Chapter 25

5.6K 105 0
                                    

Dinama ko ang mukha ko. Nakakulong ang dalawang palad ko sa aking mukha. Dinama ang init. Kanina pa ako ganito. Ang lakas makaasar ni Phoebian sa akin kanina at hindi pa ako nakakabangon mula sa pagtukso niya. Buti nalang at absent ang head namin. Lagot talaga ako kapag nagkataon na nandito siya.

Kinuha ko ang folder na walang laman at pinaypay yun sa sarili. Bukas ang air-condition ng office pero pakiramdam ko ay mainit parin. Kapag tinatanong ako kung anong nangyari sakin ay sinasabi ko lang na nasstress ako. Half true siya dahil nasstress ako kay Phoebian. Kapag magkita kami mamaya ay ako naman ang mang-aasar sa kanya. Mag-iisip pa ako kung ano ang gagawin ko.

Nagpasuyo nalang ako ng pagkain para sa lunch sa officemate ko.
Wala akong ganang lumabas.
Tinatamad ako lalo pa't hindi ko pa tinatapos ang pagreview sa sales ng Oxford jewelry. Naging hobby ko na magreview talaga dahil dito ako kumukuha ng lakas para magpatuloy sa trabaho ko.

"Maia, may gusto kang kausapin. Babae, nasa labas siya."

"Ha? Sino raw?" taka kong tanong.

"Yung babae. Ang sosyal ng dating kaya napatango nalang ako. Ang sabi niya kilala ka daw niya."

Nakakapagtaka lang na mayroong naghahanap sakin sa mga oras na yun.

Bumaba ako papuntang carpark gaya ng sabi ni Molina. Nakakapagtaka lang kung sino ang gusto akong kausapin.

Pagdating ko sa carpark ay napahinto ako sa paglalakad. The woman who wanted to call me was my mother. Hilga. My biological mother. Nang makita niya ako ay agad na lumambot ang kanyang tingin sakin.

Naalala ko parin ang sinabi niya noong gabing una kaming nagkita. Sobrang proud pa siya sa anak ng asawa niya.

"Maiarie." tawag niya sakin. "Free time mo ba ngayon? Gusto ko sanang makausap ka." Para siyang nagmamakaawa base sa tono niya.

Dahan-dahan akong napatango.

Pilit siyang ngumiti, hindi sigurado kung dapat ba niyang gawin yun lalo na't ang plain lang ng tingin ko sa kanya.

"I'll treat you to have lunch with me in my favorite restaurant. G-gusto kong dalhin ka doon." she stammered.

"Ano ho bang kailangan niyo? Hindi po mahaba ang oras ng lunch time ko."

Napatango siya. She clenched her handbag. Ang sabi ni itay ay kaya naghiwalay daw sila ng nanay ko dahil ayaw ng mahirap ng nanay ko kaya mabuti nalang na nasa marangyang kalagayan na siya dahil hindi yun maibibigay ni itay.

"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo sa inasal ko noon sa mansyon nina Oxford. Nagtanong-tanong ako tungkol sayo nang malaman ko ang pangalan mo dahil sa kutob ko na ikaw ang anak ko. I'm sorry because I left you Maiarie. Hindi pa alam ni Valen na anak kita pero ang asawa ko ay kinausap ko siya tungkol sayo."

Bumuntong-hininga ako. Actually, nawala na yung inis ko kay Mama nang iwan niya kami ni itay. I grew up, and I wanted to live in peace. "Ma. Matagal na yun."

Nangilagid ang mga luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry. Kahit hindi mo pa ako tanggapin ngayon ay ayos lang sakin. I deserve it, Maia. Pero pasensya na at tiniis ko na hindi kita bisitahin at suportahan. I became so selfish and from the bottom of my heart... I'm so sorry." Lumandas ang luha sa kanyang mata. "And I'll make it up to your father. Hindi man kami magkakabalikan dahil may asawa na ako pero kakausapin ko siya. Makikipag-ayos lang ako."

Tumango ako. "Nasa probinsya siya sa asawa niya. You see, maayos naman akong napalaki nina itay. I'm so disappointed of you of what you did to me, Ma. Pero Mama kita, kadugo parin kita."

Tumango din siya at marahang lumapit sakin. Magaan ang kanyang kamay na itinanday sa braso ko. "Hindi ako perpektong tao pero dahil nakita na kita ay gagawin ko ang lahat para suportahan ka. At hindi kita ikakahiya sa ibang tao dahil galing ka sakin."

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon