CHAPTER 2

16 14 0
                                    


Napailing si Via nang marinig ang kwento ni Aeli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napailing si Via nang marinig ang kwento ni Aeli. Kasalukuyan silang nakaupo sa bench ng field habang nanonood sa nagbabasketball na mga estudyante galing sa class 1- 8

'Tss, I don't really know why the heck she likes that freaking guy. Dami-daming lalaki e pwede namang si Jake? Sinong tanga ba naman kasi ang magkakagusto sa lalaking 'yon? Walang pake sa mundo, eww! And definitely, tanga si Aeli kaya ayon, magugustuhan niya talaga ang Ace na 'yon'

"Bakit hindi ka na lang mag move on, Aeli. 2 years ka nang nagkakagusto riyan kay Ace wala namang progress." Malungkot na ani Jean

"Alam ko na, Girl. Why don't you confess na muna? And then kapag nireject ka niya, mag move on ka na. At least you have stronger reason para mag move on kasi nasaktan ka na niya." Sabi ni Via at saka sinipsip ang kakaunting laman na lang ng watermelon flavored milktea niya

Napaisip si Aeli

'Oo nga 'no? Kailangan ko nang umamin!'

Napangiti isya nang malawak.

"Paano naman ako aamin sa kanya?" Tanong niya

"Alam ko na!" Malakas na sabi nya at saka tiningnan ang dalawang kaibigan. "Isu-surprise ko siya. Mag dedate kami? With roses?" Suhestiyon niya. Ngunit halata naman sa mukha ng mga kaibigan na ayaw nito sa naiisip niya

"Err—that's a no for me, girl" ani Via

"Sa 'kin din, Aeli. Ganito na lang, magsulat ka ng letter for him tapos ibigay mo sa kanya." Sabad naman ni Jean

"Yes! That'll work. Alam ko naman na hindi ka magcoconfess nang harap-harapan so love letter will do!" Masayang wika naman ni Via at sumimsim sa ubos nang milktea

"I'll go first, Jean, Aeli? Bibili lang ako ng milktea and then kitakits na lang sa next class, mwa!" Mabilis na tumayo si Via at naglakad palayo.

"Anong flavor naman kaya ang iinumin niya?" Tanong ni Aeli. Hinawakan siya ni Jean sa ulo at nginitian

"Hindi dapat 'yan ang isipin mo, girl. Start writing your letter for him now. I'll give you alone time, bye!" Napanguso siya nang nakangiting umalis si Jean


"Iniwan na nila 'ko." Nakapangalumbabang sabi niya habang nakatukod ang siko sa sariling hita

"Kailangan ko ng pink na papel, hehe." Pagkausap niya sa sarili. Tumayo siya at saka ngumiti nang malawak ngunit agad ding napawi iyon nang makita niya ang bila ng basketball na papalit sa kanyang mukha

(Chasing Series 1)Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon