Chapter Fourteen

52 26 8
                                    

-CHAPTER FOURTEEN-

.
.
.

[Y U K I]

.
.
.

It has been 5 days since sinira ni Sol yung Harp ni Zenin

At limang araw na rin kaming walang practice, Una sa lahat dahil wala sa mood si Melissa. Ikalawa ilang araw na ring absent si Zenin at Pangatlo under repair pa yung clubroom, Pinapaayos namin

"That's all for today, Enjoy your lunch" Sabi ng guro namin sa math

Pagkatayo ng pagkatayo namin ni Jiosh ay agad na masayang sumigaw si Kirby

"Yey!Libre daw ni Gelo panget ang lunch natin ngayon!" Natatawang sabi ni Kirby at inakbayan si Gelo

Kunot noo naman siyang tinignan ni Gelo, na animo'y nagsasabing 'Sinong may sabi?Gago ka ba?'

"Nasaniban ka ata ng espsritu ni anghel Gabriel" Natatawang sabi ni Jiosh

Tumingin lang si Gelo samin at inalis ang pagkaakbay ni Kirby

"Oo na, Tara" Sabi ni Gelo at umalis na

Nagkatinginan naman kaming tatlo

"Limang araw na syang ganyan!May pacold² pang nalalaman. Akala mo naman bagay sakanya!" Nakangusong sabi ni Kirby

"Namimiss mo kabobohan niya ano?" Tukso ni Jiosh

"Hoi!Tumahimik ka nga!Nakakadiri yang panunukso mo!" Kinikilibutang sabi ni Kirby

Nagbangayan pa saglit ang dalawa at napagpasyahang sumunod na kay Gelo sa Cafeteria

Pagkarating sa Cafeteria ay agad naming nakita si Gelo na pumila

Nilapitan namin siya at sinabi ni Jiosh at Kirby ang gusto nilang kainin at naghanap na ng maupoan

Ang laki pa ng ngiti ng dalawang mokong

Sinamahan ko nalang si Gelo, Hindi niya ugali ang manlilibre, nakakataka lang. Maybe he's an impostor?

"Ikaw ba Yuki?Anong gusto mo?" Walang bahid na emosyong tanong ni Gelo

"I'll pay for everything, Tsaka nag-alala ang dalawang mokong na yun sayo, Atleast give them some heads up of what's happening to you" Sabi ko na ikinatango niya lang

Ilang minuto ang nakalipas, at finally it's our turn to order

"Dalawang chicken with spaghetti, anim na siomai at ...Anong sayo?" Tanong ko kay Gelo

"Tubig." I sigh as he answered at tumingon ulit kay aleng tindera

"Make that 3 chicken with spaghetti please" Sabi ko

"Busog ako Yuki"

"Tumahimik ka nga, limang araw palang ang lumipas, nagmumukha ka ng malnourish" pailing iling ko na sabi

"With rice ba?" Tanong ni aleng tindera

"Yung isang chicken with spaghetti is with rice, tas yung dalawa wala, Tapos yung anim na siomai with rice din po yun, Pakirami po yung chili sauce" Sagot ko

Tumango lang si Aleng tindera at sinabi ang total. Ako na yung nagbayad. I feel bad taking advantage of Gelo with his state right now. Pinauna ko na syang umupo. Sabi ko ako nalang magdala ng pagkain namin

Ilang segundo palang at nilapag na sa isang tray yung order namin. Kinuha ko na yun at-Ah!Nakalimotan ko yung drinks!Tsk. Si Kirby nalang ang uutosan ko mamaya

SILENT [COMPLETED]Where stories live. Discover now