AWV: Engineering Math Realities 1

29 0 0
                                    

Naging busy ako this past few weeks. (Week palang ata ako di nka UD?) At dahil lang 'yon sa walong pirasong papel na sinulatan ko ng math problems at solutions nito. ENGINEERING MATH PLATES. Uyy! Nabagbag ang mga inayawan at umayaw kay Math. Hahaha xD no offense meant people. Isa kase ako sa 'great love' (pero hindi OGL ha) ni Math, ayun tuloy, qumota sila pimples #1 hanggang #50 sa pag-occupy sa space ng mukha ko. Hahaha. Hay. Kalokang Math. Gusto ko nang iwan pero binibigyan talaga ako ng rason para di ko iwan at mahalin pa rin. For the love of grades and transcript of records, our children. Hahaha :D

Title: The Courting Chronicles
Genre: Romantic-Comedy

"Ang hirap pala talaga mamili kapag pareho mong mahal yung mga nanliligaw sayo."

Lima kami sa barkada. Tatlo sa amin ay puro mga lalaki at dalawa lang kaming babae. Si Dory, Danny, Diesel at Genre. Si Dory, Diesel at Genre ay mga lalaking bestfriends ko simula pa nung highschool. Nasali lang sa amin si Danny nang magcollege kami sa kaparehang college building. Lahat kami ay gustong maging Engineer. Okay naman yung samahan namin. Ako at si Danny kumukuha ng Geological Engineering, si Diesel kumukuha ng Metallurgical Engineering at sina Dory at Genre ng Mining Engineering.
Masayang-masaya ang kulitan at gimikan. Hanggang sabay kaming lahat na nag-OJT sa isang kumpanya.
Kaming mga kumuha ng geological at mining engineering ay sa exploration department ina-sign. Diesel was assigned at the lab-test department but me and Danny were also allowed to do lab-tests. Pumupunta kami sa site to explore every 2 days tapos balik para sa lab-test. Ganun lang ang naging routine during OJT. Pero habang ganun yung routine, napapansin ko ring binibigyan na ako ng iba't-ibang regalo ng mga bestfriends ko. Kung di pagkain, kahit anong bagay para di raw mainitan. Akala ko trip lng nila na ganun kasi binibigyan rin naman si Danny minsan. Pero nagpatuloy yun hanggang matapos ang OJT.

Isang taon na lang, gagraduate na kami. Projects doon, seminars dito, bonding doon, gimik dito. Ang nasimulan noong OJT, mas pinalala pa nang binigyan ako ni Genre ng bulaklak. Isang bouquet ng violets, paborito kong bulaklak. He confessed he loved me ever since high school. Di rin nagtagal matapos magconfess at magbigay ng bulaklak ni Genre, sumunod si Diesel. He said he started loving me when we started college. White roses naman ang binigay nya, ang unang bulaklak na napitas namin noon. Nabigla talaga ako sa nangyayari noong araw na yun. Pag-uwi ko naman sa bahay, naabutan ko si Dory na may dalang bouquet ng red tulips na may kasamang white callalily at pink roses. "Wag mong sabihing, magcoconfess ka ring gusto mo ako?" Hula ko nang papalapit ako sa kanya. Napakamot na lang sya sa batok at tumango saka binigay ang pagkabigat-bigat na bouquet at umuwi sa katabing bahay namin. Ang weird ng araw na 'to. Sabay pa talaga silang tatlo. Naisip ko pero binalewala ko ulit dahil maaaring prank na naman to nila gaya nung high school kami. Sabay rin sila noon na binigyan ako ng chocolates. Akala ko pasalubong, yun pala suhol. Suhol para idate raw yung mga pinsan ko nung JS prom. Hindi na ako umasa pang ako ang yayayain. Malapit na pala yung senior's ball. Kaya pala namigay ng flowers yung mga yun. Sino na naman kaya ang gusto nila idate, at ako pa talaga ang sinuhulan? Sarkastiko kong himutok.

Ang himutok kong suhol ay naging akala. Kinabukasan nang binigyan nila ako ng bulaklak, sabay silang lumapit at sabay rin ng sinabi. "Pwede bang date si... Ikaw/Danny?" Ang saya ko. Sila ang nag-aya sa 'kin. Si Genre at si Diesel pa talaga. Natawa na lang ako kay Dory dahil dapat kay Danny siya nag-aya. At tinawag ko si Danny para kausapin si Dory.

As for Genre and Diesel, they were fighting for my attention and for my love.

I am Sellenium Gniess Joson and this is my bestfriends' courting chronicles.

--------

Sorry. Napaka dragging. Sabaw na sabaw talaga ako. Writer's block is inevitable. >.<

Thoughts from Moments (Collection of Unfinished Story Plots and Summaries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon