Ibang Aura

218 3 2
                                    

 Chapter II- Ibang Aura

Gumising ng maaga si Lee, hindi niya maintindihan pero parang excited siyang pumasok at gamitin ang bagong biling lipstick. 

Kagabi niya pa to tinitigan at gandang ganda siya sa porma nito. Nakalagay ito sa malaporselana na lalagyan at pinapalibutan ng maraming maliliit na animo'y diamante. Gustong gusto niya din ang pagkapula nito.

Nasa jeep pa lang ay napansin niyang iba ang titig ng mga tao sa kanya.

"Mukhang maganda nga talaga ang lipstick na gamit ko" Lee sa sarili. Ngayon lang kasi ito nangyari sa kanya na para bang may iba sa kanya. 

Humimpil ng sandali ang jeep sa tapat ng gasoline station para hintayin ang ilang estudyante na papalabas ng iskinita.

Lumingon si Lee sa likuran at hindi niya alam kung namamalikmata lang siya pero parang nakita niya yung babaeng nagbigay sa kanya ng lipstick. Nandun pa rin ang ibang ngiti nito...nakakakaba.

" Wow!,ganda mo ngayon Lee ah" agad na pansin ng mga kasamahan niya pagpasok niya pa lang ng department store.

" Iba aura natin ngayon ah." Risa, bestfriend niya.

"Bakit ba?wala namang nagbago sakin eh" Lee

" Basta girl iba talaga aura mo ngayon, lips lang naman ang nagbago pero parang iba ang dating mo talaga" Risa

Hindi na niya pinansin ang mga kasamahan at agad na nag-ayos para sa pagbubukas ng department store. Ilang minuto pa lang ay simula na ang dating ng mga tao.

Ni hindi niya maiangat ang mukha sa dami ng pumipila  para magbayad. 

" Best! " tawag ni Risa. nasa tabi lang niya ito nakadestino.

Paglingon ni Lee hindi naman nakatingin sa kanya si Risa, abala din ito. 

Pero may ibang napansin si Lee sa estante ng mga sabon, may nakatayo doon at nakatingin sa kanya. 

Yung babae!!!!!!!!!!

Nakatayo lang ito at minamasdan siya......................andun parin ang ngiting nakakakilabot.

Tatayo na talaga siya para kausapin ang babae ng biglang may dumaan sa tapat ng kinatatayuan ng misteryosang babae at......................

Tumagos nga ba ang taong dumaan sa babae?.......

Pumikit si Lee, pagdilat niya andun parin ang babae at nakangiti sa kanya.......pero.....

Duguan ito at deformed ang mukha!!!!

Nanlaki ang mata niya sa nakita, dahan dahang nawala ang ngiti ng babae at napalitan ito ng galit....poot....at saka tumalikod at nawala.

-----------------

------------

-------------

Vote & comment po....

be back for the next chapter.

Xhimoto :-)

Red Lipstick (horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon