CHAPTER 3

23 2 0
                                    

Chapter 3

*The Evil Ex*

Ariella's POV

"Pano na to? Anong gagawin natin? I mean hindi nga natin alam kung sino yun eh. Diba? H-hehehe. Kahit na! Baka ireport niya 'to sa school tapos yu-"

"Ariella, calm down. May-"

"Yung career mo pa? O diba model ka? Hala! Baka ipakalat niya na may ginawa tayo habang may girlfriend ka pa! Patay tayo! Masisi-"

"Wag kang mag alala may plano ak-"

"Masisira yung career mo tapos magseselos yung girlfriend mo-huh?"

"Sabi k-"

"Oo oo narinig ko. May plano ka nga. Eh hindi mo naman kilala yung nakakuha nung picture na yun. Hindi mo nga nakita eh. Unless.."

"Nakita ko sya, at kilala ko siya. Siya si Gaille, ex ko."

"Wait, diba girlfriend mo siya? Bakit ex na ngayon? Ba't kayo nag-break? Kailan lang?"

"Noong isang gabi lang. Kaya nakipagbreak ako sa kanya kasi obsessed na obsessed siya sakin. Nakakainis nga kasi kung makadikit parang linta. Masama pa ang ugali. Sigurado ikakalat yun sa media at gagamiting pang-blackmail sakin para magkabalikan kami."

"Ahh.. Wait, sure ka bang siya yun?"

"Err. O-oo.. Pretty sure.."

"Hmmm.. Okay.. So.. Patay na nga tayo dun. Ano nga palang plano mo?"

"Naisip ko lang kung pwede tayong gumawa ng paraan para medaling makalimutan ng media yung issue di kaya maging no big deal ito."

"Aaah, ok. So ano ngang gagawin natin? Natatakot ako kung anong mga pwedeng mangyari satin eh."

"Ang gagawin natin ay.....

Magpapanggap na in a relationship... That way, no big deal na ang picture na yun kung kumalat nga sa media, since 'tayo' na nga at break na kami ni Gaille.
I don't have any other ideas.. Ikaw? May idea ka ba?"

"M-magpapanggap na girlfriend mo ako? Para aakalain ng media at mga tao na hindi ka nagche-cheat kay Gaille at para di masira ang image mo? Para no big deal sa media at kalimutan na lang yung issue? Yun ba ibig sabihin mo?" Parang inulit ko lang ah. =___=

"Yup. Exactly. Ano may idea ka pa ba?"

"Hmm.. Sabihin nalang kaya nating accident lang yun at sabihin nalang na nag-break na kayo ni Gaille. Sabihin natin sa kanila yung totoo."

"Huh. Pwede naman. Pero ang media hindi agad naniniwala. The media don't care as long as their audiences have someone to blame. And that someone who they blame can make them more popular kung siya ang focus nila at ang issue. Isa pa si Gaille, hindi niya sasabihin sa media na break na kami. Ang sasabihin niya sa media ay nag-cheat ako sa kanya at sinaktan ko siya. Pwede niyang gawing dahilan yun para bumalik ako sa kanya for the sake of my image."

"So ang ibig-sabihin ay hindi ka tatantanan ng media hangga't sa hindi sila makahanap ng ibang dahilan sa picture na yun at hindi nila kakalimutan yun dahil mas marami ang manonood sa kanila dahil sikat ka. At si Gaille ay sasabihin na nagtwo-time ka at sinaktan mo siya na makakasira naman ng image mo. Yun ba?" Ay tinagalog ko lang ata eh. =____=

"Yup."

"Oh. Okay. So yun na nga lang ang pwedeng paraan."

"Yup. So, deal?" Like I have a choice. =___=

"Deal. Let's think this over tonight."
"Okay..

Let's start...

TOMORROW."

Ang Boyfriend Kong Model!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon