Nanunuod ako ng iba't-ibang show tulad ng Kris TV, The Bottomline, Gandang Gabi Vice, Rated K, Kapuso mo Jessica Sojo, Call me Papa Jack at isang di ko alam yung title basta yung endorser sa Chicharon ni Mang Juan yung host. Hahaha. Basta yun. And also nga pala, nakikinig rin ako kay Papa Jack at DJ Chacha sa mga segment nila sa radyo minsan. Kaya naisip ko, gagawa rin ako ng storya tungkol sa mga taong ganoon ang propesyon. :)
Title: Ang on-aired-camera kong pag-ibig
Genre: Romance, Non-fiction
Audience: R-18 (hahaha! Wala. Trip ko lang)Desire Madrona and Cedoserio Matthews are both TV and Radio personalities, respectively. And both of them are the best of friends that also happens to be friends with benefits.
Ced have always been in love with Desire that's why he also greets and says I-love-yous to her in his radio show. Marami nga sa kanyang listeners ang umaasang magiging sila ni Desire dahil bagay at parang in love raw sila sa isa't-isa kung titingnan. Ginagatungan nga rin nya ang mga ganoong tukso sa pag-asang maging totoo ang mga ito. But he knew better. She did not even let him confess to her because she wants to feel she could return the feeling that he will confess to her. And that is a reason enough for him to wait.
Desire on the other hand is a travelling TV host. Para itong isang tourist brochure in audio and visual presentation. Dahil sa trabaho nya, madalas silang di magkita ni Ced kaya binabati nya ito minsan sa kanyang show. Kapag libre naman ang binatang magliwaliw, dinadalaw-dalaw rin siya nito sa set ng trabaho nya at kung minsang tinotopak ang direktor nila, ginagawa rin itong guest host ng show niya. 'They look good together on and off-cam' naman daw kaya okay lang sa kanya. Tinutukso nga sila na magpakasal na dahil mahal na mahal daw nila ang isa't-isa kung magtinginan. Pero alam naman niyang magiging totoo lang yun kapag nasa kama sila. Hindi nga niya pinatuloy ang sasabihin ni Ced nung nagtangka itong magtapat sa kanya dahil she knew in herself that she just feel lust when he is with her, she does not want him to have feelings for her na di pa niya matutugunan emotionally and most especially, she does not want to see him hurt. Kaya pinaghintay niya ito na magconfess lang sa kanya kapag makakatugon na siya rito emotionally.
At nangyari ang pilit iniiwasan kahit hindi imposible sa friends with benefits relationship nila, Desire got pregnant. Both their parents want them married but both of them said otherwise. They could still take care of their unborn child without getting tied. At yun nga ang nangyari.
Nasunod ang gusto nila pero marami parin ang nagbago sa career nila. Desire resigned from her work as the host but continued to be part of her show's research team dahil sa pagbubuntis. Ced was then chosen to replace her but then, he continued his DJ work together with being the travelling TV show host dahil payag din naman ang management ng dalawang kompanya sa TV and Radio industry. At dahil din dito, Desire had not seen Ced for almost a year but they constantly talk over the phone and thru emails. Ced decided na magpakita sa panahong malapit nang manganak si Desire.
Seeing Ced again almost a year after knowing her condition made her feel different emotions she never thought she's capable of. Nang isilang naman ang anak nila, lalo namang lumalim pa ang nararamdaman niya para kay Ced dahil sa pag-aalaga nito sa kanya at sa anak nila. Hahayaan na ba niyang tapusin ang naudlot na pagtatapat ni Ced? O nahuli na siya sa desisyong ipagpatuloy ito?
————————
Halata bang inspired sa isang movie? Hahaha. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/37387276-288-k20925b.jpg)
BINABASA MO ANG
Thoughts from Moments (Collection of Unfinished Story Plots and Summaries)
SonstigesAng laman nito ay mga story plots na hindi ko magawan ng story lines dahil lagi akong wala sa sarili at makakalimutin sa plot at mga characters nito mismo. BABALA: Pagpasensyahan, wala lang talagang kwenta madalas ang laman nito. 'WAG BASAHIN KUNG F...