Chapter 2:

8 0 0
                                    

"Miss! okay ka lang?" tanong ni Kean.

"Uh? Ah? Oo naman ayos ako noh." Sabay hawak sa ulo. Ang sakit, anong klaseng poste to! Pero teka, ano ba ginagawa ko dito? Bat ako nakaupo? Sino tong lalakeng to? Ay sh*t! Si Kean!

Nakatitig siya sa akin mata kung sa mata. Ang bango niya grabe! Gusto kong yakapin chance na ito! Love of my life payakap nga! Pero teka! Si Kean to. Hello? Wait! Hindi ko alam anong gagawin ko feel ko pula-pulang na talaga ang pisngi ko, tumataas ang daloy ng dugo ko. Baka may highblood na yata ako. Teka teka...

OMG. Sa sobra kong ninerbyos, natulak ko tuloy siya ng malakas na hindi ko sinasadya.

"Aray! Para saan yon?!" pasigaw na sinabi ni Kean.

"Eh bakit kasi ang lapit mo talaga sa akin. Alam mo naman nakakaduling talaga kapag malapitan eh." Ang matinding kong defense mechanism ko pero deep inside kinikilig. Harot.

"Miss, tinulungan lang po kita kasi parang nawala ka sa sarili mo at nabangga ka jan sa poste." Patawang sinasabi ni Kean. At syempre bumak-up rin tong dalawang magkamabal na sina Ged and Geo. Itong kambal naman ay walang magawa kundi pumorma sa mga bagong transferee syempre sa mga babae. Tingin doon tingin jan.

What?! Ay oo . Sh*t pinagpyepyestahan ko pala siya kanina. Hot niya kasi, I can't resist it no more! Hindi na ako lumingon at nafefeel ko na ang roasted cheeks ko. The struggle is real.

*RINGGGGGGGG*

Naku patay na ako kay Carol nito.

"Hello? Carol? Nasaan kana? Papunta na ako. Wait for me."

"Oo, yang papunta mo. Umayos ka! Nasaan kana? Kanina pa ako nalulumot dito."

Hindi na akala naantala lumingon pa sa love of my life ko. Baka mag breakdown na ako sa sobrang kilig at baka hindi na ako papasok nito. Yes medyo harot pero true!

"Oy! Miss may naiwan ka. Hoy!" sigaw ni Kean.

Cause I runawaaaaaay..

FIRST PERIOD OF CLASS

Pareho kaming schedule ni Carol syempre kasi parehong kaming kurso. So kung saan siya, nandoon lang din ako. Kaya kung late ako, late din siya. Yan ang besties goals!

"Langhiya kang Jaz. Pinapahintay mo ako dito. Ilang taon pa ang idadaan bago pa tayo magkita?" tanong ni Carol habang inaayos ang sarili bago pumasok nang classroom.

"Pasensya kana talaga bestie uh. Nagutom ako kaya kumain saglit" ang bongga kong excuse.

"Ay, Oo nga pala Carol. Doon tayo sa likod, alam mo naman ayaw ko sa harap diba? Alam mo na shy type ako."

Over reason na talaga ako nito. Eh sa totoo lang ayaw ko sa harap, ang hirap na kasi hindi ako maka day dream kay Kean eh.

"Ayoko, alam mo naman kung gaano ka importante sa akin ito diba? Kung gusto mo doon ka sa likod, basta dito ako sa harap. Okay?" paliwanag ni Carol.

You & Me in reverie (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon