Chapter 2

9 3 0
                                    

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Sigaw niya saakin.

"BAKIT IKAW NANAMAN?!" Sigaw ko rin sakanya.

Nakatingin siya saakin at nakaturo saakin, namumula na ang kanyang muka at sigurado akong nanggigigil siya saakin. 

"Victoria iha maupo ka muna" Sabi ni Mrs. Celestial sa babaeng mukang kamatis sa sobrang pula. Naka tingin lang siya magdamag saakin kung nakakapatay lang ang pagtitig kanina pa ako nakahiga dito at hindi na humihinga, grabe kasi ang mga titigan niya parang papatay na.

"You know eachother na pala V" Sabi ni ate Zariyah habang palipat-lipat ang tingin niya saamin ng kapatid niya.

"How can I would not know her ate she's my f-" Nabulunan ako dun.

"We're fr-" Sasabihin ko sana kaso pinutol ako ng babaitang eto.

"She's my girlfriend." Nakatitig na lahat saamin pabalik-balik lang sila ng tingin. 

"REALLY?!" Pasigaw na tanong ni ate Dite. Naka ngisi naman si kuya saakin sila Mama at Papa naman ay napa laki ang mga mata.

"Victoria iha totoo ba?" Tanong naman ni Mr. Celestial hindi naman ako makagalaw dito ang hirap nakatingin silang lahat habang ito namang bruha naka ngisi lang saakin ang sarap tangalin ng muka niya ngayon.

"Yes." Simpleng sagot niya lang at napainom ang kapatid at magulang niya ng tubig.

"This lady right here is my girlfriend everybody." Pagmamayabang niya pa, nakakahiya hindi ko pa nga siya masyadong kilala at isa pa ayoko ng kasintahan alam yan ng mga pamilya ko.

"Excuse me po." I respectfully said to them bago lumabas ng bahay hindi ko kaya ang pagkatitig nila saakin sa loob lalo na ng magulang ko, kung madali lang sa bruha na yun na sabihin harap-harapan sa magulang niya puwes saakin hindi. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig na yan dahil wala namang kwenta yan.

It's just making you a fool at ayoko maging fool. Ngayon hindi ko na alam tuloy kung paano ako babalik sa loob dahil nakakahiya talaga.

"Walk out girl." 

"ANO BA?! BAT MO SINABI YUN?!" 

"I already told you in the mall diba?" She said habang naka sandal siya sa pader. Hindi ako makapag salita kasi tama naman siya I said yes to her stupid deal. Isa pa may accent pa ang pag tatagalog niya mahahalata mo na hindi nag tatagalog ang isang ito.

"Speechless huh?" Lumapit naman siya saakin at pumunta sa harapan ko.

"Can you just leave me alone?!" Irita na pagkasabi ko sakanya sabay labas ng bahay nila. 

Naglalakad lang ako dito sa village nila dahil malayo ang gate palabas. Wala kasing nakakapasok na taxi dito dahil mahigpit ang mga tao dito at puro mayayaman rin dahil sa mga nadadaanan ko na mga malalaki at magagandang bahay. Nang makalabas na ako ay pumara kagad ako ng taxi at umuwi.

Pumasok ako sa aking kwarto at naligo and do my night routine at nag message kela kuya na naka uwi na ako baka kasi mag-alala sila, mabuti narin na malaman nila kung nasan ako. Ilang segundo palang akong nakahiga pero ramdam ko na ang aking takipmata na bumibigat na. 

Nagising ako at tinignan ang aking phone it's just 6:20 in the morning, tumayo ako at naligo na dahil may pasok ako ngayon ng seven, ng magawa ko na ang mga morning routine ko ay bumaba na ako at dumaan sa sala naabutan ko dun si kuya mukang aalis rin siya.

"Saan ang punta natin manong?" Sumimangot naman si kuya.

"Anong manong?!" 

"Ikaw manong" Tumakbo kagad ako sa hapag kainan. 

Only YoursWhere stories live. Discover now