko rito sa pamamahay niya.


Napatunayan na, na walang nabuo dahil wala rin naman talagang nangyari. Ngunit humiling akong pumarito muna sa darating na mga araw dahil hindi ko pa kayang harapin ang aking ama, at dahil gusto ko pa siyang makasama.. dahil hanggang ngayon ako ay umaasa, na darating ang panahong magiging ok ang lahat at ang panglingkod ko sa kanya ang naisip kong daan patungo sa aking nais makamtan.


Araw-araw ito ang nangyayari, kakain siya sa hinanda kong pagkain ngunit ni ha, ni ho wala itong babanggitin. Kaya pinipili ko nalang mauna siya sa hapag at kakain nalamang ako pagkatapos nito. Pagkatapos ay aalis siya ng bahay at uuwi na ng gabi. Madalang lang siyang makita rito, dahil narin saguro sa aking presensya. Ako naman ay kabaliktaran niya, madalang akong lumabas ng bahay dahil sa mga mapanuring mata. Maraming naglipanang judgemental na tao, maaaring may makasalubong akong nakapanood ng clip na kuha nung gabing iyon kaya ayoko, di na rin naman ako mahilig sa gala, di tulad ng dati. Di na rin ako mahilig makipag socialize, pati pag ngiti hindi na. Pinipilit ko nalang mag mukhang masaya.


Minsan gusto ko ng sumuko pero dahil nga matigas ang aking ulo, di ko ginagawa.


Minsan dumadalaw ako sa aming bahay, ngunit pag wala lamang si papa dahil di ko pa ito kayang harapin o di kaya ay tatanaw lang ako mula sa labas. Alam ko kaseng haggang ngayon ay galit pa ito. Hindi man ako sigurado ngunit nararamdaman ko. Masakit ang nangyari para sakanila dahil ako lang ang nagiisa nilang anak.


Dahil sa wala naman akong ibang magawa rito sa bahay ay naglinis na lamang ako, nagayos at pagkatapos ay nagpahinga. Naupo ako sa living room at nanood ng palabas. Nagulat ako ng biglang nag-click ang pinto kaya't tinanaw ko ito. Himala at maaga siyang umuwi ngayon. Agad akong tumayo at sinalubong siya ng may galak.

 "Gusto mo ba ng meryenda?" May ngiti kong bati, ngunit ni pagtingin ay di niya ginawa saakin, uli ko siyang tinanong at ngayon ay naagaw ko na ang pansin nito. Tinitigan niya lang ako, ng walang emosyon. Napakunot ako ng nuo.


 "My mom will visit, mag dadala sila ng meryenda" saad nito saakin habang papanhik sa kanyang kwarto.


Nasabi ko na bang, close na kami ng mga Mother niya? Hihi, para rin kasi siyang si Mama, makulit >_< ehehe agad akong nagpalit ng damit upang ako'y maging presentable. Bumaba na ako upang hintayin ang pagdating nito. Nong tumunog ang doorbell agad akong tumayo at pinagbiksan ito, binati ko siya na mag matamis na ngiti. Ngumiti naman ito balik at ako ay inakap na akin rin namang sinuklian. Pinaupo ko ito sa sofa.


 "Mas lalo kang gumanda ngayon iha, blooming" saad ng matanda, napahawak naman ako sa aking pisngi, nakakahiya.


 "Nako ho, di naman. Siguro ho nahawa lang ho ako sa kagandahan nyo, Hihi"


 "Bolera" sabi nito na may pahampas pa sa aking palikat


 "Ah, sandali lang ho. Tatawagin ko muna ang anak ninyo" tumango naman ito, agad akong pumanhik sa silid ni cha, kakatok na sana ako nng bigla itong bumukas, napatigil ako, di ko alam ang gagawin. Nakatitig lang siya saakin at nag hihintay ng aking sasabihin, bigla kong naalala ang kanyang ina.


 "Ah, ano. Nandiyan na sa sala ang Mama mo" nakatungo kong saad sakanya, pagkatapos non ay dinaanan lamang niya ako. Sinundan ko na lamang siya patungo sa sala, nakita ko kung pano niya binati ang ganyang ina. Humalik ito sa pisngi bilang galang sa ina, at umupo sa upuan. Kinuha ko na lamang ang dalang meryenda ni Tita Josie -pangalan ng kanyang ina- upang akin nang maihanda. Pagkatapos ay inihatid ko na ito sakanila.


 "Nako Jessie, umupo ka muna. Magkukwentuhan pa tayo" masayang saad ni tita josie, napatingin ako sa kanyang anak. Wala itong imik, kaya binaling ko na lamang ang aking mga mata sa kanyang ina.


 "Sige po, pero mamaya nalang. Gagawa po muna ako ng ating maiinom, para tuloy-tuloy na ho ang paguusap natin mamaya" masaya kong sagot, ngunit ang totoo'y umiiwas lang ako sa kanyang anak. Ayoko kong mapansin niyang galit saakin ang anak nito. Ayokong maymapagsabihan ito. Tango na lamang ang isinagot nito sa aking sinabi. Agad akong dumiretso sa kitchen at gumawa ng maiinom, kung sa tutuosin ay madali lang gumawa nito dahil powdered juice lamang ang gamit ko ngunit sinadya kong patagalin. Kailangan rin naman nilang mag ina ng time diba? :)


Nang ako ay matapos guamwa ay bumilik na rin ako agad sakanila.

Nagusap kami ni tita josie ng kung ano-ano. Si Cha naman ay bumalik sa kanyang kwarto dahil may tatapusin raw itong gawain. Nagkasarapan ang aming kwento ng di na namin namalayang gagabi na pala.


 "Jess, pwede mo ba akong samahan bukas sa mall?" Tanong saakin ni tita, agad naman akong tumango. Matagal tagal na rin kase akong hindi nakakaalis ng bahay at nakakagala.


 "Sige po tita, sandali at tatawagin ko po si Cah" agad naman akong dumiretso sa kwarto ng nasabi. Kumatok ako at agad naman nitong binuksan ang pinto.


 "Ah ano, u-uuwi na raw ang mama mo" pagkasabi ko non ay dinaanan niya lamang ako sa pumaibaba para magpaalam sa kanyang ina. Pumaibaba na rin ako. Tapos nang makapag paalam ang dalawa sa isat isa kaya napagdesisyonan kong ihatid si tita sa may gate, naiwan naman nakatayo ang kanyang anak sa bukana ng pinto.


 "Magingat po kayo" saad ko.


 "Salamat Jess. Ikaw, kayo mag ingat rin rito at wag mong kakalimutan bukas may lakad tayo" paalala nito saakin.


 "Opo tita, di ko makakalimutan" may ngiti kong saad. Nangmakalayo na ang sinasakyan nitong sasakyan ay bumaling na ako sa may pinto, wala na siya roon. Marahil ay umakyat na ito sa kanyang kwarto, ngunit ng ako ay makapasok ay naroroon pa ito sa sala nakaupo sa sofa. Malalim ang isip.


Nangmapansin nitong nakatingin ako sakanya ay tumayo ito at umakyat sa kanyang silid.





Bakit ganon? Hindi ko maintindihan ang kanyang mga ikinikilos.




Bat kahit anong gawin mo, mahal parin kita?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon