Malamig na hangin ang yumakap sa aking balat sa gitna ng mainit na sikat ng araw. Malayo ang tingin at malalim ang inisip. Masaya ako pero hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Maraming tao ang nakapaligid sa akin pero parang may malaki paring puwang dito sa puso ko.
"Smile Amara," ani ng photographer.
"Try facing to this side honey then give me a fierce yet seductive look."
Agad kong iwinaglit ang nasa isip at ginawa ang gusto nito.
"Nice!"
"That's what I'm asking for dear. Your doing a great job."
"Nice and steady. Hold it. Yes! Good job."
"Alright. That's a wrap! Good job everyone. Thank you for your hard work."
Ngumiti ako at nagpasalamat sa director at mga staff. Nagkamayan ang mga ito dahil kabuuang magaan at mabilis na trabaho. Ang iba ay nagsimula ng magligpit ng kani-kanilang mga equipments.
"You did a great job, as always honey. You look majestic in your photos. I'm sure magugustuhan ito ng producers at the same time ng mga fans mo." Masayang sabi ng director ng makalapit ito sa akin.
Ang photo shoot na ito ay para sa latest album na ilalabas for the upcoming summer collection ng isang sikat na clothing line. I heard their latest collection is already sold out. Patok sa masa hindi dahil ako ang taga endoser kundi maganda talaga ang mga damit nila at dahil na rin sa mga masisipag at dedekadong mga nagtatrabaho sa kompanya ng Soltitude.
Ngumiti ako ng hilaw sa papuri nito. People in the business industry will give you endless compliment and praises for as long they can benefit from it. I don't know when or how I started to live with that but that's the world. Might as go along with it and make something out of it.
"You did get great. Not bad for a royal." Ani Amber ng makaalis ang lalak. Nagsisimula na itong magligpit ng mga gamit. Amber is my personal assistant slash best friend, that's what she calls it.
Napabuntong hininga ako. "Will you help me take off this dress?"
Agad naman itong pumunta sa aking gilid. Isang midnight blue flowy long dress ang suot ko. Off shoulder ito kung saan nakalantad ang aking likuran. Sa bandang balikat naman ay merong maliliit na diamond crystals na mas nag patingkad sa ganda ng damit. Ang aking buhok naman ay naka cross braid at may iilang hibla ang naka takas. Giving a simple yet elegant vibe complimenting the dress I'm wearing.
"Yes, yes, your Royal Highness." Pakantang sagot ni Amber habang tinutulungan akong tumayo. Sinamahan niya ako sa loob ng dressing room.
Una nitong binuksan ang zipper sa likod at agad na inabutan ako ng oversized na baby tee. Sumunod ay kumuha ito ng high-waisted short at isang pares ng stinelas.
"Do you want me to do your hair?"
Umiling ako. "It's fine. I'll go out first. I want to catch the sunset."
"Sure. Have fun."
Nang makalabas ay naabutan ko ang iilang staff nag aayos. Tumango lang ang mga ito sa akin ng madaanan ko. Nang makalayo ay agad akong lumapit sa dalampasigan. Humampas ang alon at agad na nabasa ang aking mga paa pero hinayaan ko na lamang.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang humalik ang araw sa tubig. Nagsisimula na ring magbago ang kulay ng kalangitan, mula sa kulay asul ay unti-unting naging kulay kahel. Sariwa ang hangin at napakapayapa ng lugar.
Kung sana ganito na lang palagi, tahimik at malayo sa magulong mundo. Napabuntong-hininga ako.
YOU ARE READING
Daybreak Series #1: Shape Shifter
De TodoBattle after battle, the world completely shattered into ruins. The two race fought in dominion to devour and destroy one's nemisis, the Wolfbanes protect its own while the Daylighther sent havoc over the lands. Banes are also know to be the gentle...