TEST RESULTS DAY
10:03 AM
SCHOOL GROUNDS - LIBRARY
Andy's POV
Why do I suddenly feel excited na malaman ang resulta ng exams?
Naglalakad kami ni Enrico sa hallway ng library building nang bigla akong madapa.
"Andy! Okay ka lang? Matalino ka, 'di ba? Ba't biglang naging tanga?" Inalalayan ako ng kaibigan kong si Enrico. "Ang bilis mo kasing maglakad, 'yan tuloy, nasobrahan. Chill lang!"
"Eh, hindi ko kasi mahanap kung saan nakapost 'yung results!"
"Mahahanap rin natin 'yan."
10:07 AM
SCHOOL GROUNDS - ADMIN OFFICE
Marco's POV
Basta makapasa para hindi umulit!
"Marco!"
Si Bradly, tuwang-tuwa at nagmamadali sa pagtakbo papalapit sa akin. "Ano?"
"Kailangan mong makita 'yung results! Bilis!" Hinatak ako nito papunta sa bulletin board sa labas ng administration office.
"Ano ba?! Hindi mo dapat ako hinahatak, baka gusto mong lagutin ko ang kamay mo!"
Bumitaw s'ya mula sa pagkakahawak sa akin. "Tingnan mo! Nakapasa ka! You'll move to the next grade level, Marco! Isn't that great?"
"It's so great, Bradly! Ewan ko sa'yo, tigilan mo ako sa English kung ayaw mong palipitin kita hanggang maubos dugo mo!" Hinawakan ko s'ya sa leeg para matakot at tsaka binitawan nang may biglang lumapit na ibang tao para tingnan ang standings at kung saan s'ya sa list. "Sa wakas, bakasyon ko narin!"
"Below the line? Pasado ako! Yes!" Sigaw ng lalaking lumapit sa board kani-kanina lamang.
"Kailan mo ba ibibigay 'yung card mo sa kan'ya?" Tanong sa akin ni Bradly.
"Kailangan ba alam mo at makikita mong ibibigay ko sa kan'ya?"
Hinatak ko 'yung lalaking nakatingin sa bulletin board at ibinigay ang card ko sa kan'ya.
"Ha? Ano 'to? Anong gagawin ko dito?" Tanong nito.
Iniikot ko s'ya at itinuro sila Andy. "Nakikita mo 'yung lalaki na naglalakad doon? Ibigay mo 'tong sulat sa kan'ya! Kuha mo?"
"Oo!"
"Galit ka? Kapag hindi mo naibigay ng maayos 'yan sa kan'ya, hindi ka na makakabalik ng maayos sa bahay n'yo! Sige! Gawin mo na!" Itinulak ko ito at tumumba sa sahig.