CHAPTER 7

3 2 0
                                    

Maagang gumising si Aeli para muling mag prepare ng breakfast para kay Ace kaya naman nang bumaba ito ay agad niyang iniabot dito ang inihandang breakfast

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maagang gumising si Aeli para muling mag prepare ng breakfast para kay Ace kaya naman nang bumaba ito ay agad niyang iniabot dito ang inihandang breakfast. Tulad nang nakaraan ay handa na rin itong pumasok

Hindi siya pinansin ni Ace at dere-deretso itong naglakad palabas ng bahay

Napanguso siya "Hindi niya ba ako nakikita? Hindi naman ako multo, ah?!" Mabilis siyang sumunod dito palabas ar sumabay sa paglalakad

"Morning!" Bati niya rito ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin

"Don't follow me." Utos ni Ace ngunit ngumiti lang siya

"Hindi naman kita sinusundan, dito ang daan sa school." Sagot niya. Sandali itont huminto at tumingin sa kaniya

"Then don't come near me." Wika nito at saka muling naglakad

"Hindi kaya hindi niya nabasa iyong love letter ko? O kaya nabasa niya kaya siya umiiwas?! Waaa?!" Nagulantang siya sa kanyang sinabi kaya naman agad siyang sumunod dito ulit. Nang mapansin siya ni Ace ay tila nainis ito lalo at binilisan pa ang paglalakad. Habol naman siya nang habol dito



















"What?! Iniwasan ka niya?" Gulat na tanong ni Jean

"Oo e. Pero okay lang 'yon, hehehez!" Sagot ni Aeli

"I don't really know, Girl. Kung anong nagustuhan mo sa lalaking 'yan—I mean... Look at him! Bukod sa gwapo at matalino, wala nang kagusto-gusto sa kaniya. Marami namang iba riyan na complete package na." Reklamo ni Via and then she sip her milk tea

"Hindi perfect package na lalaki ang kailangan ko, Via. Ang gusto ko, Si Ace." Mahinahong sagot ni Aeli.

"Basta! I don't like him for you. Pakiramdam ko sasaktan ka lang niya." Sagot ni Via at saka umirap

"So what's your next move?" Tanong naman ni Jean at saka sinarado ang librong kanyang binabasa.

"Edi ganoon pa rin. Mananatiling gagawin ang lahat para kay Ace, hehehe." Sagot ni Aeli kasabay ng pag ring ng bell

"Siya, girl. Let's go na sa room natin." Aya ni Via

"Martyr." Comento ni Jean at saka tumawa


----

"Okay, class. Today we have an acting teacher. I am attending some meating today so I won't be able to teach you kaya naman may sub akong kinuha." Paliwanag ng teacher sa harap at saka ngumiti

"Please, welcome our sub teacher. Ace Larkin." Dagdag ng guro. Seryoso namang pumasok sa kuwarto ang lalaki.

Maririnig ang impit na tili ng mga babae at sumisigaw naman ng

"Idol!"

"'yon, wala si Ma'am!"

Ang mga lalaki.

Saglit na nag-usap ang guro at si Ace sa may pinto bago tuluyang umalis ang guro.

Bunalik agad si Ace sa platform

"Today, Our topic is about the branches of mathematics." Panimula ni Ace. Nagkatinginan sina Via, Jean at Aeli kahit na nasa magkakalayong upuan sila

"What are the seven branches of mathematics, Ms. Young?" Tanong ni Ace. Kalmadong tumayo si Jean at ngumiti

"The seven branches of mathematics are Alegbra, Geometry, Arithmetic, Topology, Combinatorics, Mathematical Analysis and Number Theory." Sagot ni Jean at ngumiti. Agad na nagpalakpakan ang mga kaklase nila

"Define Geometry, Miss Lilac." Ani Ace habang nakatingin sa seat plan

Walang tumayo at may nag sabi naman na absent daw ang tinawag na Apelyido.

"What is Geometry... Ael— Miss Relucio." Agad na kinabahan si Aeli nang tawagin siya. Pakiramdam niya tulot ay tumitibok ang utak niya sa sobrang kaba

Marahan siyang tumayo at pilit na ngumiti

"Ah... Uhmmm.... Branch ng math?" Patanong na sagot ni Aeli kaya't natawa naman ang mga classmate niya. Napapikit naman si Via ar agad na nagsulat sa papel. Pasimple niyang sinitsitan si Aeli at pinakita ang sinulat niya

DEFINE!

"Mali pala, Geometry is Define." Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng classroom. Napayuko naman si Aeli at napapikit lalo si Via

'Omygash saan ba lumilipad ang utak nito ni Aeli?!'

"Sitdown." Ani Ace at saka tumikhim "Don't forget to bring your brain next time." Dagdag nito kaya't lalong nagtawanan ang mga estudyante

"Quite."

"Anyone, define Geometry."

Agad na tumayo si Via na masama ang tingin kay Ace

'You're picking on my best friend, huh?'

"Geometry is a branch of mathematics concerned with the properties and relations of points, lines, surfaces, solids, and higher dimensional analogs po, Sir !" Idiniin pa ni Via ang huling salita at saka naupo ulit

"Good." Komento ni Ace at tumingin sa kaniyang relo. "Bring out your notes and copy this." A nito at humarao sa whiteboard para magsulat

Maya-maya pa'y napansin ni Ace na tila bumubulong si Aeli at nakita niyang nakikipag daldalan ito sa lalaking nasa likod nito

"Quite." Aniya ngunit parang walang narinig ang dalawa

"Miss Relucio!" Nagbabantang tawag niya rito

"Hala, bakit?—po. Bakit po, Sir?" Tanong ni Aeli

"Come with me." Sagot niya at saka lumabas. Mabilis namang tumayo si Aeli at naglakad din palabas

Tiningnan pa siya ni Via na tila ba sinasabing magiingat siya sa lalaki.






Habang nag hihintay si Ace sa labas ng classroom ay tumingin siya sa relo niya

'Ang kupad lumakad.' Inis na naiya sa kanyang isip.

"Bakit?" Nakangiting tanong ni Aeli. Nainis tuloy siya

"You don't know the definition of Geometry yet you're being talkative inside my class." Dere-deretsong aniya.

"Eh kasi hinihila niya ang buhok ko." Dahilan ni Aeli

"Who's he?" Tanong niya ulit

"Iyong kadaldalan ko." Sagot ulit ni Aeli habang nakangiti sa kanya

"His name?" Tanong niya ulit. Kumunot tuloy ang noo ni Aeli

"May sit plan ka hindi ba? Bakit hindi mo roon tingnan?" Suhestiyon nito kaya't lalo siyang nainis

Isinandal niya ito sa pader at sala hinapas ang gilid niyon kaya naman nagulat si Aeli at kinabahan. Akala niya kasi ay siya ang hahampasin nito

"Who... Is... He?!" Inis na tanong ni Ace

"S-si—waaa! Hindi ko kilala! Hindi ko kabisado ang pangalan ng kaklase ko!" Naiiyak na sagot ni Aeli. Dumistansya naman si Ace agad

"Go back to the room. Tell them to dismiss." Sagot ni Ace

Nakanguso namang bumalik si Aeli sa room "Tapos na raw ang klase." Imporma ni Aeli sa lahat habang nagkakagulo ang mga ito. Natigilan tuloy at napatingin sa kaniya. Maya-maya pa ay kanya-kanyang tayo ang mga ito habang may masasayang komento sa maagang pagtatapos ng klase

'Bakit niya naman tinapos ang klase? Yari siya kay, Ma'am bukas.'

(Chasing Series 1)Love Me Like I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon