Ang paghaharap!!!

165 4 0
                                    

Chapter IV- Ang Paghaharap!!!!

Nakarating si Lee sa department store bago mag-ala una, buti naman at baka mapagalitan siya ng supervisor nito.

Dumaan muna siya ng locker room para mag-ayos. 

Agad na pumuwesto si Lee sa counter para makapag-lunch naman ang naka shift dito.

Barcode.....bayad......barcode..............bayad......barcode.............bayad, yun ang routine niya.

Ibang customer na ang naglagay ng items kaya nag-angat ito ng tingin para kunin ang mga items ng customer.

"Ikaw?" narinig niyang sabi ng babae sa harap niya.

Nakapang-sosyal ito na damit at may edad na.

" Esther?" saad naman ng lalakeng kasama nito.

" Anong ginagawa mo dito?" ang babae ulit.

Hindi maintindihan ni Lee ang nais ng babae, may pagtataka naman ang makikta sa hitsura ng kasamang lalake.

Nakita niyang pinasadahan ng masamang tingin ng babae ang lalake bago umalis.

" Ah, ale...bibilhin niyo po tong mga napili niyo?" Lee

Pero hindi lumingon ang babae na sinundan ng lalake.

--------------

-------------

-------------

" Lee, tawag ka ni Sir sa office" sabi ng kasamang cashier.

Nagpulbo muna at naglagay ng lipstick na nabili niya si Lee bago pumunta ng office, ayaw kasi ng boss niyang magpakalosyang sila kapag kaharap niya. Papalabas na siya ng locker room ng bigla siyang nahilo kaya umupo muna ito para sumandal.

    Pagpasok ng office ay napansin agad ni Lee ang babae at lalakeng customer niya kanina.  Galit ang babae habang nakayuko lang ang lalake.

" ito ang sinasabi ko sa inyo manager!" sabay turo ng babae sa kanya.

" Pero Ma'am matagal na po naming empleyado si Lee at ni minsan ay hindi po siya na-involve ng tulad ng ibibintang niyo" Supervisor ni Lee

" Sige!kung gusto mong malasin tong negosyo mo...huwag mo kong pakinggan. Basta inasabi ko sayo MALANDI ang babaeng yan!"

Nabigla ang babae ng biglang hawakan ni Lee ang daliri na tinuturo nito Kay Lee.

" Kung malandi ako, pwes! kasalanan na yun ng anak mo at pumatol siya sa katulad ko. Kung maayos sana ang pagpapalaki mo sa kanya, hindi siya iibig saisang  katulad ko." Nanlilisik ang mata nito na tinitigan ang babae.

Nabigla maskin ang supervisor niya sa inasal nito.

" Lee!" saway ng kanyang boss.

" Ang kasalanan ko lang ay ang pagiging malandi, eh ikaw? kriminal ka!!!" Lee

" Hindi totoo yan!!! kung kriminal ako sana wala ka na ngayon sa kinatatayuan mo." 

" huag mo kong takutin Misis Delgado, hindi ako natatakot mamatay ULIT!"

Mahina ang pagkakasabi pero narinig yun ng boss niya. 

Namutla ang babae at kaagad na umalis.

" Maghaharap tayo ulit malandi ka!"

" Kung buhay ka pa!," saad ni Lee na nakatalikod sa boss niya at nakaharap sa babae. Napansin ng boss nito na iba ang rumehistrong takot sa mukha ng kausap.

Pagkalabas ng babae ay agad ding bumagsak sa sahig si Lee.

----------------

----------------

-----------

vote

comment

please

thank yu.

Xhimoto:-)

Red Lipstick (horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon