Chapter 28 (Final)

6.7K 103 7
                                    

Gino's POV





"Gerald tandaan mo M-mahal kita."


"Gerald tandaan mo M-mahal kita."


"Gerald tandaan mo M-mahal kita."



Paulit-ulit kong naririnig ang Boses ni Mikay... Pag-dilat ko puro Puti lang ang nakikita ko.



"Mommy! Daddy! Tito! Tita! Gising na po si Kuya! Ate, Kuya!! Gising na si Kuya Gino!"sigaw ng boses na alam kong boses ng kapatid kong si Julia. Bigla naman pumasok sila Mommy at Daddy kasama ang Barkada at ang Iba.



"Salamat sa Diyos at dininig niya ang panalangin ko."sabi ni Mama sa akin at yinakap ako.



"Mama na saan ako?"tanong ko at nilibot ko ang mata ko sa kanila.



"Nandito ka sa Ospital anak."mahinahong sabi sa akin ni Mama ng maalala ko si Mikay.



"Si Mikay Ma? Si Mikay?!"halos tarantang sabi ko kay Mama.



"G-Gino... Si Mikay..."sabi ni Mama na parang nag-aalangan.



"Tita Kath, Tito DJ si Mikay po?"tanong ko, Ayos lang ba siya? Na-trauma kaya siya?



"Gino.. Si Mikay.. wala.. si.. Mikay.."sabi ni Tita Kath at nag-breakdown siya buti na lang at nasalo ni Tito DJ ako naman eto tulala sa nalaman ko.



"Mahal niya daw ako tapos iiwan niya lang ako?"
wala sa loob kong nasabi at napa-yuko. Kasalanan ko ito eh! Kasalanan ko!



"Iwan niyo po muna ang pasyente."sabi nung Doctor kaya umalis muna sila. Di ko alam ang gagawin ko, Tulala lang ako sa narinig ko kinakausap ako ng Doctor pero di ko naman iniintindi dahil alam kong hindi namatay si Mikay.. Hindi nawala ang si Mi, Hindi nawala si Mikay.


Umalis na ang Doctor at nagulat ako ng pumasok si Bea.



"G-Gino, I am Sorry hindi ako si Mi, Sana mapatawad mo ko sa nagawa ko... Si Mikay siya yung batang binigyan mo ng figure at hindi ako."sabi ni Bea kaya napatingin ako sa kanya bigla at hinagis ko sa kanya ang Basket na puno ng Prutas at inilagan niya ang mga iyon..



"NGAYON MO SASABIHIN IYAN NGAYON WALA NA SI MIKAY?!"sigaw ko di ko alam pero nagagalit ako sa kanya.



"Gino i am sorry di ko naman alam eh."sabi ni Bea dumating ang mga doktor at tinurukan ako ng kung ano at biglang nagdilim ang paligid ko.





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Sofia's POV





Lumabas kaming tulala si DJ mukhang na-trauma siya sa pangyayari.. nang lumabas ang Doktor pumasok si Bea nang may narinig kaming nagwawala sa loob at..



"NGAYON MO SASABIHIN IYAN NGAYON WALA NA SI MIKAY?!"



Hindi pa nga naman nakakaalis ang Doktor eh bigla na naman silang pumasok kami naman pumasok at nakita namin si Gino na walang malay si Bea naman umiiyak.


Nung Una naiinis ako sa kanya sa ginawa niyang pagpapanggap na siya si Mi pero ngayon tignan mo sabi na eh mas masasaktan siya.


Sinabihan ko na siya.. Tama ako nga yung nagplano na pagkitain si Gino at Mikay dahil na-discover ko lang naman na si Gino si Gerald kaya nag-arrange ako ng meeting pero tanga kasi ng pinsan ko ayan naunahan siya nitong si Bea, Ngayon medyo nawala ang asar ko kay Bea naaawa ako BKITIMA siya ng Love eh pero hindi ko alam kung paano nalaman ni Bea ang tungkol doon.. Basta ang alam ko nagpangap siya.


Two Months na ang nag-passed pero hindi pa namin makita si Mikay, Ang Pinsan namin ni Tammy na napakabait... Ano nga bang ginawa niya at nangyari sa kanya ito?





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Third Person's POV





Tatlong linggo na ang lumipas simula nang magising si Gino madalas kasi siyang mag-wala dahil siguro sa trauma ilang therapy session ang nadaanan niya bago niya natanggap sa sarili niya na nawawala lang si Mikay at hindi pa ito patay.


Hindi naman masamang umasa siya na buhay pa si Mikay dahil kung siya nabuhay malamang buhay pa din ang kanyang babaeng minahal..



"Gino anak, Papasok ka na?"tanong ng mama ni Gino sa kanya dahil back to normal ulit siya.



"Ah Opo, Sige po ma alis na po ako di ba sasabay si Julia sa akin?"tanong ni Gino sa ina.



"Nanuna na siya may practice daw sila ng Volleyball eh."sabi ng mama ni Gino na halata pa din sa anak na malungkot ito.



"Sige po bye ma."sabi ni Gino at lumabas na ito at pinaandar ang sasakyan. Nang makarating siya sa eskwelahan tulad ng inaasahan eh pinagkaguluhan siya ng mga babae pero di niya iyon pinansin at pumunta sa barkada nila ni Mikay.



"Uy Pare wala pa kayong pasok?"tanong ni Gino sa mga kaibigan.



"Ano ka ba Gino ang tagal mo kasing natulog eh Haha malapit na ang Foundation Week kaya NGA NGA muna ang students kasi nag-memeeting pa ang faculty."sabi ni Sofia.



"Okay."sabi ni Gino at umupo kung saan umuupo si Mikay noon.



"Nga pala kamusta ka na?"tanong ni Tammy kay Gino.



"Okay lang pinapainom pa din nila ko ng gamot eh magaling na ko mamaya ma-over dose ako."sabi ni Gino sa kanila na matawatawa dahil nga sa wala silang ginagawa eh nagsi-uwian na sila si Gino naman eh dumiretso muna sa playground kung saan sila unang nag-meet ni Mikay.


Umupo siya sa swing kung saan siya umupo noon, Hindi na kadena ang hawakan ng swing kung di matibay na lubid na ito.



"Sana bumalik ka na, Miss na kita Mikay."sabi ni Gino at biglang may pumatak na luha sa mata niya.



"Kuya panyo."sabi nang babae sa harap niya.



"Salamat."sabi niya at kinuha niya iyon.



"Alam mo kuya Gino babalik din siya malay mo may Second Chance pa di ba?? Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa pipikilitin niyang magkita kayo ulit."sabi ng kapatid kong si Julia.



"Live again kuya isipin mo na lang na eto yung time na umalis tayo papuntang states pero reverse nga lang siya ang umalis ikaw ang mag-aantay, Alam ko na nag-antay din siya."sabi sa akin ni Julia dati todo tanggi siya an wala ng pag-asa ngayon siya nag-sasabi sa akin na may pag-asa pa.


Sana nga makikita ko pa si Mikay....

__________________________________

I'll post the epilogue laturs~ Saka nga pala i think Book 2 na lang, Kung sino man ang may Tutol sa Ending mag-comment na at yung mga wala namang Tutol mag-comment ka din de joke lang XD Ayos ba medyo malungkot ba? Sorry naman malalaman niyo din kung na saan si Mikay pero basta.

~Cynthia

You're Always in My Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon