Chapter 22

5.5K 89 0
                                    

Tulog pa si Phoebian nang magising ako kinaumagahan. Nang silipin ko siya na nakaratay sa sahig ng kwarto ko ay mahina siyang humihilik at parang batang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag dahil may suot siyang damit. Minsan ay boxer shorts lang ang sinusuot niya. Mabuti nalang at may t-shirt siyang suot. May kumot din siyang ginamit kaya mabuti nalang at komportable siya.

Kumuha ako ng damit para makaligo na ako. Bago ako pumasok sa loob ng banyo ay naghanda muna ako ng makakain sa hapag para kapag magising si Phoebian ay kumain nalang siya at hindi maghintay sa akin.

Paglabas ko ng banyo nang matapos ako sa pagligo ay tahimik parin ang buong apartment. Sumilip ako sa loob ng kwarto ko. Hindi pa gising si Phoebian. Nagpatuloy lang lang ako sa pag-aayos ng sarili. Kumain nalang ako dahil wala pang plano si Phoebian na gumising. Sinubukan kong gisingin siya pero umungol lang siya at tinalikuran ako. Napailing nalang ako at kinuha ang bag ko.

Inubos ko ang kape na ginawa ko. Kumuha ako ng sticky note at nag-iwan ng mensahe kay Phoebian. Pinadikit ko sa mesa. Hindi naman yun magugutom dahil may nakaluto na akong pagkain. Ayaw kasing magising kaya kasalanan niya kung bakit hindi niya ako naabutan dito sa apartment.

Nadala ko sa trabaho ang pag-aalala sa kanya kahit nasa apartment lang naman siya. Distracted ako hanggang pinadalhan niya ako ng text message sa phone ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa ibabaw ng working table.

Phoebian:
You left already?

Yun ang mensahe niya. Na-imagine ko yung nakasimangot niyang mukha. Napangiti ako. Rineplayan ko din siya.

Maia:
Oo. Wag mo akong sisihin dahil ginising kita kanina. Umalis nalang ako. Kagigising mo lang ba?

Phoebian:
Yup. Lunch with me later?

Maia:
Sige. Kumain ka na.

Phoebian:
Yes ma'am.

Na-imagine ko naman yung pag-ikot ng mata ni Phoebian. Ganun siya kapag gustong suwayin ang utos ko sa kanya pero ginagawa naman kalaunan. Nakikipag-areglo pa sa akin alam niya namang wala siyang laban sa akin.

Hindi na ako sumagot sa mensahe niya dahil baka makita ako ng head department namin, mahilig pa naman yun mag-ikot kung ano ang ginagawa ng mga empleyado. Tinago ko na ang cellphone at nagtrabaho.

Nang lunchtime na ay lumabas ako para hanapin si Phoebian sa parking space. Nakita ko ang sasakyan niya at mabilis akong lumapit do'n. Kumatok ako sa bintana kung nasaan siya. Binaba niya ang salamin at sumilip.

"Hi." Ngiti kong bati.

Sumimangot siya nang makita ako. Alam ko na nagtatampo siya sakin sa pag-iwan ko sa kanya.

"Get in." Iniling niya ang ulo sa loob ng sasakyan. Nakangiti parin ako nang umikot ako para sumakay sa tabi niya.

Hindi nakalock ang pinto ng shotgun seat. Pagsakay ko sa kotse ay naamoy ko ang amoy ng pagkain. Lumingon ako sa likod. Tama nga ang hinala ko. Pero mabilis akong tumingin kay Phoebian na may pagtataka. Nakatingin din siya sakin. Nabasa niya siguro ang iniisip ko.

"I just bought vittles for us. I know you're not fond of public display of affection so to be fair to you, as a 'good' boyfriend, I respect your privacy."

"Parang iba yung nauuligan ko sayo. Nagtatampo ka ba sakin dahil iniwan kita sa apartment?" Nanunuya kong tanong. Mas lalo siyang sumimangot at inikotan pa ako ng mata.

Mas lalo akong natawa dahil yun ang usual niyang ugali kapag nasa trabaho siya. Hindi ko pinansin ang pagsama ng tingin niya sakin. Kinuha ko nalang ang mga pagkain.

"Kumain na tayo. Gutom lang yan Phoebian."

Binigay ko sa kanya yung disposable utensils. Napabuntong-hininga siya. Tinanggap niya naman ang pagkain na binigay ko. Maya't-maya ay magiging okay din ang tao na'to.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon