Summer Clash 4: Making A Card

68 6 0
                                    

10:30 PM

Marco's House

Bradly's Point Of View


Naandito parin ako sa bahay nila Marco para bantayan kung nag-aaral ba talaga si Marco. Kabilin-bilinan kasi 'yon ng parents n'ya bago sila umalis papunta sa kanilang business trip sa ibang bansa.


Tinitingnan ko palang ang lahat ng mga nakapatong sa lamesa, sure na akong hindi n'ya ito babasahin. Parang mga buildings ng isang malaking city ang reviewers na ginawa ni Andy para kay Marco! Naku, naaawa ako sa kan'ya, sayang lang lahat ng ginagawa n'yang ito kay Marco!


Maya-maya'y may tumawag sa kan'yang cellphone.


"Hoy! Marami ka pang babasahin! 'Wag mo 'yan sasagutin!" Sabi ko sa kan'ya, pero tumayo parin s'ya para kunin ang cellphone n'ya na nagri-ring sa loob ng vault. Yup, ipinasok ko ito sa isang vault, sure ako na hindi n'ya rin mahuhulaan ang passcode.


"Ano 'yung passcode?"


Hindi ko s'ya sinagot at itinuro ko sa kan'ya ang lahat ng kailangan pa n'yang basahin.


"Hindi mo sasabihin?"


"'Wag mo 'yang pansinin, basta kailangan mong pumasa! Bumalik ka nalang dito at mag-review ka pa!" Kibit-balikat kong utos sa kan'ya.


Napalingon ako nang may biglang nagkaroon ng malakas na kalabog sa kinalalagyan ng vault. Nang makita ko ito, parang latang nabuksan ang itsura at kinuha ni Marco ang kan'yang cellphone mula sa loob nito at sinagot. "P-Paano mo nasira 'yan?"


Hindi n'ya ako pinansin at sinagot n'ya ang tumatawag sa kan'ya. "Hello?"


"'Yan lang ba ang itinawag mo? Oo, nagre-review ako."


"Hindi ako gumagawa ng codigo!"


Sinong kausap nito? Parang may kakaiba sa pananalita ni Marco ngayon, sinong santo ang sumapi sa katawan ng taong 'to at biglang nagbago? 'Di kaya impostor ang Marco na kasama ko ngayon dito? O baka humabol s'ya sa ALS Ice Bucket Challenge at holy water na may kasamang yelo ang ibinuhos n'ya sa sarili.


"Istorbo ka! Gusto mong tumagos ang kamay ko dito sa cellphone at tapusin na ang buhay mo?"


'Di kaya si tita ang kausap ni Marco? Hindi siguro, kasi may respeto naman s'ya kahit papaano sa mga kapamilya n'ya.


Pagkatapos n'yang ibaba ang kan'yang cellphone ay bumalik s'ya sa pagbabasa.


"Sino 'yon?" Tanong ko sa kan'ya.


"Hindi mo na kailangang malaman."


Kinuha ko ang isa sa mga reviewers na malapit sa akin. Binuklat ko ito at nakita ko na may marka na star sa bawat page ng reviewer na hawak ko. Nakita ko na kasalukuyan n'yang minamarkahan ang page ng reviewer na binabasa n'ya ngayon.

The Bully And The Bullied (bxb) (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon