Narating na namin ni Bianca yung restaurant na kakainan namin.Hindi joke lang. Yung canteen pala. Kaya tinanggal ko na yung kamay kong nakatakip sa bibig niya.
And as expected...
"Girl, ang baho ng kamay mo. Naghugas ka ba? Yan ata yung pinangkamot mo sa pw---asdfghjkl"
Kaya ayun. Napilitan akong ibalik yung mabahong kamay ko daw sa bibig niya.
"Walanghiya ka! Anong akala mo sakin, salaula? Ikaw na nga yung ililibre eh. Manahimik ka nga!" bulong ko. Buti nalang talaga walang nakarinig. Wala talagang good manners tong babaeng to eh.
Hanggang sa makapunta kami sa table namin, nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig niya.
"Ako na ang oorder. Manahimik ka lang dyan ah."
Iniwan ko muna siya sa table namin. Sa ilang taon na magkasama kami, kabisado ko na yung recess, lunch pati snacks niya...
"Miss isang order ng spaghetti, isang slice ng chiffon cake, chocolait, hotdog sandwich, limang nips, fifteen na flat tops at isang bottled water."
"One hundred fifty pesos maam." sabi nung tindera.
May dinosaur kaya dun sa tiyan nung babaeng yun? Buti hindi siya nasusuya. Eh dati... eto din yung lagi niyang inoorder. Abnormal talaga yun.
Dinala ko na yung tray papunta sa table namin. Pagkakitang-pagkakita niya sakin, yung mukha niya parang gulat na gulat.
O_o
"Ano yan?" tanong niya.
-_-#
"Obvious? Halata bang pagkain to?" Bulag ba to?
"Alam ko. Pero ba't ang dami?" tanong niya.
"Eh diba eto yung lagi mong inoorder tuwing recess?"
"Eh bakit binili mo lahat tapos wala kang binili para sa sarili mo?" Awww. Natouch naman ako. Concern din pala siya sakin.
"Pag ikaw nangangayat wag mo kong sisisihin ah. Pepektusan talaga kita sa noo!" dagdag niya.
Binabawi ko na. Ansama talaga ng ugali nito. Hmp.
-_-||
"Ikaw na nga tong binilhan ikaw pa tong nagrereklamo! Magpasalamat ka nalang pwede? Tsk!"
"Hmp. Bahala ka nga. Oh sayo nalang tong spaghetti. Baka mamatay ka pa sa gutom!"
"Awww. Ang sweet ni bestfriend. Pakiss nga." lumipat ako sa tabi niya. Pilit kong hinahabol ang kanyang pisngi. ^3^
"URRGGHH! Kadiri ka! Dun ka na nga sa pwesto mo! Pag ako nagkachikinini... PATAY KA TALAGA SAKIN!" sigaw niya.
"Eeeew. Ano ko bampira? By the way, may ituturo ko sayo mamaya?"
"Ano?"
"Good Manners. Hahahahaha."
"Hahahahahahahahaha--" bigla siyang tumawa. Nakakatawa ba yung joke ko?
"Nakakatawa ka talaga, Louise. Ang sarap mong patayin."
"Wait... si Grae ba yun? Tapos yung kasama niya... diba yun yung Joyce?" bulong niya.
Joyce?
Pagtingin ko sa direksiyon nila Grae nakita ko yung Joyce. Parang ngayon ko lang to nakita?
"Sino yun? Girlfriend niya? Ba't parang... ngayon ko lang nakita?"
Aray ko naman Grae? Bakit mo ba ako pinagtataksilan? Dahil ba hindi kita sinamahan ngayong recess?
"Ayan kasi... hindi nakikinig kanina eh. Si Joyce yan. Amanda Joyce Suarez. Parehas nga sila ng apelyido ni Sam eh. Yung isa nilang kabarkada. Siguro magpinsan sila."
"Ang ganda niya no? Ang bilis nga eh... first day of school pa lang pero magkaibigan na agad sila. Eh kami ni Grae... simula pa nung Grade 3... magkaklase na pero bihira lang kaming magusap."
Ang saklap naman. Ewan ko nga ba... gustuhin ko man na maging close kami... hindi ko naman alam kung paano.
"Bagay sila no? Gwapo si Grae tapos maganda si Joyce. Oh diba... bagay na bagay."
Tumungo nalang ako imbis na sumagot. Totoo namang bagay sila eh. Kung tutuusin nga... kahit tingnan mo lang sila sa malayo... mukha talaga silang mag-on.
"JOKE LANG! Ito naman. Niloloko lang kita. Ubusin mo na nga yang spaghetti mo para makaalis na tayo dito."
"Anong malungkot? Hindi kaya! Matagal ko nang alam na hindi talaga kami bagay. Okay lang ako Bianca. Eto naman... maliit na bagay."
Duh? Ba't naman kasi ako malulungkot diba? Anong karapatan ko?
"Hayaan mo na Louise... mahahanap mo rin ang lalaking para sayo. Yung lalaking mamahalin ka... higit pa sa pagmamahal mo sakanya. Maghintay ka lang."
Imbis na sumagot ngumiti nalang ako. Sana nga magkatotoo yan Bianca... sana.
"Oh ayan nakangiti ka na Louise... basta nandito lang ako sa tabi mo ahh. Maaasahan at mapagkakatiwalaan. I love you Louise."
Kung lalake lang tong bestfriend ko... siguro nagkagusto na ko dito.
"Ang sweet mo talaga. I love you too Bianca. Pakiss nga ako. >3< "
"Urghh! Ayoko nga kasi Louise. Tomboy ka siguro no? Kadiri ka!"
Crush ko si Grae. Crush lang. Pwedeng-pwede pang magbago. Pero bakit hindi ko maiwasang masaktan?