Pumasok na kami sa loob ng malaking palasyo nila at hawak parin ng kasama ko ang aking kamay. Hinila ko ang kamay niya para mapatigil siya sa pag lalakad. Pinandilatan lang ako kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, hinahanap ko naman si ate na kasama lang namin kanina at hindi ko makita ang babae na yun nagtago na ata.
"Victoria iha, you're here na pala." Pag salubong naman ni Mr. Celestial sa anak niya.
"Valentine iha, buti sumama ka dito kay V." Bumeso at yumakap naman saakin si Mrs. Celestial dahilan kung bakit ako napangiti sakanila.
"Actually po-"
"She can't resist me Mom." Pag putol niya saakin mahilig talaga siyang mang putol bakit hindi niya nalang kaya putulin ang dila niya tutal magaling naman siya mamutol.
"Ah yes po malakas po kasi itong anak niyo saakin." Binigyan ko naman ng pilit na ngiti ang mag asawa.
"Let's go kain na tayo mga iha." Pagimbita naman saamin ni Mr. Celestial at mukang lalabas kami dahil hindi kami patungo sa kanilang hapag kainan.
Nagulat naman ako sa kagandahan ng kanilang garden, may lamesa na hindi masyadong mahaba at hindi rin naman ito gaano kaikli at may mga ilaw pa na naka palibot dito may tugtug rin itong jazz music kaya nag mumukang mamahalin na five star restaurant ito ngayon.
"Mom tawagin lang namin sila ate." Paalam ng katabi ko at hinila ako patayo wala na akong nagawa dahil kailangan ko mag pangap sa harap ng magulang niya.
Hawak niya na ngayon ang kamay ko at pinabayaan ko nalang. Nang makarating kami sa isang kwarto ay kinatok kagad ni bruha at biglang binuksan kaya nakita ko ang kapatid ko at kapatid niya, hindi nanaman ako makagalaw dahil nakita ko ang aking ate na naka patong sa taas ng ate ni bruha at naghahalikan pa. Agad naman ako nag balik saaking katinuan.
"Naistorbo ata namin kayo." Pang-aasar ko sakanila.
"WHAT ARE YOU GUYS DOING?!" Sigaw naman ng katabi ko ang OA naman niya.
"Inuna kasi nila honeymoon bago kasalanan, ano kaba bruha." Iniripan lang naman niya ako at humalakhak namang ang dalawa na naistorbo namin.
"Kakain na daw kaya andito kami, hinila ako nitong bruha na ito eh."
"Bruha, what is that?"
"Wala" Tumawa nanaman ang dalawa saamin happy pill na ata nila ako tumayo na sila at nasa likod namin dahil naglalandian sila sa likod habang ako naman nasa harap at katabi itong babaita na ito.
"Galingan mo later para they'll believe our relationship." Tumango lang ako sakanya at nag lakad na ulit.
Umupo na kami at nag simula ng kumain ang dami nanamang pagkain na naka handa.
"Valentine iha, ilang months naba kayo ng anak ko?" Napatingin naman ako kay Mr. Celestial at tumingin sa katabi ko na kumakain lang.
"T..three months na po Mr. Celestial." Tumingin ulit ako sa katabi ko at naka ngisi lang siya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sunod na tanong ni Mr. Celestial.
"Where did you guys met?" Grabe ang pagtibok ng puso ko ngayon sa kaba.
"We met at school Dad." Sagot niya, kahit papano hindi na grabe ang kaba ko dahil siya na ang sumagot.
"Oh ok, and Valentine iha you should call me Dad." Wow, Dad daw eh hindi ko pa nga kilala itong anak niya ang alam ko lang ay isa siyang bruha na mataray at gusto niyang palagi siya ang nasusunod. I mean pwede pa naman ata mabago yan kasi kahapon ko lang siya nakilala.
"Yes, Dad." Sabi ko at napangiti naman ang katabi ko.
Pag tapos naming kumain ay nag pasama si bruha dito sa kwarto niya sabi niya may kukuhain lang siya pero nilock niya ang pinto niya at tinulak ako sa kama niya dahilan para mapahiga ako.
"I'm sorry pero, I can't resist myself to do this." Nagtitigan kami at lumalapit siya saakin.
"A..anong ginagawa mo?"
"Shh"
Isang maling galaw ay magdidikit ang dapat hindi magdikit. Kaya naitulak ko siya ng hindi ko medjo sinasadya.
"OUCH!"
"Shit"
Tumayo ako at tinignan lang siya, bahala siya diyan sa lapag, siya naman itong lumapit saakin at pinaupo ako sa kama niya.
"I was just going to put some lipstick on you."
"LIPSTICK!?"
"Yeah, you look pale kasi earlier."
"I was just going to put some color on your lips pero you push me."
Tumayo na siya at pumasok sa banyo niya habang ako naka upo sa couch niya. Naisipan ko nalang muna na lumabas para may makausap ako at sakto naman na andito rin si ate Dite magisa lang siya ngayon kaya tinabihan ko siya kagad.
"Ateeee bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sakanya habang siya naman ay nakatingin lang sa labas.
"Gusto ka daw isama ni Victoria kaya ka andito ngayon, Gusto ka rin daw makita ulit nila Mom at Dad."
"Bakit mas sinunod mo pa yung bruha nayun kesa saakin sana pala siya nalang kinapatid mo." Grabe na siya nagpapa good shot lang ito sa parents nila ate Zariyah at dun sa bruha na yun.
"Alam mo bunsoy maiintindihan mo rin ako sa tamang panahon nagpapa goodshot lang naman ako eh."
"Grabe nabago kana ng pag-ibig ate Dite."
"Tama ka bunsoy, Alam mo naman na hindi rin ako naniniwala kaso pinana na ako ni kupido wala na akong magagawa dun."
"Isa pa bunsoy maganda ang napana ni kupido para saakin kaya go go go na." Humagikgik kami pareho ni ate sa sinabi niya. Ang galing no nababago talaga ng pag-ibig ang isang tao buti nalang ako hindi magkaka syota na yan.
"Babe!" Sigaw naman ni ate Zariyah kay ate at biglang tumabi rin saamin.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
"Talking about ate's chicks, dami nga daw eh she's willing to share with me." Tumakbo ako ng mabilis hangga't kaya ko dahil pinandilatan niya na ako ngayon.
"WHAT!?"
"GOODLUCK!!!" Sigaw ko sakanila at pumasok na sa kwarto ng fake girlfriend ko.
"Why are you running?" Sumalubong naman siya saakin ng naka balot sa tuwalya ang kanyang katawan.
"Wala trip ko lang."
"Really?" Tanong niya na ikinatango ko lang.
"Eh what if I tell you na may trip rin ako right now?" Nag salubong ang aking dalawang kilay sa sinabi niya baka naman kasi iba trip ng isang to nako ayoko muna makulong masyado pa po akong bata para ibinilanggo.
Nang hindi ko namamalayan ay nasa harapan ko na siya nakatayo at naka titig saaking mga mata. Kitang kita ko ang kanyang dark chocolate like eyes nakinamangha ko dahil kumikinang sila ngayon.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking bewang para ilapit niya ang katawan ko sakanya, pinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang leeg at tumingin sa mapang-anyaya na labi niya.
"What....are..you doing?"
"Just shut up please."
At tuluyan niya ng inangkin ang aking virgin lips nang tumagal ay hinalikan ko rin siya sino ba ako para tumangi no siya ang nag first move kaya go lang ako. Tangi ang mga basa na labi lang namin ang tumutunog sa kanyang kwarto.
"VVVV!!"
Napatigil kami ng biglang bumukas ang pinto at nakatitig saamin si ate Dite at Ate Zariyah nakakahiya. SOBRAAAA!!!
"I..i need to go."
"Wait Valentine." Hinatak niya nang mahinhin ang aking kamay at tumingin saakin.
"I'll call you later."
Ayan ang huli niya nasinabi saakin bago ako makauwi ng bahay.

YOU ARE READING
Only Yours
RomanceVictoria Celine Celestial is a rich, brat, and a Miss popular of her school which is her family owns. She secretly wanted to feel the love that everybody has been telling her. Her parents want her to be married to someone as fast as she can and that...