CHAPTER 1

51 1 1
                                    

Chapter 1

*Mr. Gwapo*

“AAAAHHHH! Iana! Ky! I’m so glad you’re here! I know it’s just 2 months, but I missed you guys so much!” Andito kami sa AYDUNNO HIGH SCHOOL dahil 1st day na ngayon. Nakita ko sila Iana at Ky, mga bestfriend ko. At as a matter of fact, na-miss ko na nga talaga sila.

Si Iana ay maganda, maraming admirer, kasali sa cheerleading team. Mahilig sa fashion, gossip, at boys. Si Ky, may kagwapuhan naman. Matalino rin. Sayang nga eh kasi si Ky pala vaklush with a letter V. Hindi niya lang pansin. Pero ngayon pag tinatanong siya na -->“Bakla ka ba/are you gay?”

“Ahm, no comment?”  ang sinasabi niya. Mehehe onting tulak na lang Ky baka aakalain mo na girlalu ka. At ang ilagay mong name sa Phonebook ko ay “Kyle, Ang Dyosa ng Kagandahan” Bwahahaha. ^_^v

“Psst. Nakita mo ba si Zack?”

“Ha?! Si Zack? Asan? Asan?!”

“Ang OA mo naman! Oo, nakita ko nga siya. You know, ang gwapo na niya! Tapos kanina pag pasok niya ng gate, parang may artistang dumaan, lahat ng tao tumingin sa kanya at lahat ng babae naghiyawan! Kung narinig mo lang, aakalain mo na may kung anong nangyari! >_<” sabi ni Iana. Oh, see? Mahilig siya sa gossip at boys noh? Si Zack nga pala yung crush ko since elementary; at ngayong highschool na, ganoon pa rin. Ang cute niya kaya. Err… I mean, hindi pa siya ganito kagwapo noon na pinagkakagulohan siya ng mga girls. Siya palagi ang nagpapatawa sa akin noon, sa pagupo ko pa lang. I know, may iba na siyang crush. Pero kahit na! I believe everyone’s free to love. Napapa-english ako ng di oras eh. Hahaha :P

“Gusto ko na tuloy siyang makita! And, besides, model siya. Kaya, you know, ganoon talaga ang trato ng mga tao sa kanya. -_- .” Yup, isa nang sikat na model ngayon si Zack dahil sa family business niya. Commercial model, Men’s fashion, at mga pag-momodel na pinapagawa sa kanya ng parents niya.

“Oo, alam ko yun noh. Naging model na din kaya ako.” Napatingin kami ni Ky kay Iana.

“Weh!?” – kaming dalawa ni Ky, sabay.

“Oo nga. Hindi kayo naniniwala? Minsan, Makikita nyo ako sa TV. Mehehe. *evil smile*”

“ Ano ba kayo! Tama na ang chismisan! Kung pumunta nalang kayo sa room, makikita niyo pa siya. Sige, gora na girls!” sabi ni Ky.

“Asus, nagsalita ang hindi mahilig sa chismis…”

“Che!”

“Ahahaha.”

Pumunta na kami sa room. At nakita namin dun nga si Zack, nakaupo at nagbabasa.

Yung mga babaeng nakatingin sa kanya, nagbubulungan tapos biglang titili. Yung iba naman may kung ano na lang ginagawa. Hindi ko na sila napansin kasi yung mata ko na kay Zack lang.

OMIGODNESS.

ANG GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO GWAPO NIYA TALAGAAAAHHH!! (OA mo teh.)

Napatingin siya sa direction namin at nagwave. Si Iana naman todo wave din. Pumunta siya dun at nagusap sila. Papunta na sana si Ky nang tanungin niya ako.

“K ka lang ‘te? Halika punta tayo dun oh!” tapos pumunta na nga siya at nakipag-chikahan na sila kay Zack. Ako naman tulala.

“O-o-kayy.”

Whuuu. Inhale. Exhale. At pumunta na din ako.

“Hi Ariella. Long time no see!” And he smiled his sweet killer smile.

OMIGOSH NAKAKAMATAY NGA YUNG KILLER SMILE NIYA! NAKAKAMATAY SA KILIG!

“H-hi Zack! Long time no see nga!” Biglang bumukas yung pinto at pumasok na si Ma’am.

“Okay class. Sit down na. All of you.” Wala akong choice na umupo malapit kay Zack dahil kay Ma’am. Thank you Ma’am! Thank you! Ahihihi!

Si Iana naman ay nakaupo sa tabi ko, sa left side at si Zack naman sa right. Si Ky, sa harap ko.

“Good morning. Before we start, let us all introduce ourselves. You first.” Tinuro ni ma’am yung nasa first row. Hay. Buti nalang 3rd row kami.

LATER…

Kay Ky na. Nauna siya samin since nasa harap ko siya, sa 2nd row.
“Hi everyone! I’m Kyle Greene. I’m 15 years old. It’s nice to meet you all!”

AT LATER ULIT…..

Kay Iana na. Parang nagulat siya kasi nakatitig lang siya kay Zack.

“H-hello! I’m Lliana Nicole Tesse. I’m 15 years old. I hope we all can be friends.”
Ako na sunod!

“Hello and good morning. I’m Ariella Cassie Soulle. I’m 15 years old. It’s so nice to be here with you.”

“Hi to everyone here. I’m Zachary Den Toledo. I’m 15 years old. Nice to meet you.” (Where you been? I could show you incredible things. Hahaha joke!) *CLAP CLAP CLAP* Naghiyawan yung mga babae. Wow lang ha. Bilib ako sayo Zack! Ikaw na! Ikaw na talaga! -_-

LATER NANAMAN…
Tapos na.

“Thank you class. I know it’s been a while but the class’ time is over for now. You can go home. Goodbye and good morning.” Pagkatapos ng speech ni Ma’am, nagsialisan na ang mga tao.

“Aww! Sayang naman. Nag- enjoy pa naman akong tumitig kay Zack. :(” sus, ano ba yan. Sa halip noon, ako lang talaga ang nakakapansin na cute siya.

ZACK’S POV

(Before introduction pa nila sa room ‘to, yung pagpasok palang ‘to ni Zack)

Hay! First day of school na! Namiss ko na ang mga classmate ko.
Tumingin ako sa bintana ng kotse namin. Marami nang mga estudyante sa labas.

“Wow ha, nakasasakyan!”

“SOSYAL!”

“Sino kaya yun?” Bulungan ng mga students.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok ng gate.

“KYAAAAAAAAAAAAHH!”

“Si ZACHARY DEN!”

“WHAAT?! Si Zack nasa school natin!?” o-kayy. Ang OA naman. Isa lang naman akong hamak na model eh. Pero seriously? Hindi ko naman alam na ganoon, as in GANOON, ako kasikat.

ROOM…

Pag pasok ko sa room ko, yung mga classmates ko nakatingin sa akin at nagbubulong-bulungan, yung iba nagtatawanan, nagchi-chismisan, nagtetext, at kung ano-ano pa. Wala pa naman si Ma’am eh. Magbabasa lang muna ako.

Maya-maya, nakita ko sila Ianna, Ky at Ariella. Nagwave ako sa kanila at nagwave din si Ianna sakin. Lumapit siya sakin.

“Zack! Kanina halos hindi kita makilala! Ibang level na to ha! Level 2000, Zachary, new and improved! Hahaha! Pero seriously ang gwapo mo na ha!”

“Nge! Ngayon mo lang napansin? Hahaha! Oy, kamusta na nga pala kayo?”

“Okay lang naman kami.” Andito na pala si Ky.

“Wow, Ky! It’s been a long time!”

“Yah. I know right.” Ooh suplada ha! Ahahaha.

“Hi Ariella. Long time no see!” Tapos nag-smile ako sa kanya.

“H-hi Zack! Long time no see nga!”

“Okay class. Sit down na. All of you.” Andyan na pala si Ma’am. Pinag-introduce niya kami. Nung akin na turn, nagpalakpakan. Weh lang ha. Hindi ko na nga ginalingan yung introduction ko eh. Psh.

Tapos, tapos na! Eh!? Yun lang yun? Oh well balon, babalik pa naman kami bukas. Namiss ko na rin yung paguusap namin, pagtatawanan, as usual. Class comedian kasi ako nun. Hindi pa popular. Pero close kami noon. Nakakatawa nga minsan pagpinapatawa ko sila ng kumakain tapos biglang silang mabibilaukan sa kakatawa. Hahahaha! Naalala ko tuloy yun. Hay, nakakamiss.

Ang Boyfriend Kong Model!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon