Kabanata 04

5 2 19
                                    

"Ito isama mo na rin ang buto na ito." Turo ni Cheska at itinuro 'yong nasa lamesa. Agad ko namang inilubog 'yon sa lupa at tinabunan.

"Ayan, perfect! Ako na maglalagay nito ro'n para hindi kana mahirapan." Ngumiti siya sa 'kin at inagaw sa kamay ko ang paso. Pero hindi ko 'yon binigay.

"Ako na."

"Hindi, okay lang talaga! Ako na lang! 'Tsaka mabigat! Ako na bahala rito, okay lang promise!" Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Ngumiti ako nang tipid at binigay na lamang sa kaniya 'yon, hindi na nakipagtalo. Naglakad naman siya habang may ngiti sa labi. Unang beses niya bang kumarga ng paso at sobrang saya niya?

"Huwag mo na lang siguro papansinin kung naiilang ka sa kaniya. Uh... masasanay ka rin sa kaniya 'pagkalipas ng ilang araw. Sadyang matulin talaga ang bibig niyan, walang preno." Nahihiyang ngumiti sa 'kin si Elayne. Tumango na lamang ako nang kaunti at nagtanim na.

"Nga pala, bago ka lang ba rito? Ngayon lang kita nakita." Tanong niya. Tumango lang ako at hindi siya nilingon.

"Saan ka nakatira?" Tanong niya ulit.

"Sa bahay ni Ate Mila," sagot ko.

"Huh? Sa bahay ni Simon ka rin nakatira? Pinsan ka ba niya?" Tanong niya ulit. 

"Hoy, Bruha ka! Pasabi-sabi ka pang walang preno ang bibig ko, ikaw rin naman pala! Nakaka-offend ka sa part na 'yon ah! Walang preno bibig ko? Bakit sa tingin mo ba ay sasakyan ang bibig ko?" Dinig kong asik ni Cheska na ngayon ay papalapit na.

Hinayaan ko na lang silang magdaldal do'n at hindi na pinansin. Ang ibang salita ay hindi ko maintindihan kung kaya't hinayaan ko na lang sila at hindi na inintindi 'yon.

"Oh, kain ka." Inabutan ako ng pagkain ni Elayne. Kinuha ko naman 'yon at kinagat. Hindi ako pamilyar sa pagkain na 'yon ngunit masarap siya.

"Ito pa! Kain ka pa." Ngumiti ako nang kaunti nang abutan na naman ako ng pagkain.

"Sa 'yo na lang ang pagkain ko–"

"Hindi na, Cheska," sabi ko. Natigilan naman siya ro'n at pagkatapos ay lumaki ang mata niya.

"Tinawag mo 'ko sa pangalan ko! Narinig mo 'yon Bruha? Omyghad!" Nagulat ako nang hampasin niya si Elayne. Gumanti naman si Elayne at hinampas din siya.

"Ang ganda pakinggan sa tainga! Isa pa nga, tawagin mo ulit ako." Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin dahilan para iiwas ko ang ulo ko.

"Cheska?"

"Ang ganda! Siguro kung wala akong crush, mababakla ako dahil sa 'yo!" Tumili siya. Napakurap-kurap naman ako, walang maintindihan.

Pagkatapos naming magpahinga ay bumalik ulit kami sa trabaho. Ang sabi nila ay nadiligan na raw nila ito. Kanina pa raw silang umaga na narito kung kaya't maaga rin silang natapos. Kaya naman pala nila ang trabaho na 'to kahit sila lang, bakit sinama pa 'ko rito?

"Kumusta ang unang araw?" Umupo si Madam Dolores sa upuan niya. Senenyasan niya 'kong umupo rin sa upuan.

"Ayos lang naman po, Madam Dolores," sagot ko.

"Maayos ba ang mga kasama mo sa 'yo? Komportable ka ba sa kanila?" Tanong niya.

"Ahm, hindi pa po masyado," totoong sagot ko.

"Gano'n ba." Tumango-tango ako.

"Ahh, Madam Dolores. Ikaw po ba ang nagbigay ng trabaho sa 'kin?" Tanong ko. Ito talaga ang pinunta ko rito.

"Oo, bakit?"

"Ahh, wala lang po." Ngumiti ako nang kaunti at akmang tatayo na sana nang magsalita siya.

When Leaves Begin To Fall Where stories live. Discover now