Best friends, right? (2)

86 4 0
                                    

" What?!" Bigkas mo. No way. No no no way! kagabi lang parang sinasabi n'ya sakin na ayaw n'ya ko kasama sa bahay at kung ano ano pa. Tricia, anong pakulo 'to.

"Yes. Please? Ayaw mo non? I get to hatid and then fetch you. Cook you breakfast, may ka chat kana pag ka gabi! Please, y/n? Pretty please?" Pag mamakaawa n'ya. Hindi mo alam ang isasagot. Hindi sa ayaw mo s'ya maging girlfriend, maswerte pa nga magiging jowa nito eh. Pero why so sudden?

"Tricia, I've known you for how many years na. Sa tingin mo makukuha mo 'ko kakaganyan mo? Hindi noh! At saka, anong kagaguhan 'to ha?"

"Y/n, I know it's escalating so fast. But, please? I need you." Hindi pa s'ya matapos tapos sa pag mamakaawa. Parang gusto mo na bumigay. Sino kase nag imbento ng pride pride na 'to.

"Bakit muna? Tricia, hindi mo 'ko type, sinabi mo na 'yon. Pero ano to."

"Si.. Kin? Kilala mo pa ba s'ya?" Tumango ka naman, Ex yon ni Tricia—more like her first love. You were there when kin dump Tricia for a cheerleader. Halos ikaw anv takbuhan n'ya sa lahat kaya alam mo rin. Vp Leni doesn't know anything about kin, naniniwala pa kase si Tricia na hindi pa sila ready to come out as a couple. Ayaw n'ya mag settle sa hindi sigurado. Pero when kin left her, she's a train wreck. You asked tita to let Tricia stay sa condo mo for days hanggang maging okay at maliwanagan s'ya. She skipped some class, cry herself to sleep and even tried drinking heavy alcohol— in which she never did before.

Kumulo ang dugo mo ng maalala n'ya ulit si kin, basketball player s'ya sa NU, where you're currently studying. Siguro na kita n'ya o naalala ulit. Hindi mo na kakayanin na bumalik pa si Tricia sa memories nung lalaking 'yon. Never again.

"I.. I want him to be jealous.." pautal utal na sabi n'ya. Napabuntong hininga ka naman, at hindi makapaniwala sa naririnig mo. Para kang sinampal na hanggang choice ka lang, at madaling gamitin.

"Sira ka na ba? Siguro naman ako na hindi ka sa sira ulo pinag lihi ni tita, pero tanga ka?"

"Sorry, Y/n. I know 2 years na ang nakakalipas, pero hindi ko kase pala kaya. I thought I've moved on pero hindi pala. Kaya naisip ko na baka pag pinag selos ko s'ya malalaman n'ya na gusto n'ya pa 'ko." Frustrated na sabi nya. Umirap ka naman. Sinong tanga ang papayag sa sinasabi n'ya? Akala n'ya ba madali lang magamit? At porket kaibigan ka e valid na yon para gamit gamitin ka.

Nabanas ka sa favor ni Tricia kaya pinili mo nalang na umalis. You're not some kind of person that she can just use, whether it is because of her status in life or because she's your best friend that doesn't give her the full validation to think na magagamit ka n'ya ng ganun ganun lang. At sa lalaking yun pa. Baka nga pumayag ka if it were some other guy, yung matino at hindi s'ya sasaktan, pero si Kin? Kalahati atang gago 'to.

"Y/n! Wait! Sorry na! Huy san ka pupunta." She said as soon as you step out of her car pacing faster para makalayo sakanya. Nakakasama lang ng loob. You've tried your very best para maiahon s'ya sa kung saang phase s'ya iniwan nung lalaking 'yon at ngayin gusto n'ya bumalik? Anong meron sa redflag na nakakattract? Isip isip mo.

"Tantanan mo 'ko, Patricia. Mag usap nalang tayo pag maayos na 'yang pag iisip mo." Sabi mo at tumigil sa waiting shed, you decided to text dave, sana lang he picks up before Tricia can beg on her knees para papayagin ka.

Dave, where are you? Can you come pick me up? Hindi ako makapag grab eh. Promise treat kita!

You waited for few seconds before he replies.

"Y/n, I'm sorry na. I know na super insensitive ko para itanong 'yon sa'yo." She said, unti unti ka ng naiirita kaya pinag dadasal mo nalang na lumabas na si dave. "P'wede ba, Tricia? Kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka nalang? Ewan ko ba kung bakit mo pa naisip na baka gusto ka pa non. Tricia, 2 years na oh!"

Was there an 'us'?Where stories live. Discover now