Chapter 2: Hankie

2 1 0
                                    

CERISE'S POV:

Hayssss nakakapagod pala talaga ang trabaho rito...

"Oh CC, okay ka lang?"

Napatingin naman ako sa nagsalita, si Elooise pala kasamahan ko lang rin rito sa department namin. At baka nagtataka kayo kung sinong CC tinutukoy niya, ako yun kesyo daw Clementine Cerise in short CC nalang.

"Ah oo naman, medyo napagod lang."

Matamlay ko namang sagot sa kaniya habang nakahilata sa swivel chair ko.

"Nako kulang pa iyan CC tsaka masasanay ka rin niyan."

Sabi naman niya at bahagyang tumawa, napabuntong hininga nalang ako at pumikit muna, tapos bigla nalang parang bumalik yung nangyari kanina, juskooo nakakahiya!!! Pero in fairness ah ang gwapo ng life saver ko ahehehe. Trabahante rin kaya yun rito?

"Hoy CC anong nginingiti mo jan?"

Napamulat naman ulit ako ng marinig si Elooise, ano? Nakangiti na pala ako? Ackkkk ano ba Cerise nakakahiya kana masiyado.

"A-ah may naisip lang hehe." Tanging sagot ko nalang at umayos na ng upo.

"Nako nako baka iba na yan ah." Pambibiro naman niya.

"Ano namang kakaiba dun El?" Natatawang tanong ko naman, wag pahalata mga mars.

"Yung ngiting parang kinikilig nakooo alam ko nayan CC kala mo ah."

Luhh talagang alam niya nga noh? Pero syempre dapat galingan nating magpanggap.

"Huh? Kinikilig ka jan? Nasa isip mo lang yan, tigil tigilan mo'ko El." Sabi ko at umiling iling pa.

"Hmm basta magkwento ka sa'kin ah pag ano..." Bitin naman niyang sabi, na curious tuloy ako.

"Pag ano?"

"Pag may nagpapakilig na sa'yo!" Sagot niya at parang naging bulate sa inuupuan niya.

Napatampal naman ako sa mukha ko ng wala sa oras. Jusmeyo 'tong babaeng 'to!

"Gaga ka El magtrabaho kana nga jan!"

Singhal ko nalang sa kaniya, tapos yung gaga ayon tumawa nalang hayyss kalokang babae namawis ako dun ah. Kinapa ko naman ang aking bulsa upang kunin ang hankie ko, pero ganun nalang ang pagtataka ko ng wala akong makapa, teka nahulog ko ba yun??! Favorite hankie ko yun! San ko kaya yun nahulog?! Ay ampotek naman kasi Cerise kung sanang gumising ka ng maaga siguro hindi yun nahulog sa pagmamadali mo kanina!

Pero buti nalang di ako pinagalitan ng head ng department namin hehe pinagsabihan lang ako na dapat raw di na yun mauulit, laking pasasalamat ko naman dun kay boss Vince na good mood kanina huhu tenkyuuu.

Pero balik tayo sa hankie ko sa'n ko nga ba nahulog yun? Balikan ko kaya yung dinaanan ko kanina total tapos naman na'ko sa pinapagawa ni boss Vince? Sana andun pa yun.

Lumabas na'ko ng opisina namin at naglakad na papunta dun sa hagdanan na dinaanan ko kanina, sana hindi tinapon nung nakakita sa hankie ko, kung meron man. Regalo yun ni papa ko eh pinagawa niya para lang talaga sa'kin, tsaka yun nalang din yung ala-alang natira ko kay papa hayss.

"Nasaan na kaya yun?" Mahinang tanong ko naman sa sarili habang tumitingin tingin sa dinaraanan ko.

"Bullshvt!" Napahinto naman ako ng marinig yung boses ng isang lalaki.

Siguro nasa baba yun ako naman narito sa likod ng dingding, nasa paselyo na kasi ako.

"Damnit! So nonsense!" Rinig ko ulit. Pero parang familiar yung boses. Parang yung lalaki kanina? Makikinig nga ulit baka may sasabihin pa.

Stuck Between Love, Life and DeathWhere stories live. Discover now