Chapter 25

5.9K 98 7
                                    

Mikay's POV





"Gerald, anong alam mo?"sabi ko sa kanya tapos iyak lang ako ng iyak habang naglalakad palayo.



"Anong sabi mo?"rinig kong sabi niya shet !! ano ba yan nadadala na ako. Nagulat ako ng hawakan niya ko sa braso.

"Tell me ano yung sinabi mo?"tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako ng pilit..



"Wala, pumasok ka na doon mamaya hinahanap ka na ng Bea mo sige."sabi ko sabay takbo. Masakit, Ewan ko kung saan ako pupunta. Nasasaktan ako pero sa tingin ko may sariling isip ang paa ko dahil dinala ako nito ngayon sa Park kung saan KAMI unang nagkita, Bumubuntong hininga dahil sa mga nangyari.


Kung di lang ako naging duwag at pipe ng mga oras na yun, Sana ako ang kasama mo at hindi siya, Sana ako ang mahal mo at hindi siya. Kung maibabalik ko lang ang panahon na yun sana nagawa ko na pero masaya ka na ngayon.


Andito ko ngayon inaalala ang mga panahon na alam kong di na maibabalik. Nang may pumatak na ulan... hindi ko iyon pinansin dahil isa lang ang alam ko nasasaktan ako.



"Tumayo ka nga diyaan Mikay!"sigaw sa akin ni Gino, Nasundan pala ako.



"Doon ka na nga, Umalis ka na tutal bulag ka!"sigaw ko sa kanya.



"Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh tumayo ka nga diyaan."sigaw niya sa akin.



"Matagal ng masakit ang puso ko sa ginagawa mo kaya ano pang silbi kung magkasakit ako?!"nag-sisigawan kaming dalawa.



"Anong ibig mong sabihin?"ngayon hindi siya sumigaw pero halata sa tanong niya na nagulat siya.



"Wala."sabi ko sabay upo.



"Bahala ka na nga diyaan."sabi niya at iniwan ako.. Pinapanood ko lang ang kanyang likod habang papaalis... Sabi ng puso ko sundan ko daw pero yung katawan ko parang na-istuck dito, Pero sa hindi ko alam na dahilan sinundan ko siya pero sa SOBRANG bilis ng pangyayari isang Van ang kumuha sa kanya...



"GINO! GINO! KUYA WAG MONG KUNIN SI GINO!"sigaw ko, Gino i'm sorry! Please i am sorry! Hinahabol ko yung Van ngayon hingal na ko pero wala akong paki gusto kong mahabol yung Van para sagipin si Gino, Mahal ko siya.



"GINO!"sigaw ko habang tumatakbo Nagulat ako ng huminto ang Van, Una natakot ako pero walang magagawa ang takot ko kung nandoon si Gino sa loob nun kaya tumakbo ko papalapit sa Van at kinatok iyon.



"Kuya pakawalan mo si Gino! Gino! Gino!"tawag ko medyo tinted yung sasakyan pero nakita ko si Gino sa loob walang malay. Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin at naging madilim ang lahat..





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Tammy's POV





Kasalukuyan kaming gumagawa ng Experiment sa Chem, Eto ang fifth subject ko, First Day palang namin may ganitong activity na, Baliw ata yung Prof namin eh.


Partner ko si Ella parehas kaming Chem ang fifth subject pero Architect ang Course ni Ella, Nagtataka nga siya eh kung sa amin ni Jao pwede pa pero si Ella halos matawatawa ko nung nakita ko siya dito, pero since siya na yung kilala ko dito kaming dalawa na lang ang partner.


Kukunin ko sana ang Test tube sa Test Tube Rack nang malaglag ang Beaker tapos biglang sumama ang kutob ko, Ewan ko bigla akong di mapakali.



"Ms.Loyzaga and Ms. Jallorina what's wrong?"tanong ng Prof namin.



"Ah... Ma'am.. Kasi po... Nasanggi ko po yung Beaker, Tama nasanggi ko po."sabi ni Ella kahit na malayo siya sa beaker at ako ang malapit napatingin ako sa kanya bigla.



"Palitan niyo na lang okay, YOU !!! kayong dalawa gusto niyo bang sumabog ang class mali ang nilagay niyo."sigaw naman ng Prof namin sa dalawa naming classmate.



"Ella."sabi ko.



"Bigla ka bang kinutuban na may nangyaring masama?"sabi ni Ella kaya napatango ako bigla.



"Hala ka may nangyari kayang masama?"tanong ko. Nang nag-ring ang bell..



"Okay Class, Lagyan niyo ng Tag yung mga Test Tubes niyo okay, we continue tomorrow."sabi ni Ma'am tapos biglang nagsi-labasan ang mga kaklase namin, Lunch na kaya sigurado puno ang Cafetiria dahil buong College Dep na ang may Lunch Break.


Naglalakad kami ni Ella nang makasalubong namin ang Barkada at sila Bea.



"Nakita niyo ba si Gino at Mikay?"sabi nila sa amin.



"Ewan ko."sabay naming sabi ni Ella kaya nagkatinginan kami.



"Ano ba yan baka nag-date na silang dalawa, Malandi talaga."sabi ni Bea na halatang asar.



"Wag mo namang sabihang malandi si Mikay, Hindi mo siya kilala."pagtatanggol ni Jacob magsasalita sana ang barkada pero inunahan kami nitong si Jacob.



"Ewan ko sa iyo alam mo isa kang kabute dahil ang EPAL mo."sabi ni Bea.



"Tss.. Oo na kabute na ko ikaw na maganda."sabi naman ni Jacob pero ano yung nakita ko, nag-blush si Bea? Pero hindi ito ang time para panoorin sila. Nasaan na ba si Mikay at Gino? Tinawagan ko ang Phone ni Mikay pero missed calls eh.



"Nacontact niyo na si Gino?"tanong naman ni Francis na halatang kinakabahan.



"Nakita niyo ba si Mikay... at Gino?"tanong sa amin ni Dominic ata na parang ayaw banggitin ang name na Gino.



"Halata bang hanapan kami ng nawawala?"sabay nasabi ni Jacob at Bea tapos biglang nag-irapan.



"Kinakabahan ako sa pinsan ko."sabi ni Sofia, Hindi lang ikaw Sofia hindi lang ikaw. Kung na saan man sila sana ligtas sila.

________________________________________

Seriously hindi talaga ako marunong magpaiyak ng malalalim ang luha hahaha Malalim nga eh ang engot ko enjoy reading na lang


~Cynthia

You're Always in My Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon