48

2 0 0
                                    

M at M

THU AT 7:45 PM

Dyosa sa mundong ibabaw:

@Hannah shot? Puno?

Hannah:

Akin na.

Eunice:

Okay ka lang ba Hannah?

Hannah:

Hindi.

Haha masakit pala talagang magmahal.

Haha baka matagal pa bago ako maging okay. Pero kaya ko 'to.

Mawawala rin siguro 'to.

Dyosa sa mundong ibabaw:

Alam mo mawawala talaga yan, hindi man ngayon pero balang araw.

Hannah:

Sana nga.

Pero alam niyo, alam ko namang hindi niya 'ko gusto higit pa sa kaibigan pero mas masakit pala talagang marinig mo mismong manggaling sa kanya yun.

May:

I've been there Hannah kaya I feel you.

Lucy:

May mi-nay-day si Troy.

May:

Nakita ko nga.

Eunice:

Maybe its the reason why... you know?

Hannah:

Yun talaga.

Kaya nga doble ang sakit.

Nung una pa lang sinabi na niya basta kaibigan lang daw kami. Hindi niya naman kasalanan na magustuhan ko siya.

Siguro ang kasalan lang niya ay yung hindi pag sabi sa'kin tungkol sa kanya. Kung sinabi niya sana edi napigilan ko pa 'to.

Pero hindi niya sinabi kaya hindi ko na napigil.

Lucy:

Kahit sabihin niya ang tungkol kay ano sa tingin mo mapipigil mo yan? Sa tingin ko hindi kasi naramdaman mo na.

It All Started With A Hi (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon