To where you are (3)

7.1K 151 1
                                    

Lumipas ang isang linggo at naging masaya naman sina Lau at Ly. Bukas ay babalik na si Lau sa America dahil nagbakasyon lang siya talaga sa Pilipinas.

May nakaplano na si Ly na date nila sa gabing ito para sa huling gabi nila. Hindi nila napag-usapan ni Lau kung ano ang mangyayari sa kanila pagbalik niya sa New York. Sa isang masaya at... mainit na linggong pinagsamahan ng dalawa ay naattach na si Ly kay Lau. Hindi niya masyadong iniisip kung nahulog na ba siya rito dahil alam niyang aalis ito sa bansa.

"Pre cheer up. Kung kayo talaga, kayo." Sabi ni Gretch kay Ly.

"Wow pre, sobrang deep nung advise mo. Ngayon ko lang narinig yun grabe!" Sarkastikong sagot ni marge

"Bakit, tama naman yun ah! Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, gagawa ang universe ng paraan para magkasama kayo. Kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng mundo, kung nagmamahalan kayo magagawan yan ng paraan." mahabang sabi ni Gretch. Akala mo usapang lasing na, eh nagcecereals lang naman sila sa may kitchen.

"Anong nagmamahalan ka diyan. Sino nagsabing mahal ko siya? Nalulungkot lang ako kasi magiging malamig na naman ang mga gabi ko." Depensa ni alyssa sa sarili.

"Ayan tayo eh. Libog lang pala problema." Sabi ni marge. Tumingin naman siya kay Gretchen na may lungkot sa mata dahil alam niya namang hindi yon totoo. Kung libog lang ay kayang-kayang solusyunan ni Alyssa yun. Ni hindi siya tatagal ng 30minutes sa isang bar para makahanap. Alam nilang nahulog na ang kaibigan nila kay Laura, at para makaiwas sa sakit ay dinedeny niya ito. Defense mechanism ba.

"Tama na nga to. Ang lambot na nung cereals ko o nababad na. Kumain na tayo at magsipasok na sa trabaho." Sabi ni Alyssa na nakangiti pero kita naman ng mga kaibigan niya ang lungkot sa mga mata nito.

----------

"Hindi ba ko maganda?" Tanong ni Den habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng buhok.

"Anong inaarte-arte mo diyan?" Sagot ni Fille na nagpaplantsa ng buhok. Si Jirah naman namamalantsa ng damit. Wala silang maibato kay Dennise na nag-iinarte sa harap ng salamin.

"Bakit parang hindi ako magustuhan ni Myco?" Malungkot na sagot ni Dennise.

Nagtinginan naman si Fille at Jirah dahil alam naman nilang hindi ito ang ikinakalungkot talaga ng kaibigan. Hindi naman ikinakabahala ni Dennise dati kung hindi siya agad magustuhan ng mga gusto niya dahil sadyang maganda siya talaga at siya pa ang pinipilahan. Sooner or later magkakagusto din ang mga ito sa kanya.

Alam nilang hindi maiwasan ni Dennise na ikumpara ang sarili kay Laura. Alam nilang wagas ang pagmamahalan ni Dennise at Alyssa noon at nagkaroon lamang sila ng hindi pagkakaintindihan. Akala ng lahat ay magkakabalikan din sila ngunit ilang taon na ang lumipas kaya naman sumuko na sila. Ngunit sa pagdating ni Laura at pagbalik ng mga ngiti ni Alyssa, parang nakikita nila ang selos sa mga mata ni Dennise kung kaya't nabuhayan sila ng loob na may pag-asa pa ang pagmamahalan ng dalawa.

"Alam mo namang maganda ka Dennise. Bigyan mo lang ng panahon si Myco. Baka naman torpe lang talaga. Magkakaroon ka din ng pagkakataon na maipakita sa kanya kung anong meron ka." Sabi ni Fille para pagaanin ang loob ng kaibigan kahit paano.

Naisip naman ni Dennise si Laura. Naalala niya na ngayon ang huling gabi nito.

"May magandang ideya ako!" Sabi ni Dennise sa dalawang kaibigan na may ngiting tagumpay.

"Ano na naman yan?" Sagot ng dalawa. Alam nilang palpak lagi ang mga plano nito tulad na lang nung araw na nagkakilala si Lau at Ly.

"Diba last night ni Lau sa Pilipinas? Magpadespedida tayo! Tapos yayayain ko si myco!"

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon