Chapter 8
*His Parents*
Ariella's POV
“Ariella… Ariella…”
“Ma! Sabado ngayon, walang pasok. Patulugin niyo naman ako..” Tinakip ko yung unan sa ulo ko.
“Hahaha. Ariella gising na..”
“Ano ba Maaaa! Ganda ng panaginip ko eh." Napangiti ako kasi naalala ko yung panaginip ko kagabi. Hehe.
"Talaga? Ano ba panaginip mo?"
"Hmm. Si Zack. Hihi."
"Haha. Napanaginipan din kita kagabi eh."
"Talaga Ma?" Napa-upo ako sa kama at tumingin ako kay Mama.
O_O
Teka..
Di to si Mama ah!
"Z-zack?! Anong ginagawa mo dito?"
"Hahaha. Kinakamusta lang naman kita. Diba ipapakilala kita sa parents ko ngayon?"
"Ay oo nga pala noh. N-nakalimutan ko eh. Haha."
"Oh, mag-almusal ka na. Dinalhan na kita ng pagkain." Nilapag ni Zack yung paper bag na dala-dala niya. Binuksan ko na at naamoy ko yung ulam. Ang bango! Ang sarap siguro nito. Nilabas ko na yung tupperware at pagtingin ko kung ano yung nasa loob...
O__O
BACON AND EGGS! ANG SARAAAAP! BREAKFAST IN BED PA! GALING KAY ZACK! YIEEHIEE. Baka magtatalon ako sa kilig sa harap ni Zack eh. Nakakahiya kaya yun.
"Wow! Ikaw nagluto?"
"Oo. Tsaka di naman yan kailangan lutuin eh. Piniprito lang. Haha."
"Hmm. Oo nga noh. Haha." Ang tanga mo Ariella! Antanga-tanga! (Buti alam mo! Hahaha.) Si author pinapamukha talaga sakin eh. Hmp.
"Oh sige kain ka na. Bababa lang muna a--"
"Ah Zack dito ka na lang muna. K-kwentuhan mo ako tungkol sa parents mo."
"Ok, sige. Um, di naman sila masyadong strikto eh, kaya di mo na kailangan matakot. Minsan medyo over-protective sila sakin. Pero alam ko naman na ginagawa nila yun for my own good, kaya I undestand kung minsan di nila binibigay sakin yung gusto ko. Palagi silang nasa trabaho pero kada-weekends o holidays may time sila para sakin. Nag-o-outing kami, picnic, mamamasyal, kumakain sa resto, shopping, mga ganun. Palagi nila akong binibigyan ng advice, at di na ako natatakot na magsabi ng mga pinag-dadaanan ko at mga secret ko sa kanila. Tinutulungan nila ako sa school works pag kailangan, at kilalang-kilala na nila ako. Mahal na mahal nila ako, damang-dama ko yun. Gusto ko ring ipadama sa kanila na pwede kong higitan yung pagmamahal na binibigay nila sakin." Habang nagkwe-kwento si Zack, eto ako kumakain. Pero hoy, nakikinig naman ako sa kanya ah!
"Wow. I-i'm speechless! Perfect parents talaga sila!" At feel na feel ko yung pagmamahal ni Zack sa parents niya the way he talks about them. Oh author ito tissue! May dugo! (Akin na! Nosebleed ako dun eh. :3)
"Hahaha. Oo nga eh. I'm thankful na ako naging anak nila. I'm so lucky dahil nagkaroon ako ng parents na gaya nila."
"Ang swerte mo talaga. Ahm, kwento mo din sakin kung ano yung type ng babae yung gusto para sayo ng parents mo."
"Hmm... Yung gusto nila para sakin ay yung hindi plastic, at hindi ako nagustuhan dahil lang sa pera."
"Lahat naman ata ng tao sa mundo ayaw ng plastic. Juice ko, kawawa na ang mother Earth sa sobrang daming kaplastikan sa mundo!"
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Model!
Teen FictionAuthor's note: Updated after 5 years wow! Buhayin natin tong cringe na story for the sake of the memories HAHAHA. This was written when I was still in elementary, ebook days lmao. Unfortunately I was never able to finish it. Comment if y'all want m...