Chapter 6

222 20 8
                                    

Edith

NAPAHILOT ako sa sintido ko dahil parang pumipitik 'yon sa sobrang stress ng mga nagdaang araw simula noong manatili dito si Ser Boltahe. Hindi ko alam pero bakit palaging pinatatagpo ang mga landas namin kahit na sobrang laki ng bahay ng mga Castillion. Hindi ako assuming pero parang pinaglalaruan niya talaga ako, kaya nananadya.

Tapos ngayon may panibagong stress na naman siyang binigay sa'kin. Hindi na naman nagkanda-ugaga sila Eyang at Malou na i-chismis ako dahil sa mga paper bag na nasa harap ko. Halos wala nang space ang kutson ko sa sobrang dami ng paper bags na nandoon.

Abala ako sa paghuhugas kanina nang magtititili si Linda at hinila niya ako pabalik dito sa quarter para ipakita sa'kin ang sandamakmak na paper bag sa higaan ko. Nakapamewang ako habang hinihilot ang batok at sintindo ko habang siya hindi magkamayaw sa pagsilip ng mga paper bag.

"Gosh, grabe, Calvin Klein, Victoria Secret, Louis Vuitton, Versace, at lahat na ata ng branded na underwear nandito na," manghang sabi ni Lina habang sinusuri ang mga underwear at bra na laman ng mga paperbag.

Kahit hindi ko na itanong may kutob na ako kung kanina 'to galing.

"Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat, Edith," bungisngis ni Linda. "Pwede albor kahit isang paris lang ng Calvin Klein?" Halata ang kilig ak kantyaw niya sa'kin. May konting kilig akong naramdaman pero agad kong sinaway ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganito.

Hindi ko siya pinansin at inis na bumalik sa malaking bahay. Talagang nananadya ka, ano ba talagang gusto mo?

Madabog kong tinapos ang mga hugasin ko. Nagngingitngit ako sa inis dahil ramdam ko na naman na pinaglalaruan niya ako. Ganito ata talaga trip ng mga mayayaman na walang magawa sa buhay.

"Aba'y halos basagin mo na iyang mga hugasin mo," sita sa'kin ni Aling Cora na naabutan ako sa kusina. Hindi ako kumibo. Pinaningkitan niya ako ng mata pero wala pa rin akong kibo. Naiinis kasi talaga ako. "Dalian mo diyan at pinapatawag ka ni Senyora," sabi niya makalipas ang ilang sandali.

Bigla akong kinabahan. Tumingin ako sa kanya at halata sa mukha kong maganda ang pagtatanong.

"Ikaw ba ay may ginawang kasalanan kay Sir Volt?"

Napaismid ako. Siya nga itong may kasalanan sa'kin.

"Wala naman ko," imbes ay sagot ko.

Tumango siya. "Kung wala ka namang ginawalang kasalanan ay 'wag kang kabahan, baka may ipag-uutos lamang."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Kakarating lang ng Senyor at Senyora galing ibang bansa. Mula Singapore ay hindi agad umuwi ang mga amo namin dahil nawili daw sa pamamasyal at tumuloy sa Rome. Ang shala ng mga mayayaman kapag bored, pa-Rome Rome lang na parang Quiapo lang ang layo at halaga ng pamasahe.

Binilisan kong tapusin ang paghuhugas ko at pumunta kung nasaan ang Senyora.

~•~

"WALA akong ibang mapili kundi ikaw, Edith. Hindi sa ayaw kita dito sa bahay pero ikaw lang ang ma-i-rerekomenda ko kay Volt. Naging maganda ang pagsilbi mo noon kila Uno at Mimi kaya alam kong kaya mo ring pakisamahan ang pamangkin ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Volt Castillion: His Painted Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon