Chapter 3

7 1 0
                                    

"You look kinda ugly today" Ayan lang naman ang sinabi niya saakin. 

"Back to you" Ayan patas na.

Hinigpitan niya naman ang pag hawak saaking kamay kaya napa sigaw ako sa sakit. Kamag anak niya ba si Hulk napaka sakit ng ginawa niya baka nga nabalian pa ako ng buto.

"Masakit?" Tanong niya.

Nginitian ko lang naman siya kung gaganti ako sakanya siguro mamaya nalang sa ngayon kasi ang daming nakatingin saamin. 

"Hi Valentine" Bati saakin ng isang lalaki.

"Valentine flowers for you" Sabi naman ng babae na asa harapan namin at may hawak na bouquet. 

"Excuse you, but my girlfriend here will not accept that." Tinarayan niya yung babae, muka namang walang pakialam yung isa.

"Will you accept it Valentine?" Tanong saakin nung babae, nakatingin siya saaking mga mata at ngumiti. Wala akong nagawa kung hindi kuwain yun at nagpasalamat sakanya minsan lang kaya ako makatangap ng bulaklak kaya kuwain na natin.

May umapak naman ng napakalakas sa aking paa at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong bouquet. Nang tumingin ako sa aking tabi ay wala na si bruha, siya naman ang nag-walk out ngayon. Nag tanong naman ako sa mga estudyante kung saan dumaan si bruha at tinuro nila saakin na pumasok daw ito sa banyo. Pag pasok ko palang ay biglang may nagsara ng pinto at nilock ito. 

"What are you doing here?" Tanong niya habang naka sandal ako sa pader habang ang kamay niya ay asa tabi ng ulo ko habang ang muka niya ay napakalapit saakin. 

"Sinundan lang kita nawala ka kasi kanina." 

"You should go back to that girl." Umalis na siya sa pwesto niya habang ako naman ay hindi makagalaw.

"Why did you walkout?" Nasa harapan naman siya ngayon ng mga salamin at tumingin saakin.

"It's just an acting." Nag hugas naman siya ng kamay niya at ngumiti pero yung ngiti niya mahahalata mo na pilit lang. 

"Why are you here?" 

"Wala lang acting lang rin, hindi naman kasi kita pwedeng iwan lalo na at nag-walkout ka." 

She smirked while pinapatuyo niya ang kanyang kamay. Bigla siyang lumapit saakin at kumapit saaking braso.

"I need my girlfriend to accompany me to my classroom." Yan lang ang kanyang sinabi at hinila na ako palabas ng banyo, nang makalabas kami ay tinungo namin ang kanyang classroom na asa kabilang building pa. 

"I need to go, malalate na ako" Aalis na sana ako kagad bago magpaalam ng hilahin niya ulit ako pabalik. Tinignan ko naman siya at naka nguso lang siya, ano kayang ginagawa nito. Nang hindi ko namamalayan ay hinalikan niya ako sa aking pisngi.

"Bye, see you later." Agad na siyang pumasok at umupo katabi ang mga kaibigan niya na ginugulo na siya. Tamakbo ako ng marinig ko na ang bell malalate ako dahil sa bruha na yun. Malapit na ako sa classroom ng may nabungo akong isang lalaki. Kumalat ang dala niyang mga papel kaya tinulungan ko siya kagad.

"I'm sorry" Kinuha ko ang mga papel na asa lapag at ng natapos na ay binigay sakanya at humingi ng paumanhin. Ngumiti naman siya saakin at nag sabi ng "Don't worry, kasalanan ko din. I'm in a hurry rin kasi." Maganda siya pomorma maayos ang itchura at masasabi mo na isa siyang hunk, tiyak na madaming taga hanga ang isang ito.

"I'm sorry again, I need to go narin malalate narin kasi ako." Pagpaalam ko at ngumiti muna bago umalis sa harapan niya.

"Ms. Faustino, muntikan kana malate." Yan ang sabi sakin ng teacher namin na panot, siya lang naman ang nag-iisa na si Mr. Cruz. Naupo na ako saaking upuan at nakinig na saaming lesson, nakikinig ako dahil kahit baliw ako ay nag-aaral ako ng mabuti para naman maging worth it ang perang ginagastos saakin nila Mama at Papa.

Nang matapos na ang klase ay nag text kagad si ate Dite, she's waiting na daw sa labas ewan ko kung paano niya nalaman na uwian ko na ngayon siguro nag tanong siya kela Mama o di kaya kay kuya Ros. Ang aking pinagkatataka ay bakit niya ako susunduin sa pagkakaalam ko kasi busy siya sa kanyang mga gawain at sakanyang papalapit na kasal.

"Hello ate?" Tumawag na siya saakin siguro natatagalan na siya saakin, hindi ko naman kasalanan yan dahil siya ang nag-offer ng ride pauwi.

"Where are you Val?" Mukang naiinip nga ito sa boses palang niya mahahalata mo na.

"I'm here in the hallway ate." Malilintikan ako sakanya pag dating ko dun lalo na at inasar ko pa siya.

"WTF VAL WALA KA NABANG IBIBILIS DIYAN?!"

"Tatakbo ba ako?"

"EWAN KO SAYO MAG HANAP KA NG SASAKYAN MO PAUWI." Nakita ko na ang saksakyan ni ate at nakikita ko narin ang muka niya, nasa labas siya ng kotse niya at sumisigaw sa phone niya at alam ko namang ako ang kausap niyan.

"Chill ate Dite, your vein is popping out." Bumeso ako sakanya at minasahe kunwari ang kanyang ulo, pinalo lang niya ako at pinasakay na kagad sa likod ng sasakyan niya. Pag pasok ko naman ay nagulat ako sa nakita ko. 

Guess what?

Si bruha nanaman ang nakita ko, bakit ba siya nalang ang nakikita ko palagi nakakairita na ah. 

"Hey, you're drooling." Sa sinabi niya na ayan ay walang malay na napa punas ako ng aking bibig at nang malaman ko na hindi naman ako naglalaway ay tumatawa na silang dalawa saakin.

"Kinarma kagad bilis nun ah" Sabi ng driver namin

"Paki bilisan nalang mo manang may pupuntahan kasi ako" Pang-aasar ko kay ate, siya kasi ang mag mamaneho para saamin.

Umandar naman na ang sasakyan at nakatitig lang ako sa labas pero natigil rin yun dahil na patingin ako sa aking katabi at mukang naglalaro siya ng app sa kanyang phone nang tignan ko ng mabuti ay candy crush pala ang nilalaro niya. Hindi ko mapigalan ang aking pagtawa sa aking nakita, tinitigan naman niya ako at sumimangot kaya napa tigil ako dahil nakakatakot siya.

Hindi na ulit ako tumingin sakanya dahil sumandal nalang ako at pinikit ang mata, lumipas ang oras ay nakarating narin kami hindi ako natulog, tulog tulugan lang para hindi na nila ako pansinin. Tinignan ko naman kung saan kami huminto at sigurado akong hindi namin bahay ito dahil kakagaling ko lang dito kahapon tumingin ako sa harapan at wala na si ate dun tumingin ako sa tabi pero wala narin si bruha. Nagulat nalang ako ng may biglang kumatok sa bintana at binuksan ang pinto. 

"What are you still doing there?" 

"Come on, my parents want to see you again." Hinili niya ako palabas at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Kabahan na ba ako?




Only YoursWhere stories live. Discover now