Chapter 3

3 0 0
                                    

Total

"Kung hindi mo nilayo sakin ang anak ko hindi mangyayari to, dahil to sa kapabayaan mo at ng asawa mo!" kumurap ako sa namamaos na sigaw ni papa.

"Huh?! Ako pa ang may kasalanan? Kung sana naging mabuti kang ama kay Sol, edi sana hindi ganito. Hindi mangyayari to?!" frustrated na sagot ni Mama.

"Sino ba naghanap ng iba?-"

"Dahil wala kang kwentang ama! Iniwan ka namin dahil yun ka, Puro ka sugal! Pinili mong magsugal kesa alagaan kami!"

"Ang totoo ay hindi ka marunong makuntento! Hindi ako nagsusugal para sa sarili ko kung hindi para satin. Ang problema mo kase Vivien mataas ang pangarap mo! Gusto mo mayaman ka agad eh."

Tumawang sarkastiko si Mama, umangat ang parehong kilay ko.

"Nagsalita ang swapang sa pera, na bukod sa nangungutang na sa iba nagawa pang mangupit sa sariling asawa! Pwe ka Robert, Pwe ka!"

"Hindi ako pwet!" singhal ni papa.

Muntik akong matawa dahil sa sinagot nya. Nakapandekwatro lang ako sa harap nila habang palipat lipat ang tingin ko sa pagbabangayan nila. Kung sinong unang mananahimik o wala ng pangbala dun ako hindi sasama.

Kaso lang ay hindi na muling nakasagot si Mama. Gigil na gigil na lang ang mukha nito. Namumula sa galit at pagtitimpi sa dating asawa. Sa oras na to alam kong gusto nya ng sampalin si Papa.

"Kumalma po tayo, nandito po tayo para pagusapan ang problema ng anak nyo at hindi problema nyo." mataray na nagbaba ng tingin si Dean Rosanna mula sa makapal na salamin nya.

Napatango tango ako. Na syang pagsama ng tingin nya sakin.

"Muntik ng sunugin ng anak nyo ang buong school premises. Bukod dun mayroon ding mga mahahalagang papeles na sinunog ang anak nyo sa faculty room kung saan nakalagay ang lahat ng docs. Kahit computers ay nasunog-"

"Ano? Teka? Exag ka naman yata masyado!?" Walang galang kong sabat. "Anong pinagsasasabi mo? Eh basurahan lang ng mga kinuyumos na papel ang nasunog ko na agad ko namang pinatay ng fire extinguisher? Ano to lokohan?"

"Ms. Natividad!" humampas ito sa desk nya.

"Misis. Rosanna! Ke tanda tanda nyo na nagsisinungaling pa kayo? Kaya walang stockholders na gustong sponsoran tong school natin kase korap kayo eh!" pinandilatan nya ako ng mata, matapos kong humampas din sa desk nya.

"We have proofs that you almost burn this school. Me as an owner of this? Accusing me of lying?"

Umatras ang mukha ko. "Im not accusing you of lying, Im accusing you of corrupting. Oppurtunist!"

"You!" tumayo syang labas ang litid.

Tapos maya maya ay napahawak sa pusong parang naghihingalo at hirap makahinga. Imbes na mabothered ay pinagkrusan ko lang sya ng balikat. Actress na Actress pwedeng pang grammy ang drama nito.

"Sol, Ano ka ba?!" Siniringan ko si Mama. "Lumabas ka na nga muna dito, at pinapasakit mo lang lalo ang ulo ko. Katulad ng ama mong hindi ko naman inimbitahan dito." umirap sya sa kaaway.

Agad na nagsalubong ang parehong kilay naman nung isa.

"Ano kamo?" handa ng makipagbangayang muling ani nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet Me At The EclipséWhere stories live. Discover now