Hello! I am Daniella Louise Mendez...
15 years old...
Motto? Nah, I don't have. But I do believe in second chances.
That's all.
"Thank you Ms. Mendez. You can take your seat." sabi ng adviser namin.
First day of school, at syempre ano pa nga ba ang ginagawa tuwing first day?
Walang katapusang pagpapakilala. Eh magkakaklase naman dati?
Ewan ko ba! Nakakasawa na.
"Pssst! Louise! Ang aga aga nakabusangot nanaman yang mukha mo!" sabi ni Bianca.
Si Bianca. Bestfriend ko since birth.
JOKE!
Bestfriend ko since Grade 1. Galing no? Ang tagal na naming magbestfriend pero hindi pa rin siya nagbabago.
USI parin.
"Pano kasi, tingnan mo yung mga kaklase natin. Ang sabi state your name, age and motto in life. Eh talambuhay na ata nila yung kinukwento nila eh. Para namang hindi pa tayo magkakakilala."
"Girl, hayaan mo na! Napaka mo talaga! Ang aga aga mukha kang namatayan. Pano ka magugustuhan ni Gra-asdfghjkl"
Dali-dali kong tinakpan yung bibig niya.
Ugh!
I looked at her angrily. Kung makasigaw siya parang hindi ko katabi si--- Ugh! Nevermind!
"asdfghjklqwertyuiop!"
Oops. Yung kamay ko pala. Nakalimutan kong alisin sa bibig niya.
"Yung bibig mo kasi eh! Sige ulitin mo ulit yan, puputulin ko yang nguso mo!"
"Ang witty mo girl. Sorry na. Hindi ko sinasadya. Nakalimutan kong katabi mo nga pala si Gra--- asdfghjkl"
"Asan na ba yung gunting ko?"
Bigla niya kong kinulbit.
Pagtingin ko sakanya...
TTT_TTT
Wala na talaga siyang pagasa.
Ganito yung mukha niya oh...
(^_^)V
With matching peace sign pa.
Huhuhu TTT_TTT Lord, please help my friend. She's suffering right now. Lakas tama na talaga. Wala nang lunas.
Tumingin ako sa ibang direksiyon. Ayokong tumingin sakanya. Baka mahawa pa ko ng kabaliwan nitong babaeng to. Mahirap na.
Tumingin ako sa tabi ko...
Na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Ang lalaking tinitingnan ko ngayon...
Ay ang lalaking ang tagal ko nang pinapangarap.
Grae ang pangalan niya.
Joshua Grae Perez.
Ganda no? Bagay kami.
PinagFLAMES ko na nga yung pangalan namin eh. Pero ang lumabas? Huhuhu T_T FRIENDS.
Kaya simula nun, hindi na ko naniniwala dyan sa FLAMES FLAMES na yan.
"HOY! Louise tara na. Recess na!"
Grabe. Napakagwapo talaga ni Grae. Para kong nakakita ng anghel sa pagkatao niya. Yung tipong hindi talaga maipaliwanag yung kapogian niya.
"Girl ano ba? Gutom na ko ah!"
Jusko! Ang gwapo talaga. Hindi ko alam kung ilang oras na kong nakatingin sakanya habang naguusap sila nung kaibigan niya.
Hindi ko talaga maalis yung mata ko sa kaniya parang nakadi---
"WAAAAAAAH! ASWAA-asdfghjklq"
hindi ko na natapos yung sigaw ko nang takpan niya yung bibig ko.
"HOY! LOUISE SINONG ASWANG HA?" sigaw ni Bianca. Pano ba naman kasi, habang tinititigan ko kanina si Grae eh bigla ba namang may tumapat na mukha sa mukha ko. Sinong hindi magugulat don?
"Eh ikaw naman kasi eh, nakakagulat yang mukha mo. Bakit ba ang ingay-ingay mo ha?"
"AHHH AKO PA NGAYON YUNG MAY KASALANAN EH IKAW NGA TONG KANINA PA NAKATITIG KAY GRA---asdfghjklqeituow" Waaaah! Buti nalang mabilis tong kamay ko. Natakpan ko agad yung malaking bunganga ng bakulaw kong kaibigan. WHEW!
"Tara na nga Bianca. Wag ka nang maingay. Ililibre nalang kita ng recess, lunch pati snacks para di ka na magingay. Okay?"
UWAAAH! Kailangan kong gawin to dahil kung hindi...
UWAAAH!
Pagkatapos kong sabihin yun. Bigla niyang kinulbit yung kamay kong nakatakip sa bibig niya.
Eh pano ba naman kasi baka sumigaw pa to. Kaya mamaya ko na to tatanggalin pag nakarating na kami sa canteen.
So yun nga kinukulbit na nga ako nung baliw na kasama ko. So ano pa nga bang gagawin sa mga papansin? Edi pansinin.
Na dapat hindi ko nalang ginawa.
Yung mukha niya, nakaganito -->
^___^ super laking ngiti na may kasama pang thumbs up.
Jusko po! Di ko na to kaya! Pag di pa to gumaling, magpapalit na talaga ako ng bestfriend!