Red Lipstick (horror story)

313 4 0
                                    

Chapter I- For Sale

Pauwi na si Lee mula sa pinagtatrabuhang department store ng madaanan niya ang isang bagong bukas na tindahang nagbebenta ng mga cosmetics. Bigla niyang naalala na kailangan niya na palang bumili ng bagong lipstick.

Cashier si Lee kaya kailangan niya ding mag-ayos dahil sa dami ng hinaharap niyang tao araw-araw. 

Pagpasok niya ng tindahan agad siyang naghanap kung saan nakadisplay ang mga lipstick. Sa dami ng bumibili, abala ang mga saleslady sa pag-iistima.

Kasalukuyan siyang pumipili ng may lumapit na babaeng naka-uniporme, maganda at maputi.

"Miss may napili na po ba kayo" anang babae.

" Ah wala pa eh, may mairerecommend ka ba na babagay sakin?' Lee

" Sandali lang po hah" umalis ang babae at nang bumalik ay may dala itong lipstick. Pulang pula at ang ganda ng lalagyan. 

" Naku baka naman ang mahal niyan, eh ok lang sakin yung mumurahin" Lee

" Mura na yan kasi on sale kami ngayon, kakaopen lang kasi ng tindahan na 'to" babae

Dinala na ni Lee sa cashier ang lipstick at nung siya na nag magbabayad.....biglang tumunog ang cellphone niya ng pagkalakas lakas dahilan ara pagtinginan siya ng mga customer. Natawa pati ang mga cashiers. 

Gi-nud time na naman siya ni Rick, kasamahan sa trabaho na madalas manghiram ng cp sa kanya. 

Bago lumabas si Lee ay nakita niya pa ang babaeng umasikaso sa kanya kanina. Ewan pero ibang kilabot ang naramdaman niya sa ngiti ng babae sa kanya. Parang may kung anong ibig ipahiwatig ito.

Red Lipstick (horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon