-CHAPTER TWENTY NINE-
.
.
.
[ K I R B Y ]
.
.
.
{Countdown 4 days til' CC}
"Kirby, alas dose na. May klase ka pa sa alauna. Maghanda ka na dyan" Sabi ni Mom galing sa cr. Hinuhugasan niya yung mansanas
Nasa ospital ako ngayon. After the successful operation, Nilapat si dad sa isang private room.
"Kailan ulit yung competition niyo?"tanong ni dad sa mahinang boses
"Sa sabado po. Pero wag na kayong pumunta. Manuod nalang kayo sa facebook live. Dapat ka munang magpagaling dad" Sabi ko
"Sige..Maghanda ka na anak"
Tumayo na ako mula sa mini sofa at hinanda na yung gamit ko. Dito kase ako natulog kagabi. Bago ako pumunta dito, pumunta muna ako sa apartment para kunin ang mga gamit ko. Hindi ako pumasok sa umaga dahil late akong nagising. Plus gusto kong malaman ang kalagayan ni dad
And thank God he is fast recovering. Sa hapon na ako papasok, before 1
Tapos na akong maghanda ng gamit ko. Kakatapos ko lang maligo kanina at nakapajama ako ngayon kase ayaw kong madumihan yung uniform ko. Pumunta na ako sa cr para magbihis
"Kirby" tawag ni mama pagkalabas ko sa cr
"Po?"
"I viewed the hospital bill this morning. It's zero. Did you pay for it?Where did you get such huge amount of money?..D-dont tell me you sell your kidney!?"
"Mom, relax. Don't worry about it. Okay?"nakangiti kong sabi
Ma, My savings aren't even enough for dads medicine. Let's just say a blessing just appeared
"Kirby naman" nakabusangot na sabi ni Mom
"Okay nga lang po. Wag kayong mag-alala. And besides the help is from someone you know very well" sabi ko at kinuha yung bag ko
"Someone..I know?" Kunot noong tanong ni Mom
Ngumiti ako at tumango "Yep. Aalis na po ako!" Sabi ko at binuksan yung pinto
"Teka, Yung excuse letter mo??" Mom
"Nasa bag. Bye Mom!Bye Dad!" Pagpaalam ko at tuloyan ng umalis
.
.
.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa skwelahan. Pagkapasok ko, madaming estudyante sa paligid. Dahil lunch na
Binigay ko yung copy ng excuse letter sa guard. At dumeretso sa faculty para ebigay sa adviser ko yung isang copy ng excuse letter.
Hindi na akong nag-abalang pumunta pa sa cafeteria. Kumain na ako sa ospital. Kaya naglakad na ako papunta sa classroom. Dun ko nalang hihintayin sila Jiosh
Palapit na sana ako ng classroom namin ng namataan ko si Yore at Sol. Si Yore na nagsasalita habang si Sol na kunot noo lang na tinignan siya
Agad ko naman silang nilapitan "Hi!" Malaking ngiti kong bungad
"Ginagawa mo dito?" Yore
"Wala. Bawal ba?Tsaka ano ba ang pinaguusapan niyo?"
"Marites ka talaga. Alis ka nga. May importante kaming pinaguusapan" sabi niya at pinitik yung noo ko
"Ako na marites. Kaya ano na?Anong pinag uusapan niyo"
"It's none of your businesses shrimp!"
YOU ARE READING
SILENT [COMPLETED]
Ficção Adolescente< TAG - LISH > . . . A group of entangled music club members. Who has their own dreams but share the SAME GOAL. "It's to express themselves through music." They are aiming for the Global battle of the bands. They are a group of 9 people who...
![SILENT [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/287341933-64-k153146.jpg)