Chapter 1

684 68 24
                                    

Edith

PAGKATAPOS nang kahihiyan na nangyari sa'kin sa harap ng pamilya Castillion ay dali-dali akong umalis sa hapagkainan nila at hindi na mulang bumalik pa. Kahit na hindi ako ang nakatoka sa paghahatig ng mga pagkain ng mga guards ay inako ko para hindi nila ako makita. Kahit abot langit ang kagandahan kong taglay ay nahihiya pa rin ako lalo kung sa harap ng lahi nila.

"Oh, Edith, bakit nakabusangot ka?" tanong ni Wilpred. Isa sa guards dito sa mansyon. Siya ang pinaka-close ko sa mga guards dito dahil marunong siyang magpahalaga sa kagandahan ko.

Inabot ko sa kanya lunch bag na para sa kanya. "Wala 'to, minsan kahit maganda ka may pagkakataon na mae-stress ka rin."

Tumawa siya at tumango. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa'yo?" Napakamot siya sa batok na parang nahihiya.

Napakagat labi ako para pigilan ang ngiti. Pasimple kong hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. "Elen be deen?" tumikhim ako at tumayo ng tuwid, "ay, alin ba doon, 'yong panliligaw mo ba?"

Ilang ulit siyang tumango, halos mabali ang leeg niya sa sobrang pagtango. Alam kong excited siya sa sagot ko, gano'n talaga kapag rer ang kagandahan maraming nagkakagusto. Kahit saan ako mapunta ang daming namamangha sa biyote ko.

Malungkot akong tumingin sa kanya. "Pasensya ka na, ha. Alam ko kasi na I deserb bitter, at hindi mo apord ang deserb ko." Marahan kong tinapik ang balikat niya. "Ets not you, ets me."

Malamlam ang mga mata niyang tumingin sa'kin. "Ano bang deserve mo?"

Pinunasan ko ang mga mata kong lumuha dahil sobrang nakakalungkot na hindi niya abot ang standard ko. Masyado akong maganda para sa kanya. "Deserb ko ng bilyonaryong asawa na ang kagwpohan ay mapapantayan ang kagandahan ko, na engineer na kayang bilhin ang mundo para sa'kin."

"Meron ba no'n?" nagtatakang tanong niya.

Tumango ako at inayos ang mahaba kong buhok. "Meron, ipapakilala ko sa'yo kapag lumuhod na siya sa'kin at magmakaawa na mahalin ko siya pabalik."

Napaigtad ako nang kapain niya ang noo ko, kunot ang noo niya. "May sakit ka ba? Mukhang napapadalas ang pagpapalipas mo ng gutom, Edith."

Inirapan ko siya at tinapik ang kamay niyang kulang nalang ay sumakal sa'kin. "Alam kong epekto lang 'yan ng pag-rejict ko sa'yo, makaka-move on ka rin. Hindi ka man makahanap ng kasing ganda ko, may iba pa naman diyang pwede nang pagtiyagaan."

"Ikaw lang ata ang mamahalin ko, e," hirit niya.

Jusko, napakahaba naman talaga ng buhok ko. Minsan nakaka-stress din ang magkaroon ng rer na kagandahan dahil nakakakonsensya ang mangbasted. Pero wala akong magagawa, ito ako.

"Hindi na muna ako maghahatid dito ng pagkain para maka-move on ka agad. Baka may halong kabag at ubo din 'yang pagmamahal mo." Tumalikod na ako at iniwan siya. Ihinatid ko ang iba pang mga pagkain ng mga bantay sa iba't ibang pwesto nila at lahat sila ay bumabati sa'kin.

Nang matapos ako sa paghatid ay naglakad ako pabalik sa masyon pero mas pinili ko na sa hardin nalang dumaan. Baka tapos na silang kumain at nasa sala na. Nakakahiyang magpakita.

"Are they finish their lunch?"

Muntik na akong matapilok sa paghakbang patungo sa likod ng kusina na kadugtong ng hardin dahil sa biglang pagsasalita ng kung sino. Buti nalang ay may sumalo sa'kin. Tumingala ako, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sir Boltahe.

Volt Castillion: His Painted Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon