1st Night
"AHHHH!!"
Nagising ang magkakaibigan ng makarinig sila ng sigaw galing sa labas. Lumabas sila sa kani-kanilang kwarto at pumunta sa hallway.
"What was that?" Tanong ni Jacob.
Nagkibit balikat lamang ang magkakaibigan.
Napansin ni April na kulang sila ng isa.
Na nawawala si Joseph.
"Nasan si Joseph?" Tanong ni April.
"Di ko alam" Sagot ni Jacob.
"Baka nasa room nya." Sabi ni Marie.
"Baka nga." Sabi naman ni Marianne.
"Tignan natin sa room nya." Aya ni Marie
Pumunta sila sa kwarto ni Joseph.
Pag pasok nila ng pintuan ay nagulat sila. Naka kita sila ng mga naka kalat na dugo.
"Hala! Ano yan?!" Gulat na tanong ni Marie.
"Bakit may dugo?!" Sabi ni April
Nagpapanik na silang apat
"Wag kayong matakot." Sabi ni Jacob
"Baka pinag lalaruan lng tayo ni Joseph alam mo naman yun ehh. Sundan nalang natin yung mga dugo."
Sinundan ng apat kung saan patungo yung dugo.
Napansin ni Marie at April na papunta sila sa kwarto na kung san nila nakita yung libro.
Napa atras at Napa tigil sila nung naka pasok sila sa kwarto.
Nagulat sila sa kanilang nakita.
Nakita nila si Joseph na naka bitay mula sa dingding ng kwarto
Napatakip sila sakanilang bibig at pinipigilang umiyak. Sobra silang natatakot.
"Tol di magandang biro yan!" Sabi ni Jacob. Pinipilit nyang maging matapang para sa mga kaibigan nya.
Pero walang sumagot at lumapit sa apat na mag kakaibigan.
Kaya napag isipan nilang umalis na ng bahay kaya tumakbo sila sa pintuan palabas ngunit nag sara ito.
Dahil sa takot ay dumiretso sila sa kwarto ni Jacob. Ngunit napansin nila April na hindi nila kasama si Marianne.
Naiwan si Marianne sa may pintuan. Hindi naka galaw sa takot si Marianne. Si Marianne ay tila'ng nanginginig.
"Asan si Marianne!? What the hell is happening!?" Nagpapanic na tanong ni April.
Napagdesisyunan ng apat na bumalik sa may pintuan at puntahan si Marianne. Pagkabalik nila sa may pintuan ay nakita nila si Marianne na nakatayo at nakatingin sa kawalan.
Tila ay natulala si Marianne dahil sa lahat ng mga nakita't nangyari. Natatakot siya, ngunit hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Pinuntahan ng magkakaibigan si Marianne. "Mars, wag ka matakot. Andito naman kami. Sama sama naman natin 'tong haharapin eh." Pagpapakalma ni Marie kay Marianne.
Bigla na lng umiyak si Marianne at nanghina. Binuhat ni Jacob si Marianne patungo sa kwarto ni Marie.
Ang kwarto ni Marie ay ang pinakasafe na lugar para pagtaguan. Ito ay puro bricks. Ang kanyang pintuan ay malaking bakal na may mga lock.
"Ano ba'ng nangyayari?" Tanong ni April habang umiiyak.
Hindi nila alam ang kanilang gagawin. Nakasara ang lahat ng pintuan palabas ng bahay. Hindi nila alam kung makaka labas pa sila ng buhay o ng ligtas.
"Hindi ko alam. Si Joseph naman kasi eh. Sa dinami daming lugar na pwedeng puntahan bakit eto pa." Pag sagot ni Jacob.
"Nako naman. Ano ba naman gulo tong pinasok natin" Sabi ni Marie.
"Oo nga eh!" Sabi ni April.
Biglang may gumalaw sa tabi ni Jacob kaya lumabas sila patungo sa sala at pumikit.
Madaling araw na kaya naman ay nakaramdam na silang apat ng antok.
-
Pagkagising ng mga magkakaibigan, 'di pa rin sila makalimutan ang mga nangyari kagabi."Let's get outta here. Baka mamaya, 'di lng si Joseph ang mawala satin. Mamaya may mawala nanaman." Sabi ni Jacob
Kailangan ni Jacob magpakatatag dahil siya na lng ang nagiisang lalaki na kasama nila April.
"Oo nga tama si Jacob tara na bilis!" Sabi ni Marie
At naka labas na sila ng bahay at sumakay sa kotse ng naalala nila na na kay Joseph ang car keys at wala silang duplicate key.
"Pano tayo na aalis wala satin yung susi?!" Sabi ni Marie
At napag isipan ni Marianne na pumasok muli ng bahay.
"San ka pupunta?" Tanong ng dalawang babae na si April at Marie kay Marianne.
"Hahanapin ko 'yung susi." Sagot ni Marianne habang seryoso ang mukha.
Pumasok na si Marianne ng bahay at bumalik sa kwarto.
Habang ang tatlo naman ay na-weirduohan sa kinilos ni Marianne.
"Ano nangyari 'dun?" Tanong naman ni Marie.
"Ewan ko 'din. Baka shocked pa sa mga nangyari at nawala siya sa kaniyang sarili." Sagot ni April.
"Halika na. Tulungan natin maghanap si Marianne." Pagaaya ni Jacob. "Wala naman ata'ng mangyayari dahil umaga naman ngayon." Pagtuloy niya.
Pumasok na sila ng bahay at hinanap nila yung susi nung kotse.
Buong araw sila nag hanap. Sa loob ng isang araw ay hinanap nila ang susi ngunit hindi sila nagtagumoay.
Kaya naman ay napagdesisyunan na lnng nila na 'dun na muna magpalipas ng gabi sa bahay.