&&.
Oras na ba para magbayad ako?
Naniningil na ba ang katawan ko?Hinang-hinang nagmamasid sa kapaligiran
Mula sa ilong at bibig, dugo ang kinalalabasan
Normal pa nga ba kung titingnan?Lubog ang matang sinusuri ang sarili
Bakit talagang napakabilis ng pangyayari?
Mula sa masiyahing dalaga, ka'y giliw pagmasdan
Ngayo'y parang tuyot na dahon ang kinalagyanAng dating mamula-mulang kutis ay napalitan na ng putla
Malarosas na labi na ngayo'y nagkukulay ulap ay 'di na maipagkakaila
May oras pa nga ba para bumawi?
Sa mga araw na paglubos sa sarili dahil sa maling pagkawili
YOU ARE READING
Random poem
PoetryWala. Poem lang. If you want to post it on your fb please give credits (majojojow_) thank you. Do not plagiarized.