Simula

23 4 8
                                    

“Ang ating klase ay tapos na.”

Kinuha ni Binibining Ester ang kaniyang Libro at lumabas ng pintuan. Nagsimula nang mag-ingay ang buong klase. Ang iba ay nagsisigawan at ang iba naman ay napahinga na lamang nang malalim dahil sa haba ng oras ng klase.

“Nanabik na ’kong makakita ng tao!”

"Ako rin! Nanabik na 'kong maitama sila sa isa't isa!"

"Sana'y bigyan na tayo ni Binibining Ester ng misyon!"

Huminga ako nang malalim at lumabas ng silid. Dahan-dahan kong nilakad ang pasilyo ng silid namin. Ramdam ko ang pagtitig nila sa 'kin ngunit diretso lamang ang tingin ko.

 

Kupido at Kupida ang tawag sa 'min. Trabaho ng mga tulad namin ang ipagtagpo ang dalawang tao gamit ang mga palaso.

Ngunit, hindi ako tulad nila.

***

"Magandang Umaga, Binibini," nakangiting bati sa 'kin ni Eros. Tumango lamang ako at dinaanan siya. Rinig ko ang mga bulungan ngunit hindi ko 'yon pinagtuonan ng pansin.
 

"Tapos na ang klase niyo?" Tanong ko nang lumabas ang kapatid ko mula sa silid niya.

"Tapos na ang klase namin. At marami akong natutuhan mula sa mga tao! Haaay! Ako'y nanabik nang makababa sa lupa." Pumikit pa ito na parang ramdam na ramdam niya.

"At alam mo ba na ang mga tao ay marunong mag-pick up lines! Gusto mo bang marinig, Ate?" Lumingon ako sa kaniya saglit bago ituon ang atensyon sa nilalakaran namin.

"Panganib ka ba?" Tanong niya. Nangunot naman ang noo ko. "Sabihin mo bakit, Ate!" Agad niya 'kong niyugyog.

"Bakit?"

"Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nariyan kana." Ngumiti siya at kinorte ng puso ang kamay. Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim.

"Itigil mo 'yan, Daisy," sabi ko at naunang naglakad. Humabol naman siya at hinarangan ako. Kunot na kunot ang noo niya.

"Ano ba'ng problema mo sa mga tao, Ate Farrah?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin at dinaanan siya.

"Paniguradong hinahanap na tayo ni Ama, halikana." Rinig ko ang pagsinghal niya ngunit hindi ko na siya muli pang tinignan.

"Kumusta ang pag-aaral sa pag-ibig?" Tanong ni ama habang nasa hapag kainan kami. May malalaki itong ngiti nang tignan niya kaming dalawa.

"Maayos po, ama! Nanabik na nga po akong bumaba ng lupa upang gumawa ng misyon! Kailan po ba kaya ako magkakaroon ng misyon?" Tanong ni Daisy habang kumakain. Tumawa naman si ama.

"Matagal pa ang 'yong hihintayin, 'nak. Ikaw ay nasa unang antas pa lamang," sagot ni ama dahilan upang mapanguso ang kapatid ko. "Ngunit ang 'yong Ate ay malapit nang magtapos. Nananabik kana ba, 'nak?" Tanong ni ama at binalingan ako ng tingin. Binaba ko ang kubyertos sa mga kamay ko at huminga nang malalim.

"Ahh... opo." Pagsisinungaling ko. Ngunit wala akong balak na gawin 'yon. Wala akong balak na maging isang Kupida para sa mga tao.

Ngumiti na lamang ako kay ama nang kaunti. Pagkatapos kong mag-aral, agad ko rin itong sasabihin sa kaniya. Hindi naman siguro masamang tanggihan, hindi ba? At isa pa, pinili ko ito. At sana'y maintindihan ni ama ang aking desisyon.

***

"Binibining Farrah, maaari ba kitang kausapin? Kung ayos lamang, sumunod ka sa 'king silid." Napatingin ako kay Binibining Ester. Ang aking Guro. Tumango ako nang kaunti at sumunod sa kaniya. Dumiretso kami ng kaniyang silid.

When Leaves Begin To Fall Where stories live. Discover now