𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 O1.

27 7 0
                                    

"Kel! Ano ba naman, it's already late and please wake up!" Inis na sigaw sa akin ng aking Nanay, Imaret ang name nya ewan ko ba dyan paborito nya akong anak eh.

(Syempre nag iisa ka lang na anak tss)

Oo nga pala. So ito na nga babangon na, kahiya naman baka mabato ako ng walis dito.

"Yes mom, bababa na po," tamad kong sagot. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina kung saan nakita ko ang aking ama na may kinakalikot sa kanyang laptop.

As always, ganyan yan laging busy sa business. Well, isang architect ang papa ko.

"Uhmm, pa?" tanong ko.

"Yes?" sagot nya habang sa laptop parin naka tingin. Tss, maganda kaya akong tignan kaysa sa laptop na yan!.

"Bakit kayo na inlove kay mom?" tanong kong muli.

"At bakit Kel? Panget ba ako? Aba kung panget ang mom mo edi panget ka rin umayos ka, eat your breakfast, faster." Agad na sabat ni mom.

"Nyenye," bulong ko.

"Anong sinabi mo?" taas kilay ni mom na tanong.

"Nothing mom, I said kakain na po." I answer and put the bacon on my plate.

Pagkatapos kung kumain agad akong umakyat sa kwarto ko para gawin na ang orasyon ko sa katawan, nag bihis ako ng uniform namin na white polo na pinatungan ng black jacket, black slacks at sinuot na ang white rubber shoes ko. Simple lang 'no? Ganon talaga dito sa uni namin lalo na kung college ka na.

Bumaba na ako at nag beso sa mom ko para sa pagpapaalam na aalis na ako ng bansa-este ng bahay dahil papasok na ako. Ano pa ba?

"Ma,aalis na ako magingat ka rito huh? Wag kang magaalala kapag nakapag sweldo ako bibigyan kita ng pambili ng gamot, wag mong kalimutan na mahal na mahal kita mam-aray!" naputol ang sasabihin ko ng batukan ako ni papa.

"Kung ano-ano sinasabi mo pasok na sa oto."

Luh sungit ni papa amp!

"Baka anak ikaw ang bilhan ko ng gamot para sa utak mo loko ka!" Sabi ni mom pagka-tapos akong kurutin.

"Child abuse kayong mag asawa ah! " inis kong sigaw at tumakbo pa punta sa kutse ni dad.

May motor naman ako bat ako sumama kay papa -.- . Anyways, nandito na ako sa unibersidad ng Fuoco University. The one of the biggest school in the whole world char Philippines lang ano ba.

Agad kong pinatingnan kay manong guard and aking I'd, aba di ako mahihiya ganda ko kaya che, at pag katapos pumasok na ako at nilakbay ang napakahabang hallway. I'm already a second year college and I'm 18, yeah bata para sa second year college.

Habang nag lalakad ako, ikukwento ko no? Baguhan palang ako dito. Oo, dapat nga nung isang week pa ako pumasok kaso nagkasakit ako at ngayon kailangan kong humabol sa mga lessons huhu. I'm from France kase five years ako doon, doon ako nagtapos ng High School at nag first year college. Umuwi ulit kami dito kase nagka problem sa business ng papa ko kaya ito ako ngayon dito sa pilipinas mag-aaral.

Nakita ko na ang number ng room ko na kung saan, room OO8 ang room ko. Pumasok ako at Wala pang tao ang galing nasaan na ba sila? Time check 7:30 maaga pa 8:00am ang time ng pasok namin. So atat ang mama ko? Uhmp! Gisingin ba naman ako ng maaga na kakainis napanaginipan ko panaman crush ko /*pout.

"Huy Miss! Tatayo ka lang ba dyan? Tumabi ka nga papasok ako," masungit na sabi ng isang babae na color book ang mukha.

𝗧𝗛𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗢Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon