Si Bradly, ang pinaka matagal na kaibigan ni Marco, sa lahat ng naging kasama ni Marco, s'ya lamang ang nakatagal sa ugali nito. Kasama man n'ya ang kaibigan kahit saan, pero hindi n'ya kinukunsinte ang mga kalokohang pinaggagagawa nito sa buhay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(7:30 PM)
(Marco's House)
(Bradly's Point Of View)
Sinusubukan ko namang pabaitin ang demonyong kaibigan ko, kaso hini talaga kaya ng salitaan lang, kailangan talaga pwersahan. Isinali ko s'ya sa isang feeding program noon para tingnan kung may awa pa s'ya sa ibang tao. Pero anong ginawa n'ya? Ipinalit n'ya ang corn starch sa flour na ginamit ng mga panadero na gagawa ng tinapay kaya hindi kami nakapagbigay ng tinapay, sa poso n'ya kinuha ang tubig na ipinainom sa lahat ng kakain, nilagyan n'ya ng laxatives ang sopas na ipapakain kaya nagtae lahat ng kumain. Minsan naman, sinabi n'ya na s'ya ang bahala sa pagbili ng meat para sa ulam na ipapakain sa mga nakatira sa isang home for the aged. Botchang baboy at baka ang binili at sinikreto pa n'ya sa amin, umaga tuloy ang appointment ng mga matatanda kay kamatayan.
Nung isinama ko naman s'ya sa isang event ng isa sa mga organizations na alam ko, kung saan pupunta sa isang ospital para magbigay ngiti sa mga pasyente, hindi ngiti ang ibinigay n'ya sa karamihan ng mga pasyente, kundi pamamaalam. Pinalitan n'ya ng tubig ang laman ng sampung dextrose, ketchup sa mga bloodbags, at superglue sa mga lalagyan ng mga hand sanitizer. Ipinasara ang organization dahil sa ginawa n'ya.
Ayoko na, marami pang pwedeng ikwento pero ayoko nang maalala 'yon...
D'yus ko po, ano pa kayang kasamaan ang gagawin ng kaibigan ko?
"Hoy, ba't natutulog ka lang d'yan? Mag-aral ka kaya, bukas na ang tests mo no! Ayaw mo ba talagang mag-graduate, tingnan mo, tapos na ang graduation, pero kayong mga hindi pumasa, kailangan ang summer class para tumuloy sa high school!" Hinatak ko s'ya't nahulog s'ya mula sa pagkakahiga sa sofa.
"Leche! Ano bang pakialam mo? At tsaka, wala pa akong reviewer!" Inis na inis na sinagot n'ya sa akin.
Aba, naghihintay ng reviewer? "Hinihintay mo bang gumawa ako ng reviewer at mock tests para sa'yo? Gan'yan ka ba katamad pagdating sa pag-aaral?"
"Ta, mas matindi ka pa kaysa sa nanay ko ah!"
Sumosobra na 'to ah.
"Ano nay? Gagarutihin mo ba ako? Anong gagamitin mo? Sinturon? Latigo? O Hanger? Hindi tatalab sa akin 'yan kahit pagsabay-sabayin mo pa!"
"D'yan ka nagkakamali, galing ako sa simbahan, holy water ang gagamitin ko sa'yo!" Matindi na talaga ang sapi ng kaibigan kong 'to kaya nanghingi na ako ng payo mula kay Pari Koy kung paano paaalisin ang sumasaping masasamang mga espirito sa kaibigan kong 'to. D'yus ko po, kayo na ang bahala sa aking kaluluwa.
Winisikan ko s'ya ng winisikan ng holy water kuno at nagalit ito, hinabol n'ya ako habang inuubos ko sa ka'ya ang laman ng boteng puti.
"Ba't ganito ang amoy? Ano 'to? Humanda ka sa akin, Bradly!"
"Maasim ba? Datu Puti brand n'yan, ang bango 'di ba? Hindi ka pa ba talaga mag-aaral, gusto mo toyo naman? Iaadobo na kita!" Paminsan-minsan, kailangan din n'yang magawan ng masama para magtanda, may progress naman. Bumait naman s'ya, equal sa percent na hindi natatanggal na germs, 0.01%.
(7:35 PM)
(Marco's House)
(Marco's Point Of View)