Chapter 5: Feeling
***
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ni Lucien. Kanina pa ako nagising pero hindi ko magawang bumangon. Wala akong gana. Marahan kong pinasadahan ng kamay ang malambot na kama ni Lucien.
Pagkatapos naming mag-dinner kagabi ay umalis siya at hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Napanguso ako. I feel so lonely. Mailap sa akin yung kambal at hindi man lang ako binigyan kahit isang tingin kagabi during dinner. Si manang Rosa naman ay mas lalong naramdaman ko ang pagkadisgusto niya sa akin.
Napaupo ako nang may narinig na katok sa pintuan ng kwarto.
"Yes?"
"Magandang umaga po Madame. Nakahanda na po ang iyong umagahan." Pam said outside.
Tumayo ako at lumapit sa pintuan at binuksan ito. Nang nagkatinginan kami ay agad siyang nagbaba ng mukha.
"Sige, Pam. Salamat. Bababa ako katapos kong maligo," sabi ko. Tumingin siya sa aking damit.
"Gusto niyo po bang tulungan ko kayo sa pagligo, Madame?" tanong niya at bahagyang nag-angat ng tingin sa akin.
Biglang nagliwanag ang mukha ko. Ayaw ko sana dahil sa hiya pero gusto ko siyang makausap.
"Sige. Thank you. Pasok ka Pam," sabi ko at nilakihan ang pagbukas ng pintuan.
Pumasok naman siya at agad nagtungo sa banyo. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya lumabas.
"Nakahanda na po ang iyong pagliligoan, Madame," aniya.
Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis. "Thanks, Pam."
Nawala ang ngiti ko nang nag-iwas lang siya ng tingin. Nagtungo siya sa closet kung nasaan ang aking mga damit.
Bagsak ang balikat na nagtungo ako sa banyo at naghubad ng damit. Pumasok ako sa bathtub at napabuntong hininga. Hindi na nga ako makakauwi sa amin, mukhang mawawalan pa ako ng kaibigan rito.
"Madame, i-scrub ko po likod niyo?"
Napaupo ako ng tuwid sa bathtub nang pumasok si Pam.
"S-Sure." Nagtungo siya sa aking likod at tahimik na ginawa ang sinabi.
"Pam, galit ba kayo sa akin?" tanong ko habang nagkokoskos ng aking braso.
Natigil siya saglit bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Hindi po, Madame. Wala po kaming karapatan magalit sa inyo," magalang na sagot niya.
"Yong totoo?" Napanguso ako.
"Hindi po talaga, Madame. Pero nalungkot po kami ni Pan. Limang taon na po kaming nagta-trabaho rito sa mansion at ngayon lang po namin nakitang nag-uwi ng babae si Master Lucien. Masaya po kami nong makilala po namin kayo. At gustong gusto po namin kayo para sa aming master."
Nag-init ang pisngi ko sa huling sinabi niya.
"Nalungkot po kami nong tumakas kayo kasi pakiramdam namin ayaw niyo po kaming makasama. Higit po sa lahat nalungkot po kami para kay master Lucien kasi gusto po talaga namin siyang sumaya."
"Hindi naman sa hindi ko kayo gustong makasama. It's just that hindi ako taga-rito. Gustong kong umuwi sa amin kasi siguradong nag-aalala na sa'kin ang mga magulang ko," napapabuntong hiningang sinabi ko. "At bakit naman gusto niyong sumaya si Lucien? Hindi ba s'ya masaya sa buhay niya? Mukhang nasa kanya naman na lahat ah? Is he miserable or something?" tanong ko pa.
"Kung alam niyo lang po, Madame," aniya na nagpakunot noo sa akin.
"Ang?" I asked curiously.
"Wala po, Madame. Ang ganda niyo po talaga." Napapikit ako sa sarap nang kinusot niya ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Lover from Hell
FantasiaLyra was suddenly abducted by people she doesn't know. Scared and clueless, she met a mysterious man who will turned her world upside down. Will she stay? Or will she get away from a never ending hell with him? Genres: Fantasy, Romance Cover's not...