Maagang umalis si Aeli sa bahay nila upang pumasok sa klase. Naisip niya kasing baka bumalik siya sa grade 8 kung absent siya ngayon. Halos hindi na kasi siya nakapasok sa klase kahapon dahil nga naglipat siya ng gamit sa bahay nila AcePalundag-lundag pa siyang naglalakad sa entrada ng paaralan ngunit natigilan siya nang mapansing nakatingin sa kaniya ang mga estudyanteng naroom at nagbubulungan pa ang iba.
'May dumi ba 'ko sa mukha? Luh!'
"Baka naman Maid siya roon, hahaha!" Dinid niyang wika ng isang babae
"Baka naman sex slave, grabe. Ang bata-bata." Sabi naman ng isa
'Ano bang sinasabi ng mga 'to?'
"Look who's here." Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses.
It's Kim Altheiz talking.
"Sino bang nandito?" Tanong naman ni Aeli. Natawa si Kim at any dalawang babaeng kasama nito
"Fool. I really don't know kung paano ka umabot ng second year high school and to the big deal, how come na nakapasok ka sa paaralang 'to?" Pang iinsulto ni Kim.
Ngumiti si Aeli at tumingin sa kaniyang likuran sabay itinuro ang malaking gate ng paaralan sa 'di kalayuan.
"Nakapasok ako kasi dumaan ako sa pinto." Sagot ni Aeli habang nakangiti.
Natawa rin ang ibang estudyanteng nakarinig sa sagot niya ngunit nainis naman lalo si Kim
Lumapit si Kim kay Aeli at ngumisi
"Itatak mo sa kokote mo..." Dinuro-duro nito ang kanyang noo "Kahit magkasama pa kayo ni Ace, akin pa rin siya. Hindi nababagay ang hampaslupa at bobong katulad mo kay Ace. Keep that in your foolish mind!" Itinulak ni Kim si Aeli dahilan upang sumalampak ito sa sahig
'Hindi ka kasi lumalaban kaya lalo lang pinag-iinitan!'
'Hinahayaan mo kasing kayan-kayanin ka nila.'
'Lumaban ka!'
Napahinga nang malalim si Aeli at buong lakas na tumayo at hinarap si Kim
'Tama. Kapag hindi ka marunong lumaban, lalo kang pag-iinitan.'
Humugot siya ng hininga at handa na sanang mag salita nang may humila sa kanya
"What are you doing?" Tanong ni Ace. "Nagkakalat ka na naman ng katangahan." Dagdag ni Ace at saka siya patulak na binitawan
"Hindi 'no. Siya iyong nauna e. Itinulak niya ako." Sagot ni Aeli ngunit walant naging reaksyon si Ace
"Whenever you're involved, I know it's always your fault, Dumb Lady. Know your fucking place inside this school." Malamig na sabi ni Ace at saka bunaling kay Kim
"Let's go to the classroom. If you see that girl, ignore her. She's a trash." Sabi ni Ace kay Kim habang nakatingin sa kanya at saka naglakad palayo
Tiningnan ni Kim si Aeli mula ulo hanggang paa at saka nag ngiting tagumpay bago tuluyang umalis kasama ang dalawa nitong alipores.
BINABASA MO ANG
(Chasing Series 1)Love Me Like I Do
RomanceA lowest rank below average and a clumsy slow girl. The cold blooded school's pride and highest rank student. What will happen if the one in the top meets the one in the bottom Will she change and give color to his dark world? Or she'll never have...