Nagising ako sa pinong halik na ginagawa ni Phoebian. Napaungol ako dahil sa kiliti dulot ng paghalik niya. Pagdilat ko ay nakatunghay na siya sakin. Nakatukod ang kanyang braso at malaya niya akong pinagmamasdan.
"Hi sleeping beauty."
Parehas na kaming may damit. Yung damit ko kanina ay yun din ang suot ko ngayon. Napansin ko rin na parang hindi na lumilipad ang jet niya. Nandito na yata kami.
"Nandito na ba tayo?" Mangha kong tanong.
Pininat niya ang noo ko at marahan niyang tinapik ang tungki ng ulong ko gamit ang kanyang hintuturo. "Yup. As much as I love to watch you sleep, I still have a lot of things to do. We're going to have our first tour in Paris tomorrow morning and we're going to get ready for the fashion week."
Siya siguro ang nag-ayos sa akin dahil kompleto ang suot ko. Dalawang beses naming ginawa 'yun' at nakatulog ako. Hindi ko na alam ang nangyari dahil tulog na ako. Nakabihis na rin siya. Siguro ay pinagmasdan niya lang ako habang tulog ako hanggang sa makababa na ang Phoebian air.
Inayos ko ang gusot ng shirt na suot ko. Ang bodyguard ni Phoebian ang nag-ayos sa luggages namin. Pagbaba namin ng jet ay may nakaabang na agad na black and gold Cadillac. Inalalayan ako ni Phoebian na bumaba. Pinagbuksan kami ng bodyguard niya ng pinto para makapasok kami sa loob ng sasakyan.
Dumiritso agad kami sa hotel. Isang kwarto lang ang kinuha ni Phoebian. Iniwan niya muna ako saglit sa loob ng hotel dahil meeting siya sa isang investor. Walang naging problema sakin sa pag-iwan niya. Pinadalhan niya ako ng pagkain sa loob ng kwarto namin. Habang wala siya ay inabala ko ang sarili ko. Kinuha ko ang camera ko at kinunan ang Eiffel tower. Napangiti ako at para akong batang kinikilig sa saya. Hindi ko makakalimutan itong araw na'to.
Madaming beses kong kinunan ang Eiffel tower, iba't-ibang anggulo. Kinunan ko din ang sarili ko gamit ang cellphone ko. Maganda naman ang camera ko dahil bagong labas lang ito ngayong taon at kabibili ko lang.
Pagkatapos ko sa labas sa may balcony ay bumalik ulit ako sa kama at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko inubos ang wine. Iniwan ko lang muna ang pagkain saka ako naligo. Bathrobe lang ang suot ko paglabas ko. May hair dryer sa loob ng banyo. Pakiramdam ko ay hinanda na lahat ito Phoebian dahil may hygiene products na sa loob ng banyo. Mayroon sa kanya at mayroon din sakin.
Lumapit ako sa isang luggage. Hindi ko matukoy kung alin sa akin dito dahil anim na Louis Vuitton luggages ang nakahalira dito sa hotel room namin. Lahat ay sinilip ko para malaman ko kung alin sa kanila ang gamit ko. Nang mahanap ko ang damit pambabae ay pinahiga ko sa sahig ang luggage na nabuksan ko at naghanap ng masusuot. Mabuti nalang at mayroon akong nakitang jeans at manipis na tank, pinaibabawan ko lang ng sweetheart shirt dahil malamig ang klima.
Nahiga ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko. Hinila ako ng antok at hindi ako nagpapigil. Paggising ko ay katabi ko na si Phoebian. Kinapa ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Nakabihis na siya ng pantulog. Pumikit ulit ako at nagpasyang matulog ulit kahit gusto kong gisingin si Phoebian kung anong oras na siya bumalik.
Kinaumagahan ay ginising niya ako agad dahil kailangan na naming maghanda para sa event na pupuntahan namin. Katapos agad ng breakfast namin ay nagpapasok siya ng ilang hairstylist, makeup artist, at yung tutulong para bihisan kami. Hindi ako komportable na may ibang nanunuod saking nagbibihis kahit pa na babae. Si Phoebian ang unang nagbihis dahil inayusan pa ako.
Para akong batang sunod-sunuran. Tulala ako hanggang sa matapos akong ayusin.
"You look gorgeous."
Sinipat ko ng tingin si Phoebian. Mukhang handa na siyang umalis dahil ready na siya sa ayos niya. Naka-suit lang siya. Parang pan-opisina lang niya pero iba ang dating niya kumpara sa pan-opisina niyang damit. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok, nasa gilid ang linya at makintab tignan ang kanyang buhok dahil sa wax. May suot din siyang dalawang singsing sa kanang kamay at isa sa kaliwa.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...