36

1 0 0
                                    

SAT AT 9:45 PM

Troy:

Salamat sa pagturo mo sa'king mag bake ngayong araw.

Hannah:

Wala 'yun, ano ka ba.

Troy:

Ang galing ko na 'no.

Hannah:

Pwede na hahaha.

Troy:

Tsk, dapat siguro nag culinary na lang ako.

Hannah:

Mas bagay sa'yong maging engineer.

Troy:

Weh?

Hannah:

Oo nga.

Tapos pag magpapagawa ako ng bahay, ikaw ang kukunin kong engineer.

Troy:

Para ano?

Para may discount?

Hannah:

Tumpak!

Troy:

Tapos pag ikaw maging chef, dapat palagi mo 'kong lutuan. Tapos libre hahaha.

Hannah:

Ipagluluto kita pero dapat sa'yo yung ingredients na gagamitin.

Troy:

Eh?

Hannah:

Ikaw din naman ang kakain eh.

Troy:

Wag na lang pala.

Masarap ba yung gawa kong cake kanina?

Hannah:

Oo.

Troy:

Salamat talaga Hannah sa pagtuturo sa'kin.

Hannah:

Wala yun, basta ikaw.

Troy:

Ang sweet talaga ng best friend ko.

Hannah:

Ngayon mo lang napansin?!

Troy:

Hahaha oo.

Magkaugali kayo ng pamangkin mo.

Hannah:

Magkasing ganda rin.

Troy:

Ang lakas naman ng hangin, kahit sarado yung bintana, nakapasok pa rito sa loob ng kwarto ko.

Hannah:

Nye. Nye. Nye.

Share mo lang.

Troy:

Sure ka bang pamangkin mo lang 'yun, hindi anak?

Hannah:

Grabe naman po ikaw!

Mukha na ba akong nanay?

Troy:

Slight.

Hannah:

Tss.

Bahala ka na diyan, good night na lang sa'yo.

Troy:

Hoy!

Hannah!

Nagbibibiro lang naman ako.

It All Started With A Hi (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon