My bestfriend is a player
Chapter 2
“Ayokong pakasal sa bruhang ‘yan!” sigaw ni Jeboy sa mga magulang niya. At grabe kung maka-asta ha, porket gwapo..
“At anong ibig sabihin niyan? Ayoko ring magpakasal sa’yo pero grabe ka kung magsalita, wala pa ngang kasalang nagaganap, eh adamant ka na.” naiinis kong sabi sa kanya. Grabe talaga, akala mo kung sino.
“What does that mean..you want to marry me?”
Nag-iba ang mukha ko. “EEw! Huwag ka ngang mag-joke. Masyadong mais. ”
“Harhar”
Nagsalita si Tita Tessie. “Mga nak, hindi naman kayo agad-agad na magpapakasal eh, bali kumbaga engaged lang kayo at pag graduate ninyo ng college, saka na kayo bubuo ng pamilya— ”
“NO WAY!” sabay naming sigaw ni Jeboy. Then, sabay kaming nagsalita.
“Alam niyo ba kung gaano ako magiging miserable habang-buhay kung siya ang makakatuluyan ko, sa dami na ng nalasahan niyang mga babae at napakbabaero pa at ano na lang ang kahahantungan ng buhay ko—” “Napakamanang ng surot na ‘to, tingnan niyo nga ang hitsura na mukha pa lang parang basahan na, ano na lang ang sasabihin ng mga anak ko na hindi ako pumili ng magandang asawa na magiging lahi ko—”
“STOP!” tigil sa amin ng daddy ko. “Okey ba sa inyo na maging engaged kayo pero when both of you, Mikka—turns twenty ang Jeboy turns,shall we say, twenty-two, you decide kung okey sa inyo arrangement na ‘to and if ever hindi niyo pa rin gusto…well, you can call the sorry wedding off.” Daddy smiled. “How’s that, darling? Jeb?”
Napatahimik kaming dalawa ni Jeboy. Kunsa ganyan, it was really reasonable and we can always change our minds. It doesn’t mean that if we’re engaged, we’re committed to each other. We’re not exclusive. “Okay”
Tumayo at nagprotesta si Jeboy. Humarap siya sa akin at ang expression niya ay parang trinaydor ko siya. “Pumapayag ka sa gusto nila?!”
Hinila ko siya sa pinakasulok ng silid, malayo sa naririnig ng magulang namin. “Don’t you understand? This compromise is perfect. Hindi na tayo i-pepester ng dad ko at parents mo, then when we turn—me,20 and you,22, we can break it off. It’s that simple.” Nagsmile ako.
“Oh.”
“Oh,oh ka diyan. It’s not like exclusive tayo diba? Isipin mo na lang, magpakasal tayo, nakakita ka na ba ng mas nakakailang na sitwasyon?”
“At pag nasa wedding night…” Yung expression niya,parang gusting sumuka. “Para akong nakikipag-ganun sa sariling kapatid ko.”
“Yan lang ba talaga ang iniisip mo? Salawahan ka talaga. Sobra.”
“haha”
“So,okey na tayo?” Ngiti naman ako. Ano ba ‘to, bakit dapat na ako nakasmile parati ako? Nagmumukha na akong baliw.
“Bahala ka.”
“Bakit kasi intsik ang pamilya mo, ‘yan tuloy, andito tayo sa sitwasyong ito.”
Kinurot niya aking ilong. “Aray!”
“Baka nakakalimutan mong may lahing intsik ka rin?”
“Mas halata naman sayo, eh!”
“Ano ba? Itutuloy pa ba natin ‘to o hindi?”
Humarap kami sa parents naming. “OKAY na! Payag na kami!” At ngumiti akong palihim kay Jeboy at siya sa akin, ngunit hindi namin alam na ngumiti ring palihim ang aming mga magulang sa isa’t-isa.
