Chapter 31

397 18 0
                                    

Matapos ang launch nila noong nakaraang linggo ay masasabi ni Irene at Meg na naging matagumpay naman ang lahat ng mga nangyare. Maganda ang naging takbo ng kanilang negosyo kahit na unang linggo palang ito. Dahil nga naging takaw medya ang launch na ito ay hanggang ngayon sila parin ang laman ng mga diyaryo at balita.

"Meg, lalabas lang muna ko sandali. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako agad."

"Okay lang tita, huwag niyo po akong aalahanin. Enjoy!" Naka-ngiting sabi ni Meg.

Hindi naman kalayuan ang lugar na napili kong pagmeetingan kaya naman sandali lang ay nandito na kami. Agad naman kaming inassit ng mga waiter ng restaurant patungo sa isang private room kung saan kami lng ang tao.

"Bakit parang bigla atang nag-bago ang isip mo?"

"Attorney, gusto ko munang mag-isip. Gusto ko na muannag patahimikin ang pamilya ko."

"Sigurado ka na ba diyan? Hindi naman kaya tinaakot ka ni Greggy?"

"Nako attorney, hindi po. Sarili ko pong desisyon to. Tsaka kung magbabago naman po ang isip ko pwede ko parin naman po silang sampahn ng kaso hindi ppo ba?"

"Oo, pero depende parn."

"Basta attorey, ihinto niyo na po ang lahat ng kaso bigyan niyo lang po ako ng isang buwan para mag-isip kung iaatras o itutuloy ko pa."

"Labag ito sa kalooban ko ngunit wala naman akong maggawa kung ayaw mo na munang ituloy ang kaso kaya, sige bukas na bukas din aalisin ko agad ang mga isinampa nating kaso sa kanila."

"Salamat attorney." Nakgiting sabi ni Irene.

"Sige, mauuna na''ko."

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na, may next meeting parin naman ako." Sabi nito tsaka na umalis.

Dahil nga naka-order na si Irene ng pagkain ay kumain nalang siya nang bahagya at naisipan na tumungo nalang muna ulit ng simabahan. Sa di nanaman inaasahang pagkakataon ay muli niyang natanaw si Greggy na naka-upo sa isang bench malapit sa puno. Hindi na sana siya tutuloy ngunit naisip naman niya na hindi naman din si Greggy ang pinunta niya dito kundi si Amelia.

Nang matanaw siyang papalapit ni Greggy ay ngumiti lang ito sa kanya at sinuklian niya lang din ito ng ngiti hanggang sa maka-upo siya sa tabi ni Irene.

"Inatras ko na." Naka-yukong sabi ni Irene.

Agad namang napa-tingin sa kanya si Greggy dahil sa pagka-gulat nito.

"Sa loob ng tatlong buwan, kapag hindi mo nagawa ang mga plano mo... pasensyahan nalang tayo."

"Naiintindihan ko." Sagot ni Greggy.

Sandali lang silang namuni-muni dito hanggang sa tumunog na ang telepono ni Greggy at tumatawag na pala si Lilly.

"Kailangan ko nang umalis." Paalam ni Greggy.

Tumango lang naman si Irene bilang sagot dito at tinanaw niya nalang ito hanggang sa maka-layo na ang sasakyan ni Greggy.

Kung hindi pa nagdilim ay hindi pa niya maiisipang umuwi.

"Kaninong sasakyan to?" Tanong ni Irene sa kanyang sarili nang may naka-harang na sasakyan sa kanyang driveway.

Nang siya'y bumusina ay agad din namang lumabas si Meg at kasunod nito si Miggy.

Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon