Last subject.
Last subject na pero simula pa kanina... wala na kong ibang nagawa kundi kawawain ang kaawa-awang notebook at ballpen.
Nababoy na. -__-
Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko. Bahala na. Ayoko naman sa subject na to eh... pati na rin sa teacher.
Huhuhu. Sorry notebook. Wala kasi akong mapagbuhusan nitong lungk---
"LOUISE!"
"AY PALAKA!" Jusko! Aatakihin ako sa puso nito eh. Grabe naman to! Hindi naman ako bingi... kung makasigaw naman. ASAR.
-__-
"How many atoms are there in C:13 isotope?"
(O.O)?
Ano daw?
"P-po?"
Patay!
Tumingin ako sa whiteboard. Baka naman nandito yung sagot. Hmmmm. Ba't naman kasi nagtuturo agad to? First day of school tapos nagdidiscuss agad?
"YOU'RE NOT PAYING ATTENTION! SA SUSUNOD KASI MAKINIG KA! KUNG ANO-ANO KASI YANG GINAGAWA MO EH?" sigaw niya. Nakakahiya naman. T__T First day of school strike 1 agad ako.
"Sorry po." napatingin ako sa mga kaklase ko. Lahat sila nakatingin sakin. Nakakahiya.
"ANO BA YANG GINAGAWA MO? MAS IMPORTANTE BA YAN SA ITINUTURO KO NGAYON? PATINGIN NGA."
Unti-unti siyang lumapit sakin. Juskooo! Di ko talaga sinasadya. Huwag ka nang lumapit. Huhuhu T__T yung notebook na ginuray-guray koooo... sa subject niya yun eh.
"ANO BANG GINAWA MO SA SCIENCE NOTEBOOK MO? BAKIT MO BINABOY YUNG NOTEBOOK MO? TINGNAN MO YUNG MGA KAKLASE MO... ANG DAMI NA NILANG NASULAT... TAPOS IKAW NI-KALAHATI WALA!"
Tumahimik nalang ako. Ano ba naman kasi tong pinagagawa ko? Tsk! Tumingin ako kay Bianca. Hala. Oo nga... ang dami na nung nasusulat nila. Ano ba tooooo?
"IPASA MO SAKIN YANG NOTEBOOK MO! DAPAT MAMAYANG 4:30 NASA AKIN NA YAN AH!"
"O-opo." napatingin ako sa isa kong katabi. Nakakahiya kay Grae. Nakakahiya....
.
.
.Natapos ang last subject. Nagsiuwian na yung mga kaklase ko. Samantalang ako... hayyy... eto nagsusulat. Bakit ba naman kasi nagtuturo agad yung teacher na yun eh. First day of school tapos lecture agad? Damn.
"Ano ba naman kasi yang iniisip mo Louise? Ba't ba di ka nagsusulat kanina?" - Bianca na kanina pa talaga tanong ng tanong.
"W-wala! Ang kulit mo!" pasaway talaga to. Kitang nagmamadali yung tao eh.
"Dali na! Ikwento mo na kasi! Pag di mo kwinento... isusumbong kita kay Grae."
"Pag ito talaga di ko natapos! Malilintikan ka talaga sakin."
"Sige na... please?"
"Oo na! Eto na..."
FLASHBACK
Pagbalik namin ni Bianca kanina sa classroom. Agad akong dumirecho sa upuan ko. Nadatnan kong naguusap sina Jio at Grae... at dahil katabi ko lang si Grae... hindi ko sinasadyang mapakinggan ang paguusap nila...
BIANCA: WEH? DI MO SINASADYA?
Hindi ko na pala itutuloy ang kwento...
BIANCA: JOKE LANG! HE-HE SIGE ITULOY MO NA.
Hindi. Ayoko na palang magkwento.
BIANCA: ITO NAMAN... HINDI MABIRO. ITULOY MO NA. SIGE KA... ISUSUMBONG KITA KAY GRAE!